Chapter 24: Parang Wala Lang

5 0 0
                                    



Malapit ng dumilim pero hindi parin siya nagising ilang oras na siyang natutulog dahil siguro sa gamot na itinurok sa kanya kailangan niya talagang bumawi ng lakas dahil pagod na ang kanyang katawan

Tumayo ako at nagtungo sa lamesa na may mga pagkaing nakahain dala ito ni ate kanina nung dumalaw siya dito, kumuha ako ng plato at nilagyan ito ng kunting kanin at ulam kailangan kung kumain kahit kunti lang para kay sa kanya ayaw ko ring magkasakit

"Hmmm hmmm" May narinig akung mahinang boses kaya agad kung nilingon si Lei

Gising na siya agad kung siyang pinuntahan

"Sweetheart, Thank God gising kana, Wait nagugutom ka ba?  anong gusto mong kainin? " Tanong ko na nataranta

Nginitian niya muna ako bago sumagot "Kahit lugaw lang sweetheart" Aniya

Kumuha agad ako ng lugaw sa mesa buti nalang at may dala si tita kanina nilagay ko ito sa maliit na bowl at pinakain ko sa kanya

Pagkatapos niyang kumain nakangiti lang siya sakin na para bang walang nangyari di ko naman mapigilan umiyak sa saya at lungkot dahil sa nangyari sa kanya

"Sweetheart,bakit ka umiyak? Okay na ako, ayaw kung makikita kang ganyan" Sabay haplos saking magkabilang pisnge

"Sorry Lei di ko mapigilan ang aking mga luha, di ko kayanin kung mawala ka sakin" Humagulgol na ako sa iyak

"Hindi ako mawawala sayo, kung mawawala man ako pangako nariyan lang ako sa tabi mo palagi hindi kita pababayaan" Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang mga palad

"Pangako mo sakin na magpagaling ka ha, magpapakasal pa tayo" Nangingiti kung sabi

"Oo sweetheart magpapakasal pa tayo" Niyakap ko siya ng maghigpit

"Oh siya sweetheart, kailangan munang magpahinga iyan ang bilin ng doctor upang mabilis kang makabawi ng lakas" Hinalikan ko ang kanyang noo "I love you so much" Pinikit na niya ang kanyang mga mata

Ilang oras na akung nakaupi sa tabi niya 11pm na nang gabi pero di parin ako dinalaw ng antok, gusto ko siyang bantayan oras-oras gusto kung sa kanyan lang nakatuon ang aking mga mata bawat minuto, hawak-hawak ko ang kanyang kamay habang hinahaplos ko ito ang malambot niyang kamay na dumadampi sa aking mukha hindi nakakasawang hawakan ito ang mahabang daliri nito napakagandang pagmasdan, ngayon mahimbing ang kanyang pagkatulog ang mala angel niyang mukha ang nagbibigay sakin ng lakas upang lumaban para sa kanya,hindi ko mapigilang di umiiyak kusa itong bumagsak galing saking mga mata, masaya ako dahil nakausap ko siya na parang walang nangyari pero nalulungkot ako dahil sa kabila nito may malubsa siyang sakit na pilit niyang nilabanan

"Proud ako sayo sweetheart, dahil sa kabila ng lahat lumaban ka parin kinaya mo kahit alam kung pagod na pagod ka na, proud ako sayo kasi kahit nahihirapan ka na pinilit mo paring kumilos na parang walang nangyari kahit na hindi mo na kaya, pangako ko sayo na hindi kita iiwan kasama mo ako hanggang sa huli mong laban pangako sweetheart nandito lang ako palagi sa tabi mo" Bulong ko sa kanya at niyakap ko siya

Nagising ako umaga, at di ko alam nakatulog pala ako habang yakap-yakap ang taong mahal ko napangiti nalang ako nung nakita ko siyang nakangiti sakin, nauna palang siyang nagising sakin

"Good more sweetheart" Bati niya habang nakangiti

"Good morning too sweetheart" Hinalikan ko siya sa noo "kamusta pakiramdam mo? may masakit ba? " Tanong ko agad naman siyang umiling

"Nasaan si mom? gusto ko siyang kausapin" Aniya

"Parating na rin 'yon sweetheart, pinauwi ko na siya kagabi sa bahay para makapagpahinga ng maayos" Sagot ko

Nakalipas ang ilang oras dumating na si tita may dala-dalang isang banquet ng bulaklak nilagay niya ito sa tabi ni Lei

"Good morning tita" Bati ko

"Good morning ija, Oh gising na pala ang anak ko, kamusta ang pakiramdam mo? " Aniya

"I'm Okay mom, Can we talk? " Sabi ni Lei kay Tita tumango naman si tita ang tumingin sakin

"Sige po labas po muna ako" Agad akung nagtungo sa pintuan upang makalabas na

Nakatayo lang ako sa gilid ng pintuan sa labas kaya kung mag uusap sila sa loob naririnig ko ito

"Mom" Sambit ni Lei

"Anak, how's your feeling right now? gusto mo bang tumawag ako ng doctor?  Sabi ni Tita

"Hindi na mom" Sagot niya "mom I'm scared"pagpatuloy niya "paano kung di na kayanin ng katawan ko, Oo ngayon pa lang mom pagod na ako pero I'm just trying to pretend sa harapan ni Jessie na malakas ako kasi kung mag alala siya sakin" Humagulgol siya ng iyak

Di ko alam kung bakit biglang bumuhos ang akung mga luha sa mga naririnig ko ngayon parang may kung anong bagay na tumusok sa aking puso sobrang sakit parang mawalan ako ng lakas

"Anak, please lumaban ka ikaw lang ang nag iisa kung anak paano nalang ako kung mawala ka sakin, nawala na nga sakin ang daddy kaya please wag mo akung iwan anak" Yakap-yakap niya si Lei

"Mom sa oras na alam kung hanggang doon nalang ako, maaari bang pagpapakasal kami ni Lei sa mga oras na iyon? Gusto kung tuparin ang pangako sa kanya na papakasalan ko siya" Seryusong sabi nito sa kanyang Ina

"Oo anak gagawin ko iyan pero ang isipin muna natin sa ngayon magpagaling ka ha? Kung gusto mo talagang tuparin ang pangako mo kay Jessie kaikangan mo munang magpagaling" Sani ni tita habang yakap-yakap ang anak

Hindi parin ako makagalaw saking kinatatayuan na parang bang binuhusan ako ng isang baldeng yelo para di ako makagalaw nanlamig ang buong katawan ko at nanginginig ito ang mga luha kung patuloy parin sa pagbuhos galing saking mga mata dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko parang hindi ko ito kayanin


Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaWhere stories live. Discover now