Chapter 54

199 17 4
                                    

"Aaaaaahhhhh!!"

"Aaaahh!" Agad kong sinuntok ang lalaking nasa harap ko nang magising ako sa sigaw nya.

Bumangon ako at inis na tinignan ang katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nakahiga sya sa tabi ko!

Hawak nya ang kanyang pisnging tinamaan ko. Maya maya lamang ay nakapikit syang umiyak ng malakas.

"A-anong ginagawa mo dito?!" Gulat na tanong ko at hinila ang kumot para ipantakip sa katawan ko.

Bakit kasama ko syang matulog sa kwarto?!

"Aray koooo... Huhuhu.." Iyak pa rin nya at dahan dahang umupo sa kama. Pinunasan nya ang luhang nanggaling

"Ano bang ginawa ko sayo?!"

"S-sorry na.." Hinawakan ko ang pisngi nya at hinimas din ito. "Eh, bakit ba naman kasi nandito ka?"

"Ako? Bakit nandito AKO?" Turo nya sa sarili. "Hindi mo ba nakikita? Kwarto ko 'to, Rein! Kwarto ko!" Madiing sambit niya.

Pinalibot ko ang paningin sa buong kwarto. Dito ako natulog kagabi. Pero wala naman sya dito. Sa kwarto ni Kit ako natutulog.

At kaya ako nandito, nasa totoong mundo na kami..

At nandito ako ngayon sa kwarto ni Gray.

"Oh? Ano? Ikaw pa ang may ganang manuntok? Pagkatapos mong makitulog sa kwarto KO, ikaw pa ang mananakit? Aba!"

Eh, ano ba namang malay ko? Tulog ako eh. Pano ko malalaman?

"Bakit ba nandito ka?" Inis pang tanong nya.

"Bakit? Bawal ba? Sakin pa rin naman 'to ah."

"Oh, kita mo! Kita mo! Pagkatapos ng ginawa mo, ikaw pa ang galit! Imbes na magsorry, ikaw pa 'tong mayabang!"

"Nagsorry na ko ah!"

"Oh, e bakit galet?!"

"Pano'y sumisigaw ka! Kasalanan ko bang nandito ko?! Ginusto ko bang makatabi ka?! Ha?!"

"Eh bakit nandito ka?! Edi sana hindi ka lumipat dito!"

"Hindi ko naman alam na makakabalik kami agad, 'no! Anong malay ko!"

"Edi kasalanan mo! Wag ka sakin magalit! Wag kang manakit!"

"What's hap---" Gulat akong napalingon sa pinto nang bigla na lamang bumukas ito.

Nagtaklob ako ng kumot ng makita si Zhack, nakakunot ang kanyang noo.

Next time hindi na 'ko dito matutulog. Tsk.

"B-bakit?" Dinig kong tanong ni Gray sa kapatid.

"Nadinig ko kayong nagsisigawan sa loob."

Halos mapatili ako ng bigla na lamang nyang hilahin ang kumot. Lumipad ito sa lapag at naiwan akong nakaupo sa kama habang nakatulala.

Umupo din sya sa harap ko at tinitigan ako!

"What are you doing here?" Seryosong tanong nya.

Hindi ako sumagot. Hindi ko alam ang isasagot.

Anong sasabihin ko? Dito ako natulog? Katabi ko pa yung kapatid nya? Tsk. No way!

Pero hindi rin sya nagsalita. Kakagising ko lang at hindi ko alam kung anong itsura ko sa ngayon. Nakatitig pa rin sya sakin at ang nakakainis ay nakakaramdam na 'ko ng hiya!

"I d-don't know.." Pabulong na sagot ko.

Tumaas ang kilay nya at ilang segundong tinitigan muna 'ko bago kunin yung kumot na initsa nya sa lapag kanina.

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon