Chill ka lang

171 8 0
                                    

Calli's POV

Naghuhugas na ako ng mga pinggan and mamaya ay pupunta na ako sa tindahan. Tutulungan ko pa si ate Pretty eh.

Pagkatapos maghugas ay pumunta na ako sa kwarto para magbihis dahil nakaligo naman na ako.

"All done." Sabi ko sa sarili ko sa salamin at saka lumabas ng kwarto.

"La, alis na po ako ah." Sabi ko kay lola na nasa kusina.

"Ingat ka." Sumaludo naman ako tsaka lumabas papunta sa sala.

"Calli!" Napalingon naman ako sa tumawag sa akin. Si mam Amara pala na bumababa ng hagdan.

"Ay bakit po?" Tanong ko.

"Aalis ka? Pwede ba dito ka muna sa bahay? Magpapatulong lang sana ako. Kung okay lang."

"Ummm. Sige po. Teka tawagan ko lang po si ate Pretty." Sabi ko at tumango naman siya at dumiretso sa kusina.


Tinawagan ko na si ate Pretty at pumayag naman siya na siya na daw muna ang magbabantay dun sa pwesto. Ngayon lang naman.

Bumalik na ako sa kwarto at binaba ang bag ko.

"Oh? Hindi ka aalis?" Tanong ni lola na nagpapahinga sa higaan niya.

"Magpapatulong daw po si mam eh. Nagsabi naman na po ako kay ate Pretty." Tumango naman siya at lumabas na ako ng kwarto. Paglabas ko, pumasok ng kusina si mam Amara  na may dalang libro. Parang cookbook.

"So ano po yung maipaglilingkod ko?" Tanong ko na may kasamang makulit na ngiti.

"Magpapatulong sana ako sa iyo na magbake at magluto. Diba marunong ka sabi ng lola mo. Tsaka okay na rin ngayon kasi hindi naman ako papasok. Naisip ko kasi na hindi ako masyadong nagluluto dahil wala akong time." Tumango ako at inabot niya sa akin yung cookbook.

"Ano po ba dito ang gusto niyong ibake?" Tanong ko. Ang dami kasing recipes.

"Ikaw na mamili." Naghanap naman ako at may napili kaagad.

"Cookies!" Sabi ko at tumango naman siya tapos ay kinuha na namin yung mga baking tools.

"Okay so may flour na. Salt?" Tanong niya.

"Teka po. Kukunin ko lang." Alam ko kasi kung saan nilalagay ni Ate Vera yung mga pagkain. Hahahaha.

Naghugas muna kami ng kamay bago magstart.

Hinahalo na namin yung mga ingredients. Ang sayaaaaa. Ang kalat na nga ng table eh. Hahahaha.

"Secret lang to ah. Marunong talaga akong magluto. Hahahaha." Sabi ni mam Amara habang nagni knead kami ng dough.

"Hindi lang talaga ako nakakapagluto kasi busy. Pero mahilig akong magbake and magluto nung bata ako." Wow. Trivia coming from the master herself. Hahahaha.

"Ano po mga niluluto niyo noon?" Tanong ko dahil nacurious din ako.

"Hmmm. Mga Filipino foods. Tapos mga pasta. Yun." Inisprinkle-an na namin ng chocolate chips yung dough. Ang bangooooo. Naghagis ako ng chocolate chip sa ere at sinalo sa bibig ko.

"Masarap ba? Eto, saluhin mo." Kumuha siya ng chocolate chip at binato sa bibig ko. Buti nasalo ko kaagad.

Nakakatuwa yung tawa niya. Hahahahahha. Tawang tawa siya.



"Mamaya na tayo magbatuhan ng chocolate. Ayusin muna natin ito sa baking tray." Natatawa niyang sabi kaya binilog na namin yung dough at pinatong sa tray na may baking paper.


Sa Bawat ArawWo Geschichten leben. Entdecke jetzt