Chapter 20;

7 0 0
                                    

Harumi's P.O.V

Another Heartbreaks

Hinigpitan ko ang yakap ko kay Lewis matapos matanaw ang airport, mukang payapa ang labas nun dahil siguro sa lakas ng pag ulan kanina, tumila na rin naman ngayon. Marahan akong inalalayan ni Lewis pababa sa kanyang Red Montero, tumulong naman ang driver niya sa pag kuha ng mga lagguages namin, naka baba na din ng kotse si Mommy agad naman siyang lumapit sakin.



Bakas kay Mommy ang pagod at pag katamlay, galing siyang Caramoan tapos dumiretso kami ng airport matapos niya akong maabutan na umiiyak. Alam kong nag aalala siya sakin pero mas nag aalala ako para sakanya, pakiramdam ko may malaki siyang problema na hindi sinasabi sakin, "Thank you Lewis." Si Mommy.



"Syempre naman Tita, nako, si Harumi lang hindi marunong mag pasalamat. Your daughter is such an ungrateful brat who loves creepy stuff." Siniko ko siya habang tumatawa siya, "Ouch, that hurts, my abs baka mabawasan."



"Seriously? Lewis Kennedy? Mahina lang yun, ang arte mo!"



"Syempre, alam mo naman na malakas ka sakin eh." He winks at me bago niya ako inakbayan, "Let's go, hanggang sa labas lang ako ng entrance pwede."



Makalipas lang ang ilang oras ay natuloy na kami ni Mommy, kasalukuyan kaming nasa eroplano, sinusubukan ko man matulog hindi ko magawa, hindi ko makalimutan lahat ng na pag usapan namin ni Clark, ngayon lang halos literal na nag si-sink in sakin lahat ng nangyari at ng sinabi niya.



Hindi ako makapaniwala na aabot kami sa point na 'to. I love Clark so, so much, but... he made me feel worse than being abandoned.



"Baby, what food do you want to eat?" Nilingon ko si Mommy, something is wrong, what the hell!



"Mom? What's the matter?" Nag iwas siya ng tinggin bago nag salita.



"Wala naman, pag kain? Hindi ka nagugutom?" Nag kunwari siya inaayos ang neck pillow niya.



I signed deeply, "Okay, what the hell is going-on? You can't fool me Mommy, I know there's a problem, what is it?"



"Anak..."



"No Mom! Alam ko, you weren't supposed to ask me kung anong gusto ko kase alam mo kung anong gusto ko, you only do that when your upset! Anong problema Mommy? Tayong dalawa lang ang nandito, please don't lie to me..." I wiped her tears, see? I knew it!



"Please tell me Mommy, I can help you." Tinignan niya ako habang tumutulo ang mga luha niya, this felt worse! I can't stand seeing my Mom crying! F*ck it! Pag si Mommy talaga, pag ang Mommy ko talaga ang hina-hina ko, hindi ko kaya siyang nakikitang nasasaktan. I don't want to grow up, I want to stay as how I am today. But if growing up means being able to protect my Mom? Bakit hindi pa ngayon diba? I can't wait for the day that I will be able to properly protect her from being hurt.

After Heartbreaks!Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang