Happy Birthday!

206 7 6
                                    

Amara's POV

So it's 5 in the morning. Nagpahanda ako ng breakfast dahil dito ako sa bahay kakain. I'm still in my sleepwear at medyo inaantok pa.

Pagbaba sa dining, nandoon na si Calli na naghahanda ng breakfast.

"Wala talagang makakatalo sayo sa paggising ng maaga noh?" Pambibiro ko.

"Meron naman po. Kung magigising kayo ng mas maaga sa akin. Hahahaha." Hay biruan sa umaga.

~~~~~~~~~~~

"Mamayang 10:30 susunduin ka na ni Tarra papunta sa mall." I said before drinking my coffee.

"Sige po." She answered.

"No budget, kung anong kailangan mo sa school, kunin mo na."

"Sabi niyo po ah. Hehehehe. Joke."

~~~~~~~~~~~~~~

After kumain ay pumunta si Calli sa kusina para maghugas ng pinggan. Lumapit naman sa akin si manang Carina.

"Amara, salamat ah. Napakabait mo talaga."

"Para saan po?" Tanong ko.

"Para sa lahat. Sa pag-aaral ni Calli na hindi mo naman obligasyon pero tinulungan mo pa rin siya. Sa pagpapatira sa amin dito. Sa trabaho ko." I smiled dahil sa sinabi niya.

"Wala po yun. Tayo tayo din naman po ang magtutulungan. Tsaka napakabait din naman po ng apo niyo. Reward niya na po yan sa pagiging mabait na apo sa inyo at mabait na kaibigan sa ibang tao." Sagot ko. I don't expect anything in return pero yung marinig ko lang yung word na 'Salamat', that's more than enough.

"Hay nako napakabait na bata talaga niyan."

"Ay baka makalimutan ko pa po, mamayang hapon may pinahanda ako na konting surprise po kay Calli. Huwag niyo pong sasabihin sa kaniya ah." I told her para makapagready din siya.

"Birthday nga pala ni Calli. Sige."

~~~~~~~~~~~~~~~~

I'm here at my office and it's already 9 am. May meeting ako with the board of directors mamayang 10 am. So I'm just sitting here and studying the sales report para mamaya sa meeting.

"Good morning madammm." Bati ni Tarra pagpasok ng office ko. Tumango lang ako at bumalik sa ginagawa ko. Kinuha niya yung mga papeles na pinirmahan ko kagabi at nilagay yun sa folder.

"Tarra! May number ka ni Pretty diba? Tell her na pumunta sa bahay mamaya."

"Ay sige po. Matutuwa niyan si Calli."

~~~~~~~~~~~~~

Calli's POV

Anong oras na ba? 10 25 am naaaaaa. Nakabihis na ako kasi hindi naman halatang excited ako mamili ng gamit sa school dibaaaa??? Actually gumawa na ako ng listahan ng bibilhin ko para mabilis lang tsaka tipid.

Narinig ko na may nagdoorbell at tumakbo na ako papunta sa gate.

"Hiiiii. Nakabihis ka na?" Si Ate Tarra.

"Opo. Ay sandali lang po may kukunin lang." Tumakbo ako papasok at kinuha yung maliit kong bag.

"La, alis na po kami." Pagpapaalam ko paglabas ko ng kwarto.

"Ingat."

Paglabas ng gate, nandun na sa loob ng sasakyan si ate Tarra kaya sumakay na ako.

~~~~~~~~~~~~~~

Nakatingin lang ako sa bintana habang may chinecheck sa tablet niya si ate Tarra. Nakalabas na rin kami ng village.

"So sabi ni madam kung ano daw ang kailangan mo sa school, bilhin mo na." Tumango nalang ako.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now