Chapter 3: Pagtatapat

14 0 0
                                    


"Gusto kita Jes nung una palang kitang nakita alam ko na, Alam ko nang may kakaiba akung naramdaman para sayo" Seryuso nyang sabi

Natulala ako nawala ako sa sarili "Excuse muna ha mag CR lang ako" Singhal ko sa kanya sabay takbo palabas ng room

OH MY GOD!  Ano 'yon? Panaginip lang ba
'yon? Nanaginip lang ba ako? Sabi nya ba talagang gusto nya ako? O guni-guni ko lang lahat ng 'yon?

Nakarating na ako sa CR buti nalang at walang estudyante mabilis akung pumasok sa loob upang makahilamos ako at makahugas ng kamay

Ngayon, Naglalakad ako sa hall way ng school namin iniisip ko parin ang sinabi ni Lei sakin bumilis ang tibok ng puso ko ng malapit na ako sa room namin at natanaw ko na ang Lei na nagtapat sakin kanina sa nararamdaman niya para sakin at bigla syang tumayo at nagtungo sakin di na ako mapakali ng kinausap nya ako agad

"Jes natagalan ka 'ata Ok ka lang ba?" Aniya

Ilang sigundo pa bago ako nakapagsalita "Hindi, A-ano k-kasi-"Nauutal kung sabi "Galing akung Canteen naiwan ko kasi ang isang Notebook ko kanina e kinuha ko lang" Sabi ko at nagpatuloy ang paglakad ko patungo sa upuan ko

"Jes, Pwede bang mag usap tayo mamaya?" Seryuso nyang sabi habang nakatingin sakin

"Sige" Tipid kung sagot

Isang upuan lang ang pagitan namin pero naramdaman ko paring nakatingin sya sakin kaya di ako mapakali sa kinauupuan ko

"Jes, Ayus ka lang ba?" Tanong ng kaklase namin

"Ayus lang ako" Sagot ko habang nakangiti

Sa mga oras na 'to parang gusto ko nang umuwi at matulog para makapagpahinga naman 'tong utak ko kakaisip ko sa mga nangyayari ngayon araw. Oo gusto ko rin si Lei pero pagkatapos nyang sabihin sakin 'yon na gusto nya ako parang naiilang na ako sa kanya nahihiya ako kapag sya ang kausap ko bumilis ang pintig ng puso ko kapag sya ang kaharap ko hindi ko na kayang titigan sya sa mga mata

Natapos na lang ang klase namin pero wala akung naintindihan laging si Lei lang at 'yong pinagtapat nya sakin kanina ang lagi kung iniisip. Palabas na ako ng room nagmamadali akung naglakad para di na ako makita ni Lei pero paglabas ko ng pintuan nakatayo sya sa gilid she's looking at me mula ulo hanggang paa naka ponytail ang mahaba nyang buhok her lips looks ko juicy basa ang kanyang labi dahil sa laway she's looking at me so serious. Nalagpasan ko na sya ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko

"Jes please can we talk? " Aniya

"Let's go somewhere in private" Mahina kung sabi at agad naman itong ngumiti sakin, Her smile look like an Angel

Hinila nya ako papuntang Garden naaamoy ko ang iba't ibang amoy ng mga bulaklak medyo malayo ito ng kunti sa building ng School ang tanging naririnig ko lang ay ang huni ng mga ibon at ang hangin na dumadampi sa mga dahon ng mga halaman

Tahimik ang namagitan sa amin nakatingin lamang sya sakin at para bang kinukuha nya kung ano ang iniisip ko

"Jes, I'm sorry kung nabigla ka sa sinabi ko kanina at alam kung naguguluhan ka" Seryuso nyang sabi

"Oo naguguluhan nga ako Lei kung bakit ang bilis naman diba? Di pa tayo sigurado kung totoong gusto mo ba talaga ako o naguguluhan ka lang din diba?" Nakayuko ako di ko sya kayang titigan sa mga mata

"Yeah I know Jes kaya nga ako nag sorry sayo ngayon. Kaya ako nagtapat sayo kanina kasi baka mawala ka sakin baka mapunta ka pa sa iba paano na ako? Jes ayaw ko nang masaktan pang muli ayaw ko nang manyari ulit sakin 'yong nangyari sa nakaraan ko" Nanggilid ang luha sa kanyang mga mata

"Look at me please " Hinuli nya ang tingin ko kaya di na ako nakaiwas sa nga tingin nya sakin nanggilid ang luha sa kanyang mga mata na para bang may kakaibang kirot o sakit na naramdaman nya habang binabanggit nya ang mga katagang 'yon sakin

"I know gusto mo rin ako di ako manhid Jes para di ko malaman sa bawat kilos mo pa lang at sa bawat titig mo sakin nababasa ko sa mga mata mo kung ano ang nararamdaman mo para sakin" Seryuso nyang sabi

(Hindi ako makapagsalita parang may bumara sa lalamunan ko nakikinig lang ako sa mga sinasabi nya sakin) "Lei" Tipid kung sagot

"Yes Jes? Makikinig ako kung may sasabihin ka sakin" Aniya

Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaWhere stories live. Discover now