Chapter 22: Memorable Night

5 0 0
                                    


Bagong araw, bagong tahanan, mabuti nalang at pumayag si ate sa gusto ni Tita at Lei pati na rin si mama at papa, iyon nga lang mamimiss ko sila pero kaya ko 'to dadalawin ko naman sila e

Ngayon, hinintay ko nalang si Lei susunduin niya ako dito sa bahay ayaw niyang mag commute ako e ang kunti lang naman ng mga gamit ko ayaw niyang magdala ako ng marami dahil siya na raw ang bahala, nakakahiya naman

Keek!  Keek!

"Bunso andyan na si Lei sa baba, bilisan muna dyan" Sabi ni Ate, Syempre si ate ang nagsabi usual wala si papa at mama

"Ito na" Ani ko

Dali-dali akung bumaba nakita ko agad si Lei nakatingin sakin ang lapad ng ngiti 'yon nga lang may nagbago na sa buhok niya fake na ito hindi na totoo dahil sa sakit niya, pero di naman halata na may Cancer siya dahil 'ayan oh, ang laki ng ngiti, malakas pa naman tudo pretend na walang sakit pero minsan mahahalata talaga dahil sa kilos niya, bigla tuloy akung nalungkot

"Good afternoon sweetheart" Hinalikan ako sa noo

"Good morning din sweetheart" Niyakap ko siya

"Let's go? " Aniya, at ngumiti ako bago tumango

Pinagbuksan niya ako ng pintuan agad akung sumakay umikot siya para makasakay na rin at pinaandar niya agad ito, nasa gitna na kami ng byahe nakatingin lang ako sa kaniya

Kahit naka side view siya ang ganda-ganda ng mahal ko, ang matangos na ilong, makinis na kutis, ang magandang shape ng mukha, ang kaniyang mahabang pilik-mata, makapal na kilay, mga natang kulay brown napakaganda talaga hindi nakakasawang pagmasdan, ganito ba talaga pag inlove? Wala ng pakialam sa sinasabi ng iba? basta ang mahala masaya kayo at 'yon naman talaga ang mahalaga, masayang pagsasama kahit ang daming judgemental sa palagi at hadlang sa pagmamahalan namin

"Baka matunaw ako niyan sa titig mo sweetheart" Natatawa niyang sabi

Hindi ako nakasagot agad "H-ha? H-hindi a, Ikaw talaga" Nauutal kung sabi, nahiya ako bigla nahuli niya akung nakatitig sa kaniya kaya napangiti nalang ako

Malapit na kami sa bahay kaya inaayos ko ang damit ko at bag medyo napaibabaw ito galing sa pagkakaupo ko

Huminto na ang sasakyan at agad bumukas ang malaking gate at pumasok kami agad, bumaba siya at umikot para pagbuksan ako ng pintuan inilahad niya ang kaniyang kamay sakin at agad ko itong tinanggap

"Manang, kayo na po bahala sa mga na nasa likod paki akyat nalang po sa kwarto ko, Salamat" Aniya sa tatlong katulong

Dumiretso na kami sa taas sa kwarto niya medyo napagod ako kaya humiga muna ako ang sarap sa pakiramdam na kasama muna ang taong mahal mo sa iisang bahay, maalagaan at mabantayan

"Sweetheart, magpahinga muna tayo" Aniya tumango lang ako

Tumabi siya sakin at niyakap ako ng mahigpit at mabilis siyang nakatulog, ako naman ito nakangiti parin habang niyayakap ko siya pabalik maya-maya lang nakaramdam ako ng antok kaya ipinikit ko nalang ang aking mga mata

Pag gising ko 7:48pm na, oh shit subrang napagod ba ako e pag alis ko ng bahay 4:30pm pa 'yon a, wala si Lei sa tabi ko baka nasa Garden 'iyon, dali-dali akung bumaba pero tahimik, dumiretso ako sa Garden pero walang Lei akung nakita pinuntahan ko ang guard at tinanong kung saan si Lei pero ang sagot hindi daw niya alam, fuck anong klaseng guard 'yon bat di niya alam, nakita ko si manang si Lyn kaya pinuntahan ko siya

"Manang, Alam mo po ba kung nasaan si Lei?

"Ah, si ma'am Lei po, nandun po sa Third Floor sa ika-limang kwarto po" Aniya ng nakangiti

Bakit andun? Anong ginagawa niya dun? e di man lang ako ginising

"Salamat po" Ani ko

Dali-dali akung umakyat sa taas at dumiretso sa kwartong tinutukoy niya pinakinggan ko muna ang loob nito kung may kasama ba siya pero kahit anong ingay wala akung narinig kaya kumatok nalang ako, nakailang katok na ako pero walang bumukas kaya naisipan ko nalang itong buksan ng dahan-dahan pero parang kinabahan ako baka anong meron sa loob dahil walang sumasagot sakin kanina o nagbukas man lang ng kwarto

Pagbukas ko subrang dilim pero maya-maya lang biglang umilaw ang lahat ng ilaw at nandito lahat ng nakatulong ang lapad ng ngiti habang nakatingin sakin, may mga bulaklak sa ibabaw ng kama nakapormang heart ito mga pictures namin na nakasabit sa itaas at sa sahig may iba't ibang pagkain sa palagid nito mga balloons at candles sa kabilang banda isang banquet ng bulaklak ng Rosas, nilapitan ako ni Lei at niyakap ng mahigpit hinila ako agad papuntang gitna at tinitigan ako ng seryuso bago nagsalita

"Sweetheart, alam ko tapos na ang Anniversary satin pero gusto ko lang iparamdam sayo na kahit di natin Anniversary o monthsarry mahal na mahal kita" Seryusong sabi niya "Jessie Sy my future wife" Lumuhod siya sa harapan ko at may hawak ng maliit na box na kulay pula binuksan niya ito at nakita ko ang napakagandang singsing, Oo singsing, Silver ito at may heart sa ibabaw at may letrang nakaukit sa loob ng heart na L+J "Will you marry me?" Nanggilid ang luha saking mga mata naninigas ang tuhod ko di ako makagalaw

"Y-yes, Yes sweetheart" Sigaw ko at sinuod niya anf singsing saking daliri at agad akung hinalikan sa labi

Pumalakpak ang mga kasama namin sa loob ng kwarto, Hindi ko inaasahan ito magiging asawa na niya ako? in the future? Tumulo ang luha sa mga mata ko agad ko itong pinunasan at humarap sa kaniya

"S-sweetheart" Sabi ko

"Ssshh, don't cry, I love you more than anything sweetheart" Hinalikan niya ako sa noo

"I love you until the scientist found the end of the universe" Niyakap ko siya at natawa naman siya sa sinabi ko at niyakap ako ng mahigpit

Umupo na kami para kumain ng dinner sa hinandang niyang pagkain para samin at nagsimula na agad kaming kumain


Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaWhere stories live. Discover now