Wakas

6 0 0
                                    

Hi guys!  Ngayon nagpapasalamat ako dahil kahit hindi ako gaano kagaling gumawa ng story pero umabot parin kayo hanggang dito appreciated ko talaga ang pagbabasa niyo sa story ko......
Voting and comments much damn appreciated thank you!  See you sa next story ko ingat kayo palagi, Godbless us!

---------------------------------------------

Bagong paaralan bagong kaibigan bagong tahanan!  Iyan ang nasa isip ko ngayon habang naglalakad papasok ng school

Break time na pero wala akung ganang lumabas dito nalang ako

Si Jessie nakaupo sa upuan niya hindi rin ba siya lalabas? alam kung nagugutom na siya narinig ko na ang tiyan niya na tumutunog e subukan ko kayang yayain sa canteen baka papayag, ah bahala na kahit na nahihiya akung lapitan siya kasi first day pero wala naman sigurong masama hindi ba?

"Jessie nag abala ka pa talaga nito pero salamat ha sobrang sarap talaga" Ani ko sabay kuha sa adobong dala niya pa sa akin

"Walang anoman ano ka ba pero baka sasakit na naman ang tiyan mo ha?" sabay kaming tumawa

Bakit ba ako ganito? bakit ba siya nalang lagi ang nasa isip ko? mahal ko na ba siya?

"Ay naku!  Lei si Jessie hindi mahilig sa mga mayayaman ang daming nanligaw sa kaniya na mayayaman pero noong nalaman niyang mayaman pala iyon binasted agad" Sabi ni ate Gen

Bahala na maglakas loob na ako ngayon para masabi ko sa kaniya ang nararamdaman ko kahit pareho kaming babae pero kaya ko siyang mahalin mas higit pa sa isang tunay na lalaki

"Mahal kita Jessie" Natutula siya nagulat siya sa sanabi ko

"Mahal na mahal kita Jessie" ulit kung sabi

"Mom!" sigaw ko agad namang lumapit si mommy sa akin

"Anak what happen bakit ka sumisigaw? "

"Mom i can't brea-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil nandilim ang paningin ko at gindi ko na alam kung ano ang susunod na nangyari

Nagising nalang ako na nasa hospital na pala ako si mom nasa gilid ng kama ko nakatulog habang hawak-hawak ang aking kamay

"Anak may cancer ka stage 3" Si mom habang umiiyak

Hindi ako makasagot hindi ako makapaniwala I have a cancer stage 3? so ibig sabihin mamamatay na ako?  hindi, hindi pa ako handa paano si Jessie?  paano ang mahal ko ayaw ko siyang iwan hindi

"Mom please wag momg sabihin kay Jessie ang tungkol sa sakit ko please " pagmamakaawa ko kay mom at tumango naman siya

Kailangan kung magpretend sa harapan niya na ok lang ako, I'm sorry sweetheart kung magsinungaling ako sayo ayaw kung mag alala ka

"Hi sweetheart, I miss you" sabay yakap niya sa akin

"I miss you too sweetheart " hinalikan ko siya sa noo

Nasa hospital na naman ako at sa pagkakataong ito nasa tabi ko ang taong mahal na mahal ko at alam na ang tungkol sa sakit ko hindi ko na kayang itago pa dahil ilang buwan nalang itatagal ko at hindi ko alam kung hanggang kailan ako mabuhuhay kasama siya

"Sweetheart, Will you marry me? " Tumango siya at niyakap ako ng mahigpit

Excited na akung makita siya na nakasuot ng wedding gown at sa akin ikakasal

Nasa harapan ko na ang babaeng pinangarap kung makasama habang buhay suot suot ang wedding gown niya lahat ng kaibigan namin nandito para i witness ang pagmamahalan namin sa isa't isa. Lumakad siya ng dahan-dahan patungo sa akin habang ako naman nakahiga lang sa kamang ito gusto kung tumayo at yakapin siya pero hindi ko na kayang gawin pa

Sa wakas tapos na kaming ikasal hindi ako makapaniwala na asawa ko na siya ngayon, tuloy tuloy ang luhang lumabas sa aking mga mata halong saya at lungkot dahil alam kung hanggang dito nalang ako sobrang nahihirapan na ako sa kalagayan ko

"Sweetheart ikaw lang ang mamahalin ko kahit hindi na kita kasama hinding hindi ka mawawala dito" sabay turo sa puso niya "Kahit na ang bilis ng panahon ng pagsasama natin pero hinding hindi ko makakalimutan ang mga pinagsamahan natin mahal na mahal kita Lei" Niyakap niya ako ng mahigpit

"May sulat si Lei para sayo Jessie" ani mom

Hindi ko na kayang magsalita ng kung ano ano masaya ako dahil natupad ko ang pangarap ko sa kaniya pangarap namin pero alam kung napaka unfair ko dahil iiwan ko siya agad gusto ko pang mabuhay at makasama siya ng matagal pero alam kung hindi na pwedeng mangyari iyon tanggap ko na hanggang dito nalang talaga ang buhay ko thankful ako kasi dumating siya sa buhay ko kahit ang nakaraan ko ay tanggap niya ng buo alam kung sobrang masasaktan siya sa pagkawala ko pero alam kung ding makakaya niya ang lahat ng ito dahil matatag siya kahit mawala man ako sa mundong ito gusto ko sa bagong buhay ko magkita at makilala ko siya ulit hihintayin ko ang pagkakataon na iyon hinding hindi ko makakalimutan ang isang Jessie na nagmahal sa akin ng buo at tanggap kung sino ako.

"H-hanggang sa m-muli sweetheart I-i l-love y-you t-too s-so m-much a-asawa k-ko" iyan ang huli kung nasabi bago ko ipikit ang aking mga mata at tuluyan ng nagpahinga

Mahal kita kahit hindi na kita kasama Jessie

Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum