Mas lalong umingay ang classroom dahil doon dahil kaming lahat ay hindi alam na nagtatrabaho rin sa club si Precy at Tina. Nagmamadali silang dalawa sa pagbalik sa kanilang upuan habang ako ay tinanaw ang mga kaklase na pinag uusapan ang narinig.



"Landi- landi ,bubo naman." mahinang bulong bulong ni Jenessa at sumalampak sa kanyang upuan. Huminga ako ng malalim at hinanda ang sarili para sa araw na iyon.

Kahit na kabado ako pero nagawa ko lahat ng maayos ang pag aaral ko sa araw na iyon. Parang normal na araw lang hanggang sa tumunog ang bell para sa lunch break namin. Kaninang recess ay kasama ko si Rex at napag usapan rin namin ang usap usapan na bibilhin ang lupa na kinatitirikan ng mga bahay naming mangyan.


Huminga ako ng malalim at nakitang napakainit sa labas. Nasa alley na ako palabas ,susubukan ko kung totoo ang aantayin ako ni Frosto sa labas. Wala namang mawawala. Kasi tuwing lunch break ay sa canteen lang ako.


Dahan dahan akong naglalakad sa alley palabas sa gate ng may bumangga sakin.

"Sorry." aniya ng lalaking nakasuit at matangkad ang nakabangga sakin. Akala ko nga si Frosto dahil sa tindig ng katawan pero napamulagat ako ng makilala kung sino talaga ito. Hindi niya ako namukhaan!


"Ano ba! Nagsabi ba akong sundan mo ako dito? Bwesit!" himutok ni Jenessa habang hinihila palabas ni Axel.

"Shut up Jen."

Napahinto pa ako at nasapo ang aking labi. Teka lang, namamalikmata ba ako? Tuloy tuloy ang labas ng dalawa hanggang sa mawala sila saking paningin.



Sa labas ng gate ay may iilang studyante na nasa traysikel at may mga kumakain ng fishball.

Hindi nga ako nagkamali dahil nandoon nga si Frosto at nag aantay. Nasa driver seat siya at nakahilig ang ulo sa sandalan habang nakapikit. Tila kanina pa siya.

Natutulog ba siya? Luminga linga ako at napagpasyahan na lapitan siya.

Tila naramdaman niyang lumapit ako kaya napamulat siya. Umawang ang labi ko. Gusto kong sisihin ang puso ko kung bakit ganito siya kalikot kapag nandiyan si Frosto. Ang mga mata ko na hindi napapagod at naggwapuhan sa kanya.

"Hey." Luminga linga siya at tumitig sakin. Nakapolo siya at nakapantalon. Mukha siyang galing sa trabaho at kung titingnan ay parang hindi puwede na magkasama kami.

"Saan tayo pupunta?" paunang tanong ko. Tumayo siya para sa paghahanda sa aming pag alis.

"Kakain tayo. Pag usapan natin ang mga bagay na gusto mong linawin."seryoso niyang aniya. Tumango ako dahil iyon talaga ang layunin ko.


Tahimik kaming dalawa sa biyahe patungo sa isang restaurant. Bumaba ako ng nakapark na siya at hindi ko inaasahan ang paghawak niya sa aking kamay. Nahihiya ako kasi baka naramdaman niya ang panggiginaw ng aking palad.

Tila kabisado at kilala na siya dito. Sa isang pribadong parte kaming dalawa at agaran ang pag lagay ng tubig at tissue.

Narinig ko rin na siya na ang umorder sa aming dalawa. Nang marinig iyon ay  kinapa ko agad ang pera ko na 50 sa bulsa at binigay iyon sa kanya.

"Uhm.. b-bayad ko."

Ngumuso siya tila natatawa sa kung ano.

"I will pay the bills Sol. Keep that."

"O-Okay." binalik ko sa bulsa ang pera at bumuga ng hangin.

"Nagkaproblema sa kompanya sa Manila kaya ako nawala."

Tumango ako. Ang mga mata niya ay maamo at tinatantiya ako.

"K-Kasama mo ba ang babaeng nakita namin noon ni lola?"

Tama ako. Tama ako dahil nagulat siya sa aking sinabi. Pumikit siya at hinilot ang kanyang noo.

"Hindi-"

"Girlfriend mo ba iyon?" putol ko sa kanya.

Halos hindi ko mapalitan ang tingin niya sa akin. Na kahit sinusumbatan ko na siya ay parang siya parin ang malakas sa aming dalawa.


"Ex.." pag amin niya. Walang tinatago ang kanyang ekspresyon kundi ang abangan ang magiging reaksyon ko. Parang may gusto pa siyang sabihin na mahalaga pero hindi iyon ang uunahin ko ngayon.

Tumango ako. Kinagat ko ang labi. "Totoo rin bang nakikipag lapit ka sa akin, sa amin dahil bibilhin mo ang lupa  namin sa gobyerno?"

Naglakbay ang kanyang tingin sa aking mga mata. Umiling siya, segurado sa kanyang pag iling.

"Hindi ko sinabi sainyo ito kasi alam kong' baka hindi tanggapin ng lolo mo Soledad. Bibilhin ko ang lupain para ibigay mismo sa naninirahan doon ang mga titulo."

Napakurap kurap ako. "A-Akala ko para sa negosyo niyo?"

Umiling siya. "Palayan ng mga Septimo ang bibilhin ko Sol. Hindi ko papahamak at bibigyan ng problema ang mga mahal mo sa buhay lalo na at nililigawan kita Sol. I am serious. I really like you."

Kumalabog ang puso ko ng hawakan niya ang aking kamay at hinalikan iyon.

"I can wait Soledad.  I know it's all worth it eventually."

Hinalikan niya ulit ang kamay ko ng marahan habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

Unang Halik Where stories live. Discover now