Invitation

167 7 5
                                    

2 weeks later

Ria's POV

"Oh? Eto na papunta na. May inasikaso lang kasi ako."

"Ok. Hurry up." Si Amara yan na minamadali ako.

"Oo sige na. Babye."

Jusko. Inistress ako ng babaitang ito. Kahapon biglaan akong tinawagan kasi daw magpapasama siya na tignan yung reception area. Yup, ikakasal na sila in 2 weeks. Or nasabi na nila yun sa inyo.

Anyway, tinawagan niya ako para papuntahin sa fitting ng gown. Tapos nung isang linggo, nagtaste ng mga pagkain na iseserve. Syempre matron of honor ang lola niyo. Hahaha.

Kasama ko ngayon si Erissa kasi yung dalawa niyang kapatid, nasa U.S. dun muna nakatira sa lola nila.

Pagdating sa boutique na pag-aari din naman ni Amara, sinalubong niya kami sa pinto.
"Hay salamat. Nandito na sila." Sabi ni Amara.

"Hi tita." Bati ni Erissa tapos nakita si Calli kaya ayun, nagkwentuhan na naman. Hahahahaha.

"Nakakastress ka girl ah. May hawak pa akong mop nung tinawagan mo ako kasi naglilinis ako ng bahay."

"Sorry. Hahahaha. Nandun na sa loob yung gown. Ifit mo na." Naexcite naman ako kaya pumunta na ako dun.

Amara's POV

Stressful pa rin ang planning ng kasal. Katulad lang nung dati. Gowns nalang naman then okay na. Naayos na namin lahat. From the venue to the foods and invitations. We just invited our closest friends and syempre business friends. It won't be as grand as the first one but it's fine. Hindi naman dun masusukat yun eh.

I was patiently waiting for Ria kasi ang tagal magbihis. Then may pumasok sa boutique.

"Amara." Napalingon ako and i got so surprised.

"Mama, how are you? What are you doing here?" Tanong ko.

"I'm fine. I already asked them to make my gown."

"You're coming?" Gulat kong tanong.

"Of course. It's your wedding and i should be there."

"Thanks ma. Super thank you." I gave her the best smile. Salamat naman at tanggap na niya si Alex.

~~~~~~~~~~~~~

"Bagay ba?" Tanong ni Ria paglabas ng fitting room.

"Wow. It looks great on you." Tumayo ako and tinignan yung outfit niya. It's a pastel pink gown. Pastel colors kasi yung motif. Hahaha. Buti pumayag si Alex, ang tagal din ng diskusyon namin tungkol dyan pero nanalo pa rin ako haha.

"Syempre, maganda yung may suot eh. Joke. Naeexcite tuloy akooo. Hahahaha."

"Bakit? Ikaw ba ikakasal?" Pambibiro ko. Binigyan niya naman ako ng dagger look. Hahahaha.

"Hi ladies." Nandyan na pala si Alex. Susunduin niya daw ako kasi nagpapahatid ako sa office.

"Sige na, ako na bahala dito. Gora na kayo sa opisina at baka si Tarra na ang maging CEO dun. Hahaha." Nagpaalam muna ako kay Ria tapos si Calli ihahatid nalang daw nila sa bahay.

"Ok na yung gowns?" Tanong ni Alex pagsakay namin ng kotse.

"Yup. Ok na lahat." I said while putting my seatbelt on.

"So kasal nalang talaga yung kulang. And you're officially my wife." He said then he leaned towards me.

"Two weeks pa. Maghintay ka. De Vida pa rin ako ngayon." I said while laughing.

Sa Bawat ArawUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum