Chapter 10: I can't believe

3 0 0
                                    

Pagpasok ko ng bahay walang tao sa sofa malamang wala pa si papa at mama laging late nalang sila umuwi pero ayus lang I know busy sila sa work hindi samin nakakatampo pero dapat intindihin pero sana di naman laging ganito nawalan na sila ng oras samin bilang anak nila.

"Dito ka na pala kumain ka na ba?" Aniya

"Oh ate, Hindi pa busog pa ako mamaya na ikaw ba?" Sabi ko

"Hindi rin hinintay kita para sabay nalang tayo kasi sila mama sa labas na sila kakain may meeting at syempre si papa din, Tara na kain na tayo" Anyaya nya

"Ok, Lagi namang ganyan sila e" Mahina kung sabi at agad akung nagtungo sa kusina "Sya nga pala ate" Natigilan sya "Nagkausap pala kayo ni Lei about me? Bakit di mo sinabi? "Mahina kung sambit

"Ah, Oo gusto ko sanang sabihin sayo ang tungkol doon pero nangungulit sya na daw magsabi sayo kaya di ko nalang sinabi" Seryuso nyang sabi "Tsaka ang tungkol sayo na pinag usapan namin at kung ano ang tanong nya sinagot ko lang kung ano ang totoo" Aniya

"Kaya pala" Sabi ko

"Kaya pala ano? " Aniya

"Wala" Tipid kung sabi nakangiti lang sya sakin

Kunti lang ang kinain ko wala akung gana iwan ko ba kung bakit nawala ako sa mood ngayong hapon na 'to. Agad akung pumasok sa kwarto ko para makapagpahinga na maaga pa ako bukas

Kinabukasan maaga akung nagising dahil maaga akung natulog kagabi ang sarap ng tulog ko dali-dali akung pumasok ng cr para makaligo na habang nasa cr ako naalala ko ang nangyari kagabi I can't believe na bumigay ako kay Lei nagkaroon nga ako ng ka partner dati pero di ko bumigay pero bakit ngayon? Bigla ko ring naalala 'yong sinasabi nyang Rose na kababata nya di ko napansin kanina sa bahay nila sana sa susunod makikilala ko na para maging tahimik na ang utak ko kakaisip

Nasa school na ako kakababa ko lang ng sasakyan dinaan kami ni papa sa school bago sya pupuntang office nya, Natanaw ko na si Lei nakatayo sa loob ng gate nahanap nya agad ako papalapit na sya sakin

"Good morning sweetheart" Sabay halik sa noo ko

"Good morning too sweetheart" Niyakap ko sya "Nag breakfast ka ba?" Tanong ko

"Hindi nga e dito nalang ako magbreakfast para kasabay kita" Natatawang sabi nya

"Sira ka talaga tara na may 30 minutes pa naman tayo e" Hinila ko sya papuntang canteen nagpapahila naman sya sakin ang isang 'to talaga ang kulit naku!

"Damihan mo ang kain mo ha ayaw kung magkasakit ka" Sabi ko ng nakangiti

"Dapat ikaw rin relationship goal 'to" Natatawa nyang sabi sabay hawak sa kamay ko natatawa lang din ako

Tapos na kaming kumain papuntang room na kami may iba na nakatingin samin ang iba parang wala lang nakahawak ang kamay nya sa baywang ko kaya siguro kami pinagtitinginan nakangiti lang sakin ang isang 'to tuwang-tuwa pa sa reaksyon ng ibang students hay naku Lei



Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaWhere stories live. Discover now