23 : Goddess Trina

Start from the beginning
                                    

Agad akong napatingala ng may nagsalita sa itaas ng puno

"Karyl.." sabi ko at nilapag muna ng maingat si Gina dahil may sugat siya

"Ohh you remembered my name" kunwaring gulat na sabi niya

Napangisi ako ng bumaba siya sa itaas ng puno. She's holding two guns, but there's a black smoke coming out from it.

"You're a dark rebel huh?" nakangisi kong sabi

Ang mga dark rebels ay ang mga halang ang kaluluwa. Ewan ko kung sinong tanga ang pinuno nila pero ang alam ko ay kahit na marami na ang namamatay sakanila ay hindi sila maubos ubos dahil patuloy sila sa paghahanap ng mga bagong myembro.

"Sagabal talaga kayong mag pinsan sa plano namin eh" sabi niya

"Nah, bobo lang talaga kayo mag plano" pang aasar ko kaya nainis siya pero agad ding ngumisi

"Akala mo kung sinong mabait pero ang totoo ay nakipag sabwatan ka din sa isang halimaw na kumukuha ng buhay, tama ba?"

Hindi ako nagulat sa sinabi niya pero nagtaka ako ng kaunti kung paano niya nalaman? Alam kong hindi iyon sinabi sakaniya ni Gina.

"Alam mo na pala. Kung ganun, gusto mo ba siyang makaharap?" tanong ko at kita ko na umilaw mata ko at dama ko naman na nag bago iyon.

Napaatras siya ng isang hakbang pero agad ding tumayo at nag panggap na hindi natatakot kaya natawa ako ng kaunti.

"Kaya ka lang naman matapang ay dahil kakampi mo siya! Pero ang totoo? mahina ka lang! Isa ka lang mahinang---"

Inangat ko yung lupa kaya tumilapon siya mula sa malayo.

"You talk too much" sabi ko at tinulungang makatayo si Gina

Nakaka tatlong hakbang palang kami ay may naramdaman akong papalapit saakin kaya tinulak ko si Gina papalayo at iniwasan yung mga bala pero may isang dumaplis sa pisngi ko kaya may dugo na tumutulo doon.

"Can I fucking heal myself now?"  tanong ko kay Vil

"No, don't. May mga nakatingin sa paligid at hindi nila pwedeng malaman ang iba mo pang kapangyarihan" medyo hindi ko nagustuhan ang sagot ni Vil dahil sayang para saakin ang bawat patak ng dugo na nawawala saakin pero wala akong magagawa dahil tama naman siya

"How dare you throw me!?" inis na sabi ni Karyl

"How dare you scratch my face?" madiin na sabi ko

"Papatayin ko kayo!" sigaw niya at nag paputok ng baril

Sunod sunod dito at ang mga balang lumalabas doon ay umuusok ng itim.

"Scythe!" sabi ko at at lumabas naman yung scythe ko

Hiniwa ko yung mga bala na papalapit saakin kahit na maliliit pa ito. Patakbo akong lumapit sakaniya pero mabilis siyang nakakaiwas sa mga atake ko.

"Ahh!" napasigaw siya nang natamaan ko yung balikat niya

Kita ko na dugong lumabas doon kaya mas napangisi ako. Akmang aatakihin ko na sana ulit siya pero bigla siyang naglaho.

"Be careful Zen! Her power is invisibility!" sigaw saakin ni Gina at gumawa ng sarili niyang barrier. Hindi siya makakalaban ng maayos sa kalagayan niya.

"Vil, I need your sight" sabi ko at pumikit

Ilang sandali lang ay nag mulat na din ako ng may naramdaman akong papalapit saakin. Malabo, pero kita ko siya.

"Gotcha" I said then smirked

Sinalubong ko siya at agad na iniwasan yung mga bala na papalpit saakin. Alam kong isang pasok lang sa katawan ko ng bala na iyan ay mamamatay ako sa loob ng sampung minuto.

The Girl With Purple Eyes (COMPLETED)Where stories live. Discover now