Kabanata 17

128 8 0
                                    

Kabanata 17

"Mary!"

Napakalas ako sa mahigpit na pagkakayakap namin ni Mazon nang marinig ko ang boses ni Amira. Napangiti ako ng malawak nang masilayan siya at walang pagdadalawang-isip na niyakap siya ng mahigpit.

"Grabe! Hindi ako makapaniwala na nandito ka nga!"

"Sabi ko naman sayo diba? Nandito ako sa San Romeo." Nakangiting tinapik ko ang kanyang likod bago kami kumalas sa isa't isa.

Ngiting-ngiti si Amira nang makita ako na tiningnan pa ako mula ulo hanggang paa at muling hinawakan.

"Mabuti at nakapunta ka. Iyak na nga ng iyak si Mazon dahil gusto ka niyang makita."

"Pumunta kasi sa bayan ang.." napasulyap ako kay Mazon na mahigpit ang hawak sa kamay ko at nakatingala sa amin. I smiled at him before I face Amira who's now serious. "alam mo na 'yon. Kaya nakakuha ako ng pagkakataon na bisitahin ang anak ko."

"Paano kung magkita silang dalawa? Sabi mo hindi mo gustong magkita sila."

"It's different now." I smiled reassurringly at her as I tap her shoulder. "trust me, Amira. Hindi ko pababayaan ang anak ko. Kung malaman man ni Khenzon na may anak kami at kunin niya si Mazon sa akin, hindi ako makakapayag na mawalay sa akin ang anak ko. Kaya lalaban ako para sa kapakanan ni Mazon."

Amira sighed defeatedly. "Wala naman akong magagawa dahil ikaw ang Ina. Ayokong manghimasok sa problema ninyo pero siguraduhin mong hindi masasaktan si Mazon sa kung ano man ang desisyon mo."

"Oo naman. Salamat." I took a deep breath before I carry Mazon who's just patiently listening to us. "I've never been this sure. Bago ako nagdesisyon nito, siniguro ko ng hindi masasaktan si Mazon."

"Hmm?" Mazon tilted his head when I mention his name. "masasaktan si Mazon?"

"It's nothing baby." I smiled and kiss his forehead. "Mommy will do everything for you to be happy."

"But Mazon is happy." He said. "I just want my Mommy."

Napahinga ako nang malalim at marahan na hinaplos ang kanyang ulo. Ang asul niyang mga mata ay nagpapaalala sa akin ng kanyang ama. Ito ang dahilan kung bakit ayokong magkita silang dalawa, dahil bukod sa pareho sila ng kulay ng mata, magkamukhang-magkamukha din sila lalo na no'ng kabataan ni Khenzon. Mazon is the little version of Khenzon. Kaya kung magkita man sila, alam kong manghihila agad si Khenzon lalo pa't may nangyari na sa amin.

"Siya nga pala, umalis ba kayo?" Tanong ko nang makitang naka-ayos sila at mukhang may pinuntahan.

"Ah, oo. Saglit lang kaming nagpunta sa bayan dahil may binili kami. Muntik na nga itong mawala si Mazon sa sobrang kulit. Buti nalang at may nakakita sa kanya."

Napasulyap ako kay Mazon dahil sa nalaman. Makulit na bata nga si Mazon kahit minsan ko lang siyang nakakasama. Sa tingin ko sa akin siya nagmana patungkol sa kanyang ugali. Pero pagdating sa pisikal na anyo, Khenzon na Khenzon talaga siya.

"Your being silly again? Hmm?" Natawa ang anak ko nang pisilin ko ang kanyang ilong. "did you thank the person?"

Tumango si Amira. "Oo naman. Nasa palengke kami no'n nang mawala si Mazon dahil sa dami ng tao. Hindi naman ako masyadong nabahala dahil kilala na si Mazon sa buong palengke. Ang gwapo at cute kasi."

Napangiti ako at pinaggigilan ang pisngi ni Mazon. "You hear that? Your cute and handsome."

"Like Papa?"

Pareho kaming natahimik ni Amira sa sinabi ng anak ko. Amira cleared her throat and was about to change the topic when I smiled at Mazon and nodded at him.

Tame Her Heart [UNEDITED]Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin