EPILOGUE

63 7 22
                                    

RJ's POV


One year later...



Napatingin ako kay Maky na ang gwapo gwapo ng ngiti. Kaya naman napangiti din ako. Sabay tingala ko sa kalangitan.

"Ano ba yan nagda-drama na naman. Tama na nga yan RJ. Baka ma-late pa tayo oh." angal ni MJ. Kahit kailan talaga tong babaeng to. Panira ng moment.

Tumingin ako sa kanya na nakasimangot.

"Hayaan mo na. Balak niya atang di mag-martsa eh. Tsk." sabi naman ni Chris.

"Tapos nandadamay pa diba? Diba?" sabi naman ni Steve. Kahit kailan tong mga lalaking to talaga.

Mas lalo akong napasimangot. Napangiti na lang sina Emman at Ate Hailey.

"Oo na. Oo na." sabi ko sabay tayo sa pagkakaupo.

Nandito kami ngayon sa sementeryo at binisita saglit si Maky bago pumunta sa graduation ceremony namin.

Today is his first death anniversary and today is also our graduation day.

Napalingon ulit ako sa kanya. Sa kanyang litrato. Ang gwapo talaga niya.

Kaso sayang.

Sayang ang kanyang lahi. Choss.

Sa isang taon, unti-unti naming tinanggap na wala na talaga siya.

Isang taon.

Isang taon na pala simula nung mawala siya.

Kung nabubuhay pa siya ngayon, siguro kasama pa namin siyang mag-martsa at tumanggap ng diploma.

Baka isa rin siya sa mga with latin honors ngayon katulad ko.

Ay sina MJ din pala, Steve, Chris at Emman. Hindi lang ganda at gwapo ang meron sa kanila kundi matalino din.



Natapos ang Graduation Day na may ngiti sa aming mga labi at kinang sa aming mga mata.

Sa wakas. Nakatapos din ako sa pag-aaral. Masusuklian ko na ang hirap at pagod ni nanay sa pagpapalaki at pagpapaaral sa akin.

Thankfully, hindi na ako maghahanap ng trabaho dahil ang trabaho na mismo ang naghahanap sa akin. Ang kailangan ko na lang gawin ay ang pumili ng kumpanya.

Isa na rin ang kumpanya/family business nina Ate Hailey. Siguro nga hindi ko na kailangan pang mag-isip kung saang kumpanya ako papasok dahil nandiyan na ang kumpanya nina Ate Hailey.


Anyway, nandito kaming lahat sa bahay nina Ate Hailey dahil ice-celebrate namin ang death anniversary ni Maky.

Hayss. Kung kelan magce-celebrate ng anniversary, death anniversary pa. Di ko nga din alam kung celebration ang tawag dun. Siguro pwedeng "Remembering the Death of Maky" na lang. Hayss.

Mark Devin Morrison. I missed you. A lot.


Masayang nagku-kwentuhan ang pamilya namin.

Kahit na wala na dito sa mundong ibabaw si Maky. Alam namin na nandiyan lang siya at ginagabayan kami palagi.

Nandito kaming magbabakarda ngayon sa kwarto niya samantalang yung mga magulang naman namin ay nasa sala. Medyo may pagkalawak nitong kwarto ni Maky kaya nagkasya naman kami dito.

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon