Chapter 23: Nahihirapan

3 0 0
                                    

Kinnabukasan tanghali na ako nagising medyo napagod talaga ako kagabi 'yon ang pinaka memorable night ko kasama siya

Nasa tabi ko parin si Lei mahimbing pang natutulog kaya hinayaan ko nalang siya, dali-dali akung pumasok ng C.R para makaligo at nagbihis para bumaba, dumiretso ako ng Gardeb nakita ko si manang si Lyn na nagdidilig ng halaman

"Good morning manang, Ako nalang po muna dyan wala kasi akung gagawin e" Ani ko ng nakangiti

"Magandang umaga din po ma'am, e baka magalit si ma'am Lei mapapagalitan ako" Aniya

"Hindi po ako ang bahala" Ani ko

"Sige po ma'am kayo po ang bahala" Nakangiting sabi niya

Natapos ko ng nadiligan lahat ng halaman medyo nangalay ang paa ko kaya umupo muna ako saglit, maya-maya lang tumatakbo si manang Lyn palapit sakin na para bang may kung anong nangyari

"M-ma'am si ma'am L-lei po" Hinihingal ito at nauutal

"Bakit anong nangyari? " Nag alala kung tanong

"Inatake po siya, naabutan ko sa kwarto niyo walang malay" Hinihingal parin ito

Tumakbo ako ng mabilis paakyat sa taas pero bago pa man ako makaakyat isinakay na siya sa sasakyan at sumakay ako agad

"Manong bilisan niyo po" Umiiyak na ako "Lei gumising ka" Yakap-yakap ko siya pero wala parin siyang malay

Ang bilis ng takbo ng sasakyan hanggang sa makarating na kami sa hospital agad siyang kinuha ng mga nurse at doctor dinala sa Emergency Room

"Ma'am bawal po kayo sa loob maghintay nalang po kayo dito gagawin po namin ang lahat" Sabi ng doctor

Di ko na alam kung anong gagawin ko nataranta na ako habang umiiyak, nagdasal ako, naisipan kung tawagan si Tita

"T-tita si Lei po" Umiiyak parin ako

"Bakit anong nangyari sa anak ko? " Nag alala niyang tanong

"Isinugod po namin siya ngayon sa hospital, inatake po siya" Humagulgol parin ako sa pag iyak

"Sige ija babalik na ako dyan ngayon din, bantayan mong anak ko" Sabay sa pag putol ng linya

Napaupo nalang ako sa gilid at nagdasal ulit, kalahating oras na si Lei sa loob pero wala paring lumabas ng doctor, maya-maya lang

"Ikaw po bang kamag anak ni Lei Chua? " Tanong sakin ng isang doctor

"Opo ako nga po, Kamusta na po ang kalagayan niya?  Tanong ko

"Pwede ba kitang makausap? " Aniya tumango agad ako

"So, Sa ngayon stable na ang kalagayan niya pero kailangan niya ng mahabang pahinga dahil mas lumala ang sakit niya, alam namin kung gaano ka strong ang pasyente nilabanan niya ang sakit niya pero sa nakita namin sa kaniya ngayon iilan na lang ang buhok niya hindi pa siya maaaring iuwi ng bahay ang kailangang gawin natin ngayon ay ioobserve siya sa bawat oras" Seryusong sabi ng doctor

"Doc, sa tingin niyo po ilang buwan nalang po ang itatagal niya? "Nanggilid ang luha ko

"Yan ang dapat nating paghandaan ma'am kailangan sa bawat oras ay handa tayo sa kung ano man ang mangyari, maiwan ko po muna kayo" Naglakad na siya palayo

Nakatayo parin ako sa gilid na parang di ko alam kung anong gagawin ko iba-iba ang takbo ng isip ko, sakit na nararamdaman hindi ko kakayanin kung mawala sakin si Lei, hindi

Agad kung pinuntahan sa si Lei sa kaniyang kwarto nasa labas palang ako ng pintuan pero nakikita ko na siya na nakahiga sa kamang puti ang may kung ano-anong nakasabit sa katawan niya tuluyan ng bumuhos ang aking nga luha, nilapitan ko siya mahimbing ang kaniyang pagtulog

"Sweetheart, bakit kailanganng mangyari 'to sayo hindi ko kayang nakikita ka ng ganyan na nahihirapan, nagdusa sa sakit mo hindi ko kakayanin kung mawala ka sakin at ayaw ko ring mawala ka, please wag mo akung iwan ha? diba yan ang sabi mo sakin hindi mo ako iiwan kaya dapat tuparin mo 'yon ha? magpagalit ka at nagpapakasal pa tayo diba? paano nalang 'yong kasal natin kaya kailangang mong magpagalit sweetheart, mahal na mahal kita sobra sobra sobra sobra"- Bulong ko sa kaniya

Ang mapula niyang labi naging maputla ito ang dating mahaba at maganda niyang buhok ngayon ay wala na, Di ko mapigilang di umiyak habang nakatitig ako sa kaniya naaawa ako sa kaniya kung pwede lang siyang palitan dyan ay matagal ko ng ginawa iyon pero hindi e

"Ija, kamusta ang anak ko? " Sabi ni Tita, di ko man lang namalayan na nandito na pala siya

Sinabi ko sa kaniya ang lahat ng sinabi ng doctor sakin kanina kaya napaiyak siya nilapitan niya si Lei  niyakap niya ito at kinausap kahit mahimbing na natutulog, patuloy parin ako sa pag iyak, kailangan ko itong iiyak ngayon para mamaya paggising niya di na niya akung makita na umiiyak ayaw kung makita niya ako ng umiiyak alam kung hindi niya iyon gusto

"Ija, bantayan mo muna ang anak ko ha may pupuntahan lang" Sabi ni tita

"Sige po tita ako na po ang bahala, mag iingat po kayo" Sabi ko at agad niya akung niyakap ng mahigpit

"Salamat ng marami ija" Humiwalay siya sakin at tuluyan ng lumabas sa pintuan

Nilapitan ko si Lei hinawakan ko ang kamay niya "Mahal na mahal kita sweetheart, kaya magpagaling ka ha magpapakasal pa tayo" bulong ko at hinalikan ko siya sa labi

Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaWhere stories live. Discover now