Secret Garden

138 8 3
                                    

Amara's POV

I woke up to the sound of someone knocking from the door. Ang aga aga naman. Tinatamad akong bumangon at pumunta sa pinto para pagbuksan iyon.

"Good morning." Bati niya. Napatingin ako sa porma ng lalaking nasa harapan ko.

"Anong meron?" Tanong ko habang kinukusot ang mata ko. Nakajogging pants kasi itong si Alex tapos nakajacket.

"Lakad tayo sa labas." Yaya niya. Nagkakamot pa ako ng ulo kasi tinatamad talaga ako. Ang lamig kasi kaya masarap matulog.

"Ehhh." I closed the door pero pinigilan niya. Akala nito maiisahan niya ako ah, hindi ko pa rin kasi kinakausap kaya akala niya madadaan niya ako sa ganyan. Kasi dadaanin niya ako sa sweet talk hanggang hindi ko namamalayan, magkasundo na pala kami. Diba? Mga galawan eh.

"Bilis na. Magbihis ka na. Maglalakad lang naman sa labas." Pilit niya sa akin so i gave him a bored look pagkatapos ay tumango ako and i closed the door. Hayyy pagbigyan. Pagbigyan ang bata.

Naisip ko sanang yayain din si Calli kaya lang tulog na tulog kaya huwag nalang. Pati mga girls, ang hihimbing ng mga tulog. Natatawa nga ako dahil kahit tulog, nagkakasipaan pa rin si Abi and Venice na laging magkabangayan kapag gising. Habang kila Elvi naman, tahimik lang sila doon na natutulog. Makikita mo talaga kung sinong magbebestfriends. Hahaha.

I just wore a simple jacket and leggings tsaka rubber shoes. Then i tied my hair into a ponytail pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto and nakasandal lang si Alex sa pader katabi ng pinto. Napaharap siya sa akin when he noticed me.

"Tulala ka dyan. Halika na." I said then nauna na akong lumakad pababa ng hagdan.

Kakasunrise lang and sobrang liwanag dito sa labas at medyo basa yung sahig dahil umulan kagabi. Sumasabay sa akin si Alex dahil ang bilis kong lumakad and we're now heading to the flower field.

"How's your sleep?" Tanong niya habang nakalagay ang dalawang kamay sa likuran while we're walking.

"Fine." Maikli kong sagot.

"Galit ka pa rin?" Medyo mahina niyang tanong. Parang hesitant pa siyang itanong yun.

"Hindi."

"Bakit 'isang tanong, isang sagot' ka?"

"Wala." Huminto naman siya sa paglakad kaya napahinto rin ako.

"Why did you stop?" I asked kasi nakatingin lang sa akin. Ang liwanag pa ng spot na hinintuan namin ah. Nakakasilaw yung araw kaya hinaharang ko ang kamay ko sa gilid ng mukha ko.

"Hindi ako lalakad hangga't hindi mo sinasabing okay na tayo." He said. Tinaasan ko naman siya ng kilay then he crossed his arms.

"I can stay here hanggang mamaya." Sabi niya. Hay nakoooo, kung hindi lang ako naggagalit galitan, kanina ko pa pinisil ang pisngi nito. Ang cute!

"I will wait until you are ready to talk to me."

"Kahit abutin tayo ng hapon--" Hindi ko na siya pinatapos magsalita because i already kissed him. Yung gulat naman niya ay napalitan ng ngiti.

"Ang daldal mo kasi. Patatawarin ka naman na eh." I said habang nagpipigil ng ngiti.

"Sus. Hindi mo lang ako natiis." Sabi niya tapos niyakap ako. Amara aminin, namiss mo rin.

"Tara. Let's go there." He said tapos hinawakan ang kamay ko. Hindi niya tinuro kung saan pero alam ko ang lugar na tinutukoy niya.

"Ehhh ang layo naman nun eh." Apela ko kasi malayo talaga dito yun. Although nasa farm pa rin pero tinatamad talaga akong maglakad.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now