Dinner

173 6 0
                                    

Calli's POV

Ang sarap pala kakwentuhan nila Mam Amara at ni ate Tarra. Medyo maggagabi na kaya nagpapaalam na sila para umuwi.

"Sige. We have to go na. Thank you for the great conversation. " Sabi ni Mam Amara habang inaayos ang bag niya at tumayo sa matagal na pagkakaupo.

"Wala po yun. Basta kung kailangan niyo lang po tumawa, alam niyo na kung saan kayo pupunta. Hahahaha." Sabi naman ni Ate Ganda na enjoy na enjoy sa pagkukwento kanina.

"Uy. Next time hang out tayo besh ah. Bigay ko sayo calling card ko para matawagan mo ako tas bigay mo din number mo. Hahahaha. " Naging magbeshy na si Ate Tarra at ate Ganda. Medyo lumabas na kami ni Mam Amara ng pwesto habang nasa loob pa yung magbff. Hahahaha.

"Thank you pala sa time ah. Baka nakaabala pa kami. Hehehe. " Nahihiyang sabi ni mam sa akin. "Sus wala po yun. Ang saya nga po eh. Basta gaya po ng sabi ni ate Ganda, kung gusto niyong tumawa, alam niyo na po kung sino pupuntahan niyo. Lagi naman po kaming nandito eh. " Ngumiti naman siya sa sinabi ko. Grabe ang ganda talaga niya. Kung hindi ko nga siya kilala mapagkakamalan ko siyang artista nung lumapit siya sa pwesto namin kanina eh.

"Sige Pretty, text text nalang!" Napalingon kami kay Ate Tarra na nagpapaalam kay ate Ganda. "Ano po mam? Alis na po tayo? Tinawagan ko na po yung driver niyo. " Tanong niya at napalingon naman ako sa relo ko. 5:54 na pala. Kaya pala madilim na sa labas.

"Naku mam, matatraffic po kayo. Sige po. Ingat po kayo." Pagpapaalam ko sa kaniya. "Sige salamat ulit." Nagulat naman ako ng bigla niya akong yakapin. Lahat ba ng bago niyang nakikilala niyayakap niya?

Biglang naging awkward nung humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin. Nagulat din siguro siya. Mga baks, pareho lang kaming nashock. Hahahaha.

"Sige po ingat kayo. " Lumakad na sila palayo at lumingon ulit siya sa akin saka kumaway.

"Huy! Parang hindi na kayo mapaghiwalay ni Mam Amara ah. Close na kayo teh? Shala mo, may kaibigan kang yayamanin. " kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Eh ikaw nga may beshy ka na fashionista eh. Hahahahaha. "

"Grabe noh? Ang bait nila. Akala ko nga suplada sila eh. Paano ba naman kasi nasa tiangge tapos nakaformal attire. How to be sosyal?" Nagulat din ako kanina eh. Yun pala parang nagsurvey and nagobserve si mam Amara para sa kompanya nila. Survey na napunta sa tawanan at kwentuhan.

Amara's POV

"Ate, pupunta pa po ba tayo sa office or diretso na po kayo ng uwi?" Tanong ni Tarra habang may chinecheck sa schedules sa tablet niya.

"Uuwi na. And pwede ka bang sumama sa bahay for dinner? " I invited her. Syempre napakaloyal assistant niya at deserve niyang matreat once in a while.

"Wow ate. Ang ganda ng effect sayo ng pagpunta doon ah. Iniinvite niyo po akong kumain sa inyo? Ay syempre hindi po ako tatanggi." Natatawa pa niyang sabi.

"Oo o hindi lang ang sagot eh. Ang dami mo pang sinabi. Hindi ko nga alam na madaldal ka rin pala. Napakatahimik mo kasi sa office." Natawa siya dun sa part na sinabi kong madaldal siya.

"Ate kasi parang ang serious mo lagi. Eh paano naman po kita kukwentuhan? Baka mapagalitan mo pa ako. Pero in fairness po ah, kanina lang po kita nakitang tumawa ng malakas. " It's true. Seryoso kasi ako sa office. Kapag kinausap mo lang ako tsaka lang ako magsasalita. Kaya minsan napagkakamalan akong suplada which is hindi naman.

"Sige magpapahanda na ako ng dinner. " Tinawagan ko si Manang Helen at sinabing may darating na bisita para magdinner at agad naman siyang nagluto.

~~~~~~~~~~~~

Tarra's POV

Hello po. I'm Kristarra Garcia. But you can call me Tarra. Ako ang ever loyal assistant ni Madam Amara na tinatawag kong ate. Siya ang nagsabi na iyon nalang ang itawag ko sa kanya. 7 years na niya akong secretary at napag-aral niya ang dalawa kong kapatid. Bongga diba?

Sa Bawat ArawМесто, где живут истории. Откройте их для себя