Chapter 26;

2 0 0
                                    

Harumi's P.O.V

Nothing

"So, babalik ka talaga ng Japan?" Tinignan ko si Hiroshi after niyang mag-lapag ng snacks sa table kung nasaan kami nila Polla, Danica at Annie. Umalis din siya agad at bumalik sa kwarto ko, "Such a loner." Si Danica, "You should get her a girlfriend." Pag-papatuloy pa niya.



"And when you mean get her a girlfriend, what do you mean?" I asked her, kanina pa tahimik si Annie, wala din siyang sinabi about sa nangyari a few weeks ago. I wanted to talk to her.



"Ibig sabihin niya ireto mo siya sa kapatid mo, mabuting lalaki naman si Kyle, sobrang loner niya lang talaga. Harumi ako na lang ireto mo sa isa sa mga kaibigan ni Frey, okay?" Si Polla, alam ko naman na pilit niya lang sinabi yun, she was just desperate to move-on.



"Sus! Bakit nakita ko kayong mag kausap ni Luke? Ano yon? Mag mo-moved on daw pero kina-kausap pa." Tinignan ko si Polla dahil sa sinabi ni Danica.



"Grabe samahan pa tayong apat ng sawi sa pag-ibig? Hindi naman natin deserve ata to." Tumawa si Annie bago uminom ng juice.



"Siya yung na unang naki pag-usap sakin promise, sinabi ko sakanya na hindi na ako mang-gugulo. Yun naman ang tinggin ng lahat sakin pang-gulo sakanilang dalawa ni Luna," pilit siyang ngumiti, na konsensiya tuloy ako. Yun naman talaga ang nasa isip ko dati nung hindi ko pa siya close, hindi ko pa siya kilala. "Pero at least ngayon baka mawala na din yung iniisip nila saking ganun kapag umalis ako, sinabi ko sakanya na babalik kayong Japan. Sasama ako, wala ng mangugulo... sana maging masaya siya." Tumawa siya pero nag umpisa ng tumulo ang luha niya.



"Ayoko ng ganito usapan," tumayo si Annie at dumiresto sa kwarto ni Hiroshi. Pumasok siya dun at hindi na lumabas.



Natahimik kami ng ilan pang sandali maya-maya lang nag salita na si Danica, "Anyways, sasamahan kitang kumuha ng passport. Tulungan na din kita sa mga requirements na kulang mo Polla, konti na lang naman yun."



Tumango lang si Polla, na tahimik kami ng dire-diretsong nag lakad si Lewis palapit sakin, kinuha niya ang baso ko at uminom dun. Alam niyang yun ang baso ko dahil na iiba yun, inirapan ko siya dahil sa inis, his making my friends uncomfortable!



"What are you doing here?"



"Bilisan mo, nag aantay si." I cut him off, "I said what are you doing here?" Tumayo siya at dumiretso sa kwarto ni Hiroshi. "Kukuhanan kita ng damit, mag sho-shorts kaba? Jeans?" He said as he entered Hiroshi's room, I immediately remember na nandun si Annie, mabilis akong tumakbo at kinuha ang susi, lumapit agad ako dun at sinara. Kinulong ko silang dalawa dun, na biglan naman si Danica at Polla sa ginawa ko.



Lumapit sila sakin at umiling, "That's not a good idea." Si Danica habang nakatinggin sa pinto ng kwarto, not a good idea? May alam siya! May alam siya about Annie and Lewis!

After Heartbreaks!Where stories live. Discover now