Regrets

418 8 0
                                    

Alex's POV

Papunta kami ni Amara ngayon sa bahay ni Sam. It's been a week and Calli hasn't woke up yet. We're getting worried everyday.

Paghinto sa tapat ng bahay niya, nakailang doorbell kami before buksan ng house helper ang gate. Nagulat pa siya nang makita kami.

"Nasaan si Samantha?" Tanong ni Amara.

"Mam, pasensya na po. Pero huwag na po kayong gumawa ng gulo dito." Sabi ng kasambahay.

"Nasaan siya? Nagtatago? Kailangan namin siyang makausap." Pagpupumilit ni Amara.

"Mam, pasensya na po-- mam!" Pumasok si Amara sa loob at hinabol namin siya.

"Samantha!!!!" Sigaw niya.

"Samantha lumabas ka!!" Amara screamed with authority. May pumasok mula sa garden at napatingin sa amin. Nilapitan siya ni Amara kaya napaatras siya.

"Isa lang ang itatanong ko sayo. Pineke mo ba ang resulta ng DNA test niyo ni Calli?" Tanong ni Amara. Nakatingin lang sa kaniya si Samantha.

"Sumagot ka!"

"So what if i did changed it? May magagawa ka pa ba?" Sagot niya kay Amara then she laughed sarcastically. Nagalit ako dahil sa narinig ko. Why did she do that?

"Bakit mo ginawa yon?" Tanong ko sa kaniya. Pinatabi ko muna si Amara.

"Alex kaya kong magpaliwanag." Humawak pa siya sa braso ko pero tinanggal ko yon.

"I'm giving you another chance para sabihin ang totoo. Si Calli ba si Isabella?" Mahinahon kong tanong. She's just staring at me and hindi ko alam ang tumatakbo sa isip niya.

"Magsalita ka! Si Calli ba si Isabella?"

"Oo! Si Calli si Isabella! Siya ang anak niyo!" Amara grabbed her by the arm tightly.

"Why did you do that?! Bakit Sam?" Galit na tanong ni Amara. Lumalakas ang boses niya dahil sa galit.

"Because i want you out of my life! Dahil mahal ko si Alex!" She yelled right in front of Amara's face. Sinampal siya ni Amara ng malakas kaya napahawak siya sa pisngi niya.

"Dahil lang sa pagmamahal mong yan, may batang delikado ang buhay! How can you be so selfish!"

"Bakit ikaw? Hindi ka ba selfish? Lahat ng dapat sa akin, inaagaw mo!" Bawi ni Sam.

"Wala akong inaagaw sayo! Kung ano mang meron ako ngayon, akin yon. Never naging iyo!!"

"Kung hindi ka dumating, akin sana si Alex. Wala sana tayong problema ngayon!" Hinila ni Amara sa buhok si Sam kaya gumanti ito.

"Enough! Tigilan niyo na." I said habang inaawat ko sila. Bigla namang dumating si Wilson at hinila si Sam para pigilan.

"Too brave for you to assume na mamahalin ka rin ni Alex. Ako lang ang mahal niya! Isiksik mo yan sa utak mo!" Amara said pagkatapos ay inayos ang buhok niya.

"Bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo sa akin? Bakit mo kailangang ipagdamot sa amin ang anak namin?" Tanong ko kay Sam.

"Bakit Alex? Hindi ka ba masaya? Atleast nalaman mong pwede akong maging ina kung magkakaanak tayo--" Her sentence was cut off because Amara slapped her once again.

"Wala na talagang mas kakapal pa sa mukha mo noh? Ang lakas ng loob mo!" Amara said habang pinipigilan ko siya na lumapit pa kay Sam. Tahimik lang si Amara kapag lumalaban pero ibang usapan kapag napuno na siya.


"Itong tatandaan mo, dahil sa ginawa mo, wala nang pag-asa na mahalin ka ni Alex kahit magsawa siya sa akin! He will never take a selfish, self centered person to be his partner!"


Sa Bawat ArawOnde histórias criam vida. Descubra agora