Chapter 18: Cancer

3 0 0
                                    


Bagong araw na naman naglalakad ako papasok ng gate sa school namin dumiretso na ako sa room, agad kung hinanap si Lei pero di ko siya nakita wala parin siyang reply simula kaninang paggising ko nag alala na ako

To: Lei

"Sweetheart, where are you? Bakit di ka nagrereply nag alala na ako"

Natapos nalang ang first subject namin pero wala paring respond si Lei sa mga text ko kaya naisipan ko nalang tawagan siya

Calling: Lei
"THE NUMBER YOU HAVE DIAL IS INCORRECT PLEASE CHECK THE NUMBER AND DIAL AGAIN"

What the fuck! Anong incorrect ka diyan basagin ko 'yang mukha mo e, nag alala na talaga ako kaya magcucutting nalang ako bahala na

Dumaan ako sa likuran may maliit na butas sa likod na kasya naman sa katawan ko mabuti nalang walang tao kung may makakakita man sakin bahala na wala akung pakialam, nakalabas na ako agad akung pumara ng Taxi at sinabi ko ang address kung saan ako bababa

Pagdating ko sa bahay niya agad kung tinanong ang guard kung nasaan si Lei pero ang sagot nito may pinuntahan daw di sinabi kung saan, nakita ko ang dalawang katulong nila na nakatingin sa akin kaya nilapitan ko sila

"Good morning po manang, Saan po si Lei? Sabi ko, Di sila nakasagot agad parang may gusto silang sabihin pero ayaw

"M-may pinuntahan l-lang po ma'am" Sabi ni mamang Lyn

"Saan po? nag alala na kasi ako di kasi nagrepky sakin, di ko rin makuntak manang"Mahina kung boses "Saan ko po siya pwedeng puntahan manang? sabi ko

"Pasensya na po ma'am hindi po talaga namin alam e" Malungkot ang boses nito

Parang may kakaibang nangyari dito na hindi ko nalalaman, nasaan si Lei?  Iniwan na niya ba ako?

"Manang please naman po kung may alam kayo sabihin niyo naman po sakin" pagmamakaawa ko

Nakatingin lang sila sakin pero ang mga mata nila parang may gustong iparating sakin pero di ko maintindihan kung ano iyon

"Ma'am wag niyo pong sabihin kay ma'am Lei na kami ang nagsabi sa inyo kung saan siya ha?  Malungkot na boses niya

"Opo manang pangako po" Nakangiti kung boses

"N-sa h-hospital po s-ya ma'am" nauutal "Ang bilin niya po kasi samin na wag raw itong iparating sa inyo ayaw ka niyang mag alala" Ani ya

Nagpasalamat ako kasi sinabi ni manang pero bakit mas lalo akung nag alala nung nabanggit ang pangalan na HOSPITAL? anong nangyayari? Agad akung tumakbo palabas at sumakay ng Taxi

Pagkarating ko ng hospital agad akung nagtanong sa nurse kung nasaan si Lei at tinuro agad sakin

Nasa labas ng pintuan na ako ng kwarto kung saan nasa loob si Lei kinabahan ako iba't ibang emosyon ang naramdaman ko di ko maintindihan, dahan-dahan kung binuksan ang pintuan, may nakahiga sa kama naka puti lahat ang suot may dextrose at kung ano pa, si Lei yan di ako makagalaw sa tinatayuan ko biglang bumuhos ang luha ko, anong nangyari bakit ganito?

"L-lei? " nauutal kung sabi "Sweetheart, anong nangyari sayo?  bakit may tila 'yang ulo mo? akmang tatanggalin ko na sana ang tilang nasa ulo niya ngunit hinawakan niya ang aking kamaya

Tumingin siya sakin at may luhang lumabas sa kaniyang mga mata bago nagsalita

"Sweetheart, Okay lang ako eag ka nang mag alala" Aniya ng nakangiti

"Hindi, di ka Okay, bakit di mo sinabi sakin na nandito ka pala? Ani ko habang umiiyak parin

"Ayaw kung mag alala ka sakin, tahan na sweetheart"Hinaplos ang magkabila kung pisnge

"Ija, pwede ba tayong mag usap saglit?" Sabi ni Tita

"Good morning po tita, Sure" At sumunod ako sa kaniya

Nasa labas kami nakaupo sa upuan si Tita nakatingin sa baba ang pinaglaruan ang daliri niya bago siya nagsalita

"Ija, may Cancer ang anak ko stage 3 na ito" Aniya

Di ako makasagot agad sa narinig ko totoo ba ito? baka panaginip lang 'to gusto ko ng magising ngunit nagsalita siya ulit

"Sabi ng Doctor niya ilang buwan nalang ang kaniyang tatagalin dahil di na ito maagapan pa at di na kayanin ng katawan niya" Humikbi na ito

"T-tita kailan pa ito nangyari? bakit wala akung alam? "umiiyak na rin ako

"Naalala mo noong 10 monthsarry ninyo? Di siya nagpakita sayo at ang sabi niya may kailangan siyang puntahan? 'yong time na 'yon isinugod namin siya sa hospital, gustong-gusto na kitang matawag nun at ipaalam sayo ang nangyari pero nakiusap siya sakin na wag sabihin sayo dahil baka mag alala ka, Sorry ija pero di ko na kaya itong itago pa nandito kana kaya karapatan mong malaman dahil ikaw ang girlfriend ng anak ko" Paliwanag niya

Ako naman parang bumagsak sa akin ang langit subrang bigat ng pakiramdam ko iyak lang ako ng iyak at nagsalita ulit si Tita

"Noong time na 'yon dun namin nalaman na may Cancer na pala siya di ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na 'yon subrang nahirapan ako, ginagawa ko lahat ng makakaya ko para matulugan ang anak ko pero kulang pa mas lalong lumala ang sakit niya" pagpaliwanang niya

Di ko na nagawang magsalita dahil di ko alam kung ano ang sasabihin ko di ako makapaniwala sa mga nangyayari, iyak lang ako ng iyak hanggang sa natapos ang aming pag uusap ni tita ang bumalik na ako sa loob, kailangan munang umuwi ni tita para makapagpahinga kaya ako nalang muna ang magbabantay kay Lei dito

Ang sakit lang isipin na ilang buwan nalang ang itatagal niya, makaabot pa kaya sa siya Anniversary namin? Hindi ko kaya kung mawala siya sakin hindi.

Umupo ako sa tabi niya hawak-hawak ang kaniyang kamay mahimbing ang tulog niya kaya pinagmasdan ko lang siya ng mabuti, ang mala angel niyang mukha na subrang ganda hindi nakakasawang pagmasdan.

"Mahal na mahal kita, Lei" bulong ko "Kaya magpagaling ka ha nandito lang ako di kita iiwan" bumuhos na naman ang luha ko agad ko itong pinunasan ng aking kamay "Hindi mo ako iiwan di'ba? Lalaban ka di'ba? humagulhol na ako sa iyak dahilan ng nagising siya

"S-sweetheart, wag ka nang umiyak please" mahina niyang sabi

I smiled at her "I love you damn more much sweetheart" ani ko

"I love you more than myself sweetheart" hinalikan niya ang kamay ko

Nakatulog siya ulit dahil pagod siya dahil sa mga nakalagay sa kaniya, naaawa ako sa kaniya bakit ba nangyari sa kaniya 'to? ayaw ko siyang nakikita ng ganyan hindi ko kaya, umiyak na naman ako hanggang sa nakatulog ako na hawak-hawak ang kamay niya

Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaWhere stories live. Discover now