"Let's go." Inakay ako ni Zhack palayo.

Nang dahil sa kanya ay natigil pa ako sa pagkain ko. Kung kelan gutom an gutom ako ay saka sya haharang. Kainis.

"Kumakain ka.. Bakit hindi ka na lang dito sa loob kumain at lalabas ka pa." Napairap ako ng masilayan nanaman sa harap ko si Chloe.

"Eh, ano bang pakealam mo?"

"Rein, Chloe, ano ba?" Walang pumansin kay Alex.

"May pakealam ako dahil alam kong boyfriend ko ang pupuntahan mo. Nandito ako. Respeto naman."

"Respeto?" Bahagya akong natawa sa sinabi nya. "Ang kapal ng muka mong humingi ng respeto samantalang ikaw mismo ay hindi kayang magbigay non."

Ako ang nauna at hindi ikaw.. Baka nakakalimutan mo?

"Wag naman kayong mag away dito oh.." Dinig kong bulong ni Sean, hindi ko alam kung sinong kausap nya. Sa gilid sya nakatingin.

"Ayoko nang makikita pang nakadikit ka sa kanya, Rein. Hindi ako nagbibiro."

Sino bang nagbibiro?

Yumuko si Zhack mula sa likod para bumulong sakin. "He's hungry.."

Oo nga pala.

"Excuse me.." Yon na lamang ang sinabi ko para hindi na mapahaba pa ang usapan.

Ngunit sadya naman talagang kampon ni lucifer ang babaeng ito, hinarang pa talaga nya ang dadaanan ko.

"Chloe.. Hayaan mo na sila." Pinipilit na hilahin ni Kim ang braso nya pero nanatili pa rin sya doon. Hindi manlang natinag.

"Stay here."

"Lumayas ka sa harap ko kung ayaw mong makakuha ng atensyon, Chloe." Kapag hindi ako nakapagpigil ay baka matulad ka sa mga tinatapunan ng drinks sa cafeteria.

"Kasasabi ko lang na huwag kang lalapit---"

"Kahapon pa hindi kumakain si Jom, Chloe. So, please, leave us alone." Mukang hindi na nakapagpigil si Zhack at sya na ang sumagot.

Kahit sino naman talaga'y mabubwisit sa babaeng ito. Kahit nga pagmumuka nya lang ang makita ko..

"Ahh.. So dadalhin nyo yang pagkain na yan sa kanya?" Tinuro nya ang plastic na dala ni Zhack.

"Hindi ba obvious?" Pabalang na tugon ko.

"Wag na kayong mag abala pa. I can take care of my boyfriend." Pinagkadiinan nya pang mabuti ang huling salita. "Ako na ang magdadala ng pagkain sa kanya."

Kumunot ang noo ko nang lampasan nya ko. Akala ko ba ay sya ang magdadala ng pagkain?

"Take this." Inaabot ni Zhack sa kanya ang dalang pagkain ngunit ni hindi manlang nya ito tinapunan ng tingin. Dirediretso syang naglakad sa likod.

Napairap na lamang ako at si Alex na lang ang hinatak. Inabot ko sa kanya ang hawak ni Zhack. Si Kim ay sinundan si Chloe samantalang si Sean naman ay na 'kay Alex.

"Paniguradong gutom na yon. Itakbo nyo na 'to sa kanya.."

Lumingon pa muna sya kina Chloe bago kunin ang hawak ko. Sinunod naman nila ang sinabi kong itakbo ang pagkain kay Jom.

Umupo kami ako dala ang kinakain, si Zhack ay nasa harap ko. Pinanood kong umorder si Chloe na hanggang ngayon ay nasa counter pa rin. Ngayon pa nya naisip na magmagaling.

"Bakit ganon ang itsura nya?" Maya maya'y tanong ni Zhack sa gitna nang pagkain ko.

"Nino? Ni Chloe? Malay ko. Ganon naman tala---"

Ghost University (Ghost Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon