Chapter 9: Supportive

5 0 0
                                    

Nang tuluyan na kaming nakalabas sa Office ng mommy nya agad nya akung dinala sa Garden Area nila malapad ito at may iba't ibang uri ng mga bulaklak at halaman ang naroon malamig ang simoy ng hangin may malalaking puno sa bawat gilid nito sa kabilang gilid naman may malaking swimming pool at sa kabilang gilid naman medyo maliit lang na swimming pool para sa mga bata nakaupo kami sa isang upuan nakapikit ang kanyang mata habang nakangiti tiningnan ko sya ng mabuti kung at agad naman itong bumaling sakin at tingnan ako

"See? Gusto ka ni mom para sakin kaya wag kang magtangkang iwan ako" Pagtatangka nya sakin habang natatawa

"Sira ka talaga bakit naman kita iiwan? Baka ikaw nga ang mang iwan sakin e" Pabiro kung sabi "Tsaka bakit di mo sinabi sakin na ganito pala kayo kayaman Lei nakakahiya sa mommy mo" Mahina kung sabi

"Habang kinukwento kita kay Mom nag research sya tungkol sayo at doon pa lang na gustuhan ka na nya para sakin" Nakangiti nyang sabi

What? Nag research talaga ang mom nya sa tunay kung pagkatao? Ganun ba talaga sila? Nakakahiya sinapo ko ang palad ko saking mukha

"Nakakahiya talaga sa mommy mo Lei" Sabi ko

"My Mom are very supportive sa lahat ng gusto ko maliban sa bagay na mali kung ginagawa my Mom is my hero my guardian kaya mahal na mahal ko 'yon e" Aniya ng nakangiti habang hinaplos nya ang pisnge ko

Nahiya ako dahil akala ko di sila ganito kayaman, Di naman kami mahirap di rin kami mayaman sakto lang pero bakit di niya sinabi sakin na mayaman pala ang pamilya niya akala ko ba simula pa lang gusto na nyang magpakatotoo sakin pero bakit ganito

"Akala ko ba nagpakatotoo ka sakin simula pa lang? Pero bakit ganito? Siguro kung di ako sumama sayo dito di ko talaga malaman na mayaman ang pamilya mo? " Seryuso kung sabi

Halatang nagulat siya dahil sa sinabi ko "Balak ko naman talagang sabihin sayo pero natatakot ako kaya di ko nalang tinuloy lalo na noong nakausap ko ang ate mo at sinabi niya sakin na ayaw mo sa mga mayayaman kaya ko nilihim sayo ang bagay na 'to at nagtapat kaagad ako sayo" Seryuso niyang sabi habang hinawakan niya ang kamay ko "Natatakot ako na baka mawala ka pa sakin Jes natatakot ako kasi baka pagsinabi ko sayo na galing ako sa angkan ng mga mayayaman ay di mo ko sasagutin" Nanggilid ang luha sa kanyang mga mata

"What nag usap kayo ni ate? " Gulat kung sabi

"Yes noong una akung lumabas ng room kinausap ko sya,  I'm sorry kung di ko sinabi sayo ang tungkol doon" Aniya

Kaya pala ang bilis syang pinagkatiwalaan ni ate pagdating sakin napagkaisahan ako ng dalawa ah!

"Ganun ba, Sige uwi na ako magdidilim na e" Mahina kung sabi

"Hatid na kita" Aniya sabay hawak ng kamay ko

"Sige" Tipid kung sagot

Buong byahe tahimik lang kami tulad kanina seryuso syang nagmamaneho ng sasakyan habang ako inaantok na. Pero bakit nya naisipang kausapin si ate tungkol sakin? Bakit di nya ako tinanong ng diretsuhan?

Huminto ang sasakyan nasa bahay na pala kami nakaidlip ako ng ilang minuto lang naman dali-dali syang bumaba at umikot para pagbuksan ako

"Salamat sa paghatid, Ingat pauwi" Sabi ko

"You're welcome sweetheart, Goodnight I love you" Hinalikan nya ako sa noo

"Goodnight, I love you too" Hinalikan ko sya sa lips bahagya syang napaatras dahil sa ginawa ko di ko naman maiwasang di matawa sa reaksyon niya

Mahal Kita Kahit Hindi Na Kita KasamaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon