Chapter 5: Prinsesa

9 0 0
                                    


Nakahanda na si Ate at maya-maya lang ay aalis na siya

"Jes, Lei mauna na ako sa inyo ha? Lei pwede bang samahan mo nalang ang kapatid ko dito matulog kahit ngayong gabi lang? " Pakiusap ni ate na agad ko namang sinaway ito

"Ate ano ka ba nakakahiya tsaka ok lang naman ako dito kahit mag isa ako ilock ko nalang 'yong pinto mamaya pag alis ni Lei" Sabi ko

"Sige ba ate ako na ang bahala sa kapatid mo, Ingat ka" Aniya ng nakangiti at kumaway

Hindi na ako nakapagsalita parang may bumara sa lalamunan ko kaya nagpunta nalang akung kusina para maghanda na ng pagkain namin

"P-punta muna akung kusina ha" Sabay turo

"Samahan na kita" Nauna syang naglakad

Sinundan ko nalang sya para akung binuhusan ng yelo pakiramdam ko naninigas ang katawan ko unang beses ito nangyari sa buong buhay ko na may ibang kasama dito sa bahay at unang beses ito para ipagkatiwala ako ni ate sa ibang tao

"Umupo ka na dyan ako na ang magkuha ng kanin" Sabi ko

"Hindi ako na kaya nga kita sinamahan dito para may makatulong sayo" Aniya ng nakangiti

"Hindi na umupo ka nalang doon tsaka mabilis lang 'to" Ang kulit talaga ng isang ito kahit pagkuha lang ng kanin pagtataluhan pa namin "Ito na kumain ka wag kang mahiya" Sabi ko

"Busog ako pero kakain ako ng madami dahil kasabay kita"Aniya ng nakangiti

Pagkatapos naming kumain niyaya ko syang manuod ng movie marathon buti nalang mahilig din sya nito. Habang nasa sofa na kami tahimik ang namagitan sa amin tangging ang ingay lang ng pinanuod namin ang narinig ko ng bigla syang bumaling sakin at tingnan nya ako ng seryuso saking mga mata

"Can I call you Sweetheart?" Aniya

(Shit, Sweetheart? Totoo ba 'to?) "Yes, Sweetheart" (Di ko alam kung bakit kusa ko 'yong sinagot agad)

"Kahit pareho tayong prinsesa aalagaan kita higit sa aking makakaya mamahalin kita ng buo at higit sa sarili ko Jessie Sweetheart" Hinalikan nya ang aking noo

Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaWhere stories live. Discover now