Chapter 19;

3 0 0
                                    

Harumi's P.O.V

Stay

"Thank you so much Maddie, we love you!" Masayang sinabi ni Shannon, yayakapin pa sana niya si Maddie kaso iniwasan niya yun. "Tumigil kayo sa pambo-bola niyo!" Si Maddie, I know na ayaw niya sa idea na to pero ano ba naman yung mag enjoy kami, kahit yung kami-kami lang diba?



Yung wala yung boys? Wala naming masama dun, bakit sila? Pwedeng mag bar? Umalis kahapon ang boys at nag bar daw, pwee mga siraulo ba sila? Hindi pwedeng hindi namin sila bawian no!



I want to make sure na hindi ko makikita siya Clark, kakausapin ko padin siya, that's for sure. Pero for now, as much as possible kaylangan ko siyang iwasan.



Natuloy nga ang island hopping namin na hindi kasama ang boys, we met new friends and I saw some familiars faces, kahit papaano na enjoy naman ako, I'm sure of that. Anyways, kahit pagaano ako kasaya, tumatakbo ang oras. And I can't control that, no matter how I wanted to stay in that certain moment. It will past, there's nothing I can do about it.



Lilipas at lilipas ang oras at mga panahon, hindi mo mamamalayan na lahat ng bagay na hindi mo inaakalang posibleng mangyari ay mangyayari, at pag dumating kana sa puntong yun... Ang meron kana lang ay mga alala at pag-sisisi.



-----



Mabilis na lumipas ang oras kaylangan na ulit naming bumalik ng Manila, gustuhin ko mang mag stay pa pero hindi na pwede, lahat ng kaylangan ko ay naka handa nadin, "Hi."



"Hi." Ngumiti si Clarence mula sa screen ng laptop niya. "So," dumungaw siya gilid at biglang lumingon ulit sakin. Matyaga akong nag antay sasabihin niya hindi rin na tapos ang ilan pang minuto ay nag salita na ulit siya.



"So, sure na? Your leaving." May pag aalinlangan niyang sinabi, tumango ako.



"Yeah, sure na." Ngumiti ako, his forehead creased, nakita ko na naman si Clark sakanyan at sa mga expression niya.



"You know, you don't need to leave if you don't want to leave Harumi. You can stay." Hindi pa natatapos ang sinasabi niya may narinig akong malakas na kalabog, sumimangot siya at tumayo, tinignan niya ako bago nag salita. "Wait for me." Umalis na siya agad kaya hindi kona siya nakikita mula sa webcam, ang nakikita ko lang ay yung pinto palabas ng kwarto niya, at yung study table niya malapit dun.



"What is wrong with you?" Sumimangot ako nang marinig ang pamilyar na boses, oh please sana naman hindi tama ang hinala ko hindi ba?



"You don't understand!" Si Clarence, kinumbinsi ko ang sarili ko na hindi siya yun, pero paano? Nakita ko si Aimee na padabog lumabas ng kwarto ni Clarence, I was sure that it was Clarence room. Hindi ako pwedeng mag kamali, pero anong ginagawa ni Aimee dun?

After Heartbreaks!Where stories live. Discover now