Living in a Hospital Room

730 8 1
                                    

Amara's POV

It's been two weeks. Two weeks of sleepless nights dahil sa pag-aalala. Two weeks na hindi ako makakain ng maayos. Two weeks na tulog pa rin si Calli. Hindi ko na kinakaya, araw araw nasasaktan ako to see na parang walang progress sa sitwasyon niya.

Nagpacheck up na rin ako sa OB ko kahapon because i'm in so much stress. Buti nalang at malakas ang kapit ni baby Aleara. She also doesn't give up easily, parang ate niya.

"Sweetheart, it's been two weeks. Wala kaming kasiguraduhan sa kalagayan mo until you wake up." I said while caressing her hair.

"Ang sakit na araw araw kong nakikitang sinasaksakan ka ng medicines and fluids. You look so pale and thin right now." Namumutla yung labi niya and her face in general. Parang walang dugo.

I stood up para sana kumuha ng tubig but i felt her hand na mahinang pinisil ang kamay ko. Mahinang mahina lang pero naramdaman ko yon. Napalingon agad ako and i can feel my heartbeat racing.

She moved her finger and binaba din agad niya. Calli, please wake up.

"Doc!!!" I yelled as i saw Calli open her eyes. Gising na siya.

"Doc!!!! Nurse! Anyone?" Sigaw ko from the door. Tumatakbo naman sila papunta dito sa room dala yung mga gamit nila.

"Amara! What's happening?" Nandito na si Alex.

"Dumilat na siya Alex. She's awake." Agad naman na ngumiti si Alex at pumasok kami sa loob. The nurse is checking her pulse and chinecheck naman ng doctor yung heartbeat niya.

Nakayakap lang ako kay Alex and nakasandal ang ulo ko sa kaniya habang pinapanood silang icheck si Calli.

"Doc, a-ano pong nangyari?" Tanong ko.

"She's awake. We have to observe her for the next few hours para makasiguro sa kalagayan niya. We'll do some tests later." Sabi ng doctor na tinanguan namin ni Alex. Thank you dahil gising na siya.

"Excuse me." Sabi ng doctor and lumabas na siya kasama ng nurse. Agad akong lumapit kay Calli at hinawakan ko ang kamay niya.

"Calli! I'm so glad you're awake." I said then i kissed her forehead a lot of times. Napatingin siya sa akin with her cold eyes.

"Do you remember me?" I asked. Please say yes or atleast nod para alam kong naaalala mo ako.

"I'm mommy. Calli, i'm your mommy." I said trying to stop my tears from falling.

Tinititigan niya lang yung mukha ko and i don't see any emotions on her face.

"Alex, bakit hindi ako naaalala ng anak ko?" I asked while my voice is quivering.

"Give Calli some time. Kakagising niya lang, she's still adjusting." He said. Tumingin ulit ako kay Calli who's still looking at me and Alex. Palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa.

"Sweetheart, i'm your mommy. Hindi mo ba ako naaalala?" I asked once again. But still no response. Parang may kung anong tumusok sa puso ko habang nakatingin lang siya sa akin.

Ayokong umiyak sa harapan niya kaya lumabas ako ng kwarto and doon ako umiyak. Hinintay ko siyang magising then hindi niya ako maaalala. Bakit ba nagkakaganito kami? Anong nangyayari?

"Tahan na." Sabi ni Alex at niyakap ako.

"Bakit? Ano bang nagawa natin para mangyari to?" I asked. Hinahagod lang ni Alex ang likuran ko and he's caressing my hair.

"Sshhh. We'll ask the doctor about it. Huwag ka nang umiyak." Lumayo siya ng konti para makita yung mukha ko. Then he wiped my cheeks.

"Paano kung hindi niya tayo maalala? Ayaw ko ng ganon." Nilapit niya ang mukha ko sa kaniya and he kissed my forehead.

Sa Bawat ArawWhere stories live. Discover now