Kabanata 21

145 9 0
                                    

Kabanata 21

Time really flies so fast if you're too happy to didn't notice the time. Like you were just enjoying the rest of the time for being happy and for staying beside at your family.

Para sa akin, sobrang bilis ng isang buwan na bakasyon dito sa San Romeo. Na parang kailan lang na iniwan ako ni Khenzon sa gitna ng gubat para hayaan akong makita ang daan patungo sa ilog. Kung kailan ko nakita si chi-chi na hanggang ngayon ay wala paring naghahanap sa kanya na amo.

But anyways, that's fine for me because Mazon loves chi-chi too. Palagi ngang magkasama ang dalawa sa bahay at minsan pa'y ginagawang kalaro ni Mazon ang kuneho.

Alam na rin ng lahat ng tauhan dito sa palayan ang pagkakaroon namin ng anak ni Khenzon. My happiness was too much because I always saw the smile in my son.

He's really enjoying in this place and interacting people. Mas lalong naging bibo ang anal ko sa harap ng maraming tao.

Ngayon nga ay nasa maliit na kubo kami kung saan nagpapahinga ang mga tauhan pagkatapos nila sa kani-kanilang trabaho. Mazon was helping and we're just watching our son while he's enjoying it.

"Bukas aalis na tayo." Usal ni Khenzon matapos mamayani ang katahimikan sa pagitan namin. "makikilala na din si Mazon ng pamilya mo."

"Tinawagan mo na ba sila Tita na pauwiin muna dito?"

"Hmm. Tho, they're confuse. Hindi ko naman pwedeng sabihin ang totoong dahilan pero uuwi raw sila bukas."

Nakahinga ako ng maluwag sa kanyang sinabi at tipid na napangiti. Ang paningin ay nasa anak ko parin na masayang tumutulong sa iba.

"Simula bukas, magiging mahirap na ang sitwasyon natin Khenzon." I took a deep breath. "we're both students and we're busy. Ayoko na ulit gawin ang ginawa ko noon na lumayo kay Mazon. Gusto ko siyang makasama."

"I know. Pero hindi naman siya mawawala. I know Tita and Tito can help us. Pwede naman tayong mag hire ng maid na magbabantay kay Mazon kung wala tayo sa bahay."

"Pero gusto kong ako ang mag-alaga sa kanya." I puffed a breath. "kaso sa sitwasyon ko, mas lalo akong mahihirapan." Lalo pa't isa ako sa inaasahan ng paaralan.

I glance at Khenzon when he softly held my hand and pinch it like he was telling me to calm down.

"Nandito naman ako diba? Matalino ang anak natin, Mary. Maiintindihan niya tayo kaya wag kang mag-alala."

"Sa tingin mo hindi siya magagalit sa akin?" Napabuntong hininga ako. "tiniis ko ang ilang taon na magpakalayo sa kanya dahil sa pag-aaral. Ayoko ng gawin 'yon Khenzon."

"Shhh. We can do this, okay? Nasa bahay lang naman si Mazon at hihintayin tayo. Hindi kagaya noon na babiyahe ka pa ng malayo para lang makasama siya. You see the huge difference? Ngayon, kasama na natin si Mazon. Nandito na ako at sasamahan ko kayo. Diba sinabi natin sa isa't isa na magsisimula tayo ng bago?" He smiled at me and using his one hand, he softly caress my cheek. "ito na 'yon, Mary. Ito na ang bagong simula natin kasama si Mazon."

Napahinga ako ng malalim habang nakatitig sa asul niyang mga mata na puno ng suyo at pangako. Ang boses niya na nagsasabing hindi niya bibiguin ang pagiging ama niya kay Mazon.

"You fought so hard. Ngayon, ako naman ang babawi para sa pamilya ko."

My eyes became watered in an instant and he was too quick to wipe my tears away. Napangiti ako sa kanyang ginawa pero inaamin kong gumaan ang loob ko dahil sa kanyang paratang.

"What if someone will harm our son, Khenzon? You know people nowadays. Ayos lang sa akin na ako ang siraan nila pero ayokong madamay si Mazon." Iling ko nang maalala na hindi magiging madali sa amin na ipaalam sa iba ang pagkatao ni Mazon. Lalo na sa lugar namin na puno ng mapanghusgang tao.

Tame Her Heart [UNEDITED]Where stories live. Discover now