Don't turn around

167 7 2
                                    

Amara's POV

"Bye po. Thank you ate. Ingat!" Bumaba na si Tarra at naiwan na akong mag-isa sa kotse. Medyo malayo kasi ang bahay ni Tarra sa bahay ko. Day-off kasi ng driver ko. And kaya ko naman magdrive so may mga araw na ako na nagdadrive ng kotse ko.

Kakagaling lang namin sa dinner kasama sila Calli and Pretty. Sobrang saya kanina. And who knew na pareho kami ng paborito ni Calli?

I'm now driving home and medyo wala nang sasakyan sa dinadaanan kong kalsada.

"Ay jusko po!!!!" Nagulat ako dahil biglang huminto yung kotse sa harap ko. Buti nalang ay napapreno agad ako.

Bumaba ako ng kotse at pagbaba ko ay sakto rin naman na bumaba yung driver ng kotse sa harap ko. Nakatalikod siya kaya hindi ko makita ang mukha.

"Pasensya na miss. Kasalanan ko. Ang lawak lawak ng kalye hindi ako-- Amara?" Nanlaki ang mata ko dahil sa gulat.

"Alex? " We're both shocked. Sinong magaakala na dito pa kami magkikita?


"I'm very sorry. Ok ka lang ba?" I'm still standing here while looking at him. This is very unexpected.

"I'm fine. It's okay. Mag-iingat ka nalang next time." Sumakay na ako sa kotse at pinaandar ito.

"What the?" Magstart ka pleaseeee. Magstart ka na, my beloved carrrr.

"Arghhhhhh." Nahampas ko nalang ang manibela ko sa inis. Sa lahat ba naman ng pagkakataon na pwedeng masiraan ng kotse, dito pa talaga?

Kinuha ko ang phone ko at bumaba ng kotse. Wala pa naman halos na kotse na dumadaan dito.

"What happened?" Nandyan pa pala siya. My goodness. Destiny or nang iinis lang talaga. Teka, bakit ko naisip yun?

"It's nothing. " I tried to contact my driver pero walang signal dito. Medyo mapuno dito sa lugar na ito eh. Di ko nga alam kung bakit dito ako dumaan.


"Sira ba yung kotse mo? Maybe i can help." Kahit pa tumutol ako, nakuha na niya yung toolbox niya sa compartment ng kotse niya.

"Hindi naman na kailangan. Kausap ko na yung driver ko." I just said para tigilan na niya. Bigla naman niyang kinuha ang phone ko at tinignan ito.

"No service. No signal. So paano mo nakausap ang driver mo?" Yumuko siya dahil alam kong nagpipigil yan ng tawa.

Binuksan niya yung hood ng kotse ko at tinignan kung ano ang sira.

"Hindi ko ito kabisado, baka masira lang yang kotse mo. Kailangan dalhin yan sa repair shop." He said habang binabalik yung toolbox sa kotse niya.

"Ako nalang ang cocontact. " Medyo lumayo ako para makakuha ng signal pero walaaaaaa.

"Pwede naman bukas mo na ipaayos yan. Gabi na rin. " Payo pa niya.

"Sige. I can wait here hanggang magkasignal." Papasok na sana ako sa kotse ko pero narinig kong may sinabi siya habang natatawa.

"Still the same old Amara. "

Padabog kong sinara ang pinto ng kotse ko at naghintay na umalis na siya doon. But 2 minutes has passed and he's still there. Paano ko ba mapapaalis itong lalaking ito? I just played on my phone. Maghihintay talaga akong magkasignal. Bahala siya dyan. Hihintayin ko siyang umalis.

~~~~~~~~~~~~

Nakatulog yata ako dito sa kotse. I heard knocking on my car window so kahit medyo nakapikit ang mata ko ay binuksan ko ito at yumuko ulit sa manibela.

Sa Bawat ArawTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang