A Mother's Heart

256 6 3
                                    

Amara's POV

It's the next morning. I think medyo okay na si Calli dahil makulit na at nagpupumilit pumasok sa school. But hindi ko muna pinayagan. She's staying muna sa bahay and half day lang ako today para makauwi agad ako.

I opened the bottom drawer of my desk and natawa nalang ako sa laman nito. Mga things na binigay ni Alex nung hindi pa kami magkaayos. Yung notes sa coffee at kung ano ano pa. Hahahahaha. Hindi ko kasi nalilinis itong drawers ko eh.


"Ate." Tarra said habang nakasilip siya sa gap ng glass door.

"Yes?"

"Nandito na po yung 10 am niyo." She said. She's referring to my 10 am appointment.

"Ah sure. Papasukin mo na." I said then inayos ko muna ng konti yung desk para presentable.

I looked at the door and was surprised to see kung sino.
"Sam?" That's all i can say. I don't know how to talk to her.

Ngumiti siya ng tipid at lumapit sa desk ko.
"Good morning. Uhmmm. Pwede ba tayong mag-usap sa labas?" Tanong niya. Bakit kinakabahan ako?

"Saan?" I asked.

"Sa nearby cafe. Kung okay lang."

"Sige." Sagot ko.

~~~~

Nandito na kami sa cafe and she ordered drinks bago kami magstart na mag-usap.

"Thank you pala for letting me talk to you." Sabi niya and ngumiti lang ako.

"Tungkol saan pala yung pag-uusapan natin?" I tried to sound normal.

"Do you know about Stacey?" Tanong niya. Kahit mahirap sagutin, kailangan ko pa ring makipag-usap ng maayos.

"Yes. Nasabi na ni Alex. Bakit nga pala ako ang gusto mong kausapin instead of Alex?" Tanong ko. Diba kineclaim niyang anak nila yun? Bakit ako ang gusto niyang kausapin?

"Because this concerns you as well." Sagot niya. I don't know kung anong pinupunto niya pero I don't think i'll like where this conversation is going.

"Uhmmm. Kasi...look, wala naman akong balak na guluhin kayo." She sounds hesitant and parang hindi alam ang gustong sabihin.

"Yes, i understand. Can we go straight to the point?"

"You see, nahanap na nila si Stacey. Here are her pictures." Inabot niya sa akin yung mga nakadevelop na photos. I turned them around para makita ko.

Parang nabasag yung puso ko nang makita kung sino.

"I'm sorry. Alam kong malapit ang loob mo sa kaniya. But...siya yung nahanap nila." She held my hand while I'm holding the pictures. Mga pictures taken from afar. Picture ng girl na nakajumper and yellow shirt with a cute hairstyle. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya, alam ko kung sino siya.

Namumuo na yung luha sa mata ko. I immediately wiped it para hindi na tumulo.

"How are you so sure na siya nga ang hinahanap niyo? May sarili siyang mga magulang. " I said while my voice is quivering.

"All the lead is pointing to her. Yung parents na sinasabi mo, sa kanila lang ipinagkatiwala si Calli when she was taken away. Amara, i've looked for her for so long. Ngayon may chance na ako na malaman kung siya nga yung anak ko, hindi ko na palalagpasin."

"And why are you telling me this?" Tanong ko. I don't know what to think of. Kung sakali ngang anak ni Alex at Sam si Calli, hindi ko na alam gagawin ko.

Sa Bawat ArawDonde viven las historias. Descúbrelo ahora