Bad Mood

194 8 0
                                    

Calli's POV


Gabi na at medyo madami naman kaming customers ngayon. Nagkukwentuhan lang naman kami ni Ate Pretty.

"Describe mo yung bahay." Kanina pa niya ako kinukulit tungkol sa bahay ni mam Amara.


"Basta parang palasyo. Tapos may pool tsaka malawak na garden. As in yung banyo lang nila parang buong bahay na namin."




"Ilan kayo dun?" Tanong ni ate habang kumakain ng cheesesticks.


"Hmmm. Apat..Lima. Lima kami dun. Kaming dalawa ni lola, yung dalawang kasambahay ni mam Amara tsaka siya." Medyo kumunot naman ang noo niya sa sinabi ko.



"So single si mam Amara? Walang anak?"

"Oo yata." Tumango pa ako.


"Lungkot nun. Parang wala lang siyang inuuwian sa bahay." Nag agree naman ako sa sinabi niya.



"Ang tahimik nga sa bahay niya eh." Dagdag ko pa.




"Teka, bakit po ba natin pinaguusapan si madam? Dapat magsara na tayo kasi malayo pa uuwian ko. Naks."



"Oo sige sandali lang. Ubusin ko lang itong pagkain ko."



~~~~~~~~~~~~~~

"Babye! See you tomorrow!" Nasa kalsada na ako at nag aabang nalang ng masasakyan. Naghahanap ako ng jeep habang sumisipsip sa softdrinks na hawak ko.



Ayun. Salamat naman makakauwi na rinnnnn.

~~~~~~~~~~~~~

After ng mahaba habang biyahe. Joke lang. Mga 15 minutes. Nandito na ako sa village. Maglalakad nalang ako papasok sa loob. Wala naman akong choice eh. Hahahahaha.

Ang gaganda ng mga bahay. Lalo na kapag gabi kasi ang liwanag sa loob. Mga mansyon ang nandito eh. Grabe.


~~~~~~~~~~~~~

So ayun pagkatapos ng ilang tumbling, nandito na ako. Nagdoorbell na ako at binuksan naman ni ate Lea.

"Good evening! Nandyan na si mam?" Bati ko.

"Good evening. Nandyan na. Pero nagdire diretso sa kwarto niya. Hindi pa bumababa." Pagpapaliwanag niya habang nilalock yung gate.




"Anong oras po ba siya dumating?" Tanong ko tapos humarap sa akin si Ate Lea. "Mga alas otso." Tumingin naman ako sa orasan ko. 9 na eh. Isang oras na siyang hindi bumababa? Baka nagdinner na sa labas.


"Ah sige dun lang muna ako sa garden. May inaayos pa ako dun eh." Tumango naman ako at pumasok na sa loob ng bahay.



"Good evening La. Good evening ate Vera." Nandito sila sa kusina. Nagaayos yata ng groceries si ate Vera.


Pumunta ako sa kwarto namin ni Lola at nagpalit ng damit tapos ay lumabas para tumulong sa kanila.




"Ako na po magpeprepare ng table." Pagpepresinta ko. Inayos ko na yung mesa at umupo muna ako sa bar stool sa harap ng counter.

"Tawagin mo na si mam Amara mo. Luto na itong hapunan." Sumunod naman ako kay lola at umakyat sa hagdan.


My o my. Nasan dito kwarto ni mam? Hindi ko naitanong. 4 na pinto ang nandito sa taas.

Okay so kakatok ako sa bawat pinto?
Baka may magbukas. Ngiii. Creepy. Ang tahimik pa naman ng bahay na ito.



"Mam Amara?" Kumatok ako sa unang pinto. No response.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now