"What happened? Bakit ganyan ang itsura nyo?" Kunot noong tanong nya samin, nakaturo pa kay Jom.

"Na-stock pala 'tong dalawa mula kahapon eh.. Tignan mo yung mga muka oh! Naubusan yata ng oxigen!"

"Uy, grabe ka naman.." Saway sa kanya ni Jayne.

"Kami nang bahala kay Jom, Rein. Kumain ka muna---"

"Hindi pa rin sya kumakain."

"Alam ko. Halata naman sa mga pagmumukha nyo oh! Oorderan ko na lang 'to sa clinic."

"Sasamahan---"

"Kuya, oh!"

"Rein, let's go. Kumain ka muna." Muntik na kong mapatalon nang hawakan nya ang bewang ko, hindi ko yon inaasahan.

At dahil gutom na rin naman ako ay hindi na ko pumalag pa. Inakay nya 'ko hanggang makarating kami sa cafeteria.

Kami na mismo ang nagpunta sa counter at sya ang umorder.

Tumingin sya sakin habang kausap yung babae. "Sayo lang ba?"

"Pati na rin sana kay Jom. Kahapon pa rin sya hindi kumakain.."

Agad rin naman naming nakuha ang pagkaing inorder nya. Inabot nya muna sakin ang mineral water, ininom ko muna ito bago kunin ang hawak nyang burger.

"Hindi namin kayo hinanap kahapon dahil palagi naman kayong nawawalang bigla.. I didn't know that you've been there the whole time."

"Wala naman talaga kami dito. Kung nandito lang kami kahapon, hindi kami mas-stock don."

"Oh, Rein! Nandito ka na pala!" Nakangiti akong sinalubong nina Alex at Kim. Kasunod nila sina Sean at Chloe.

"Lupet ah. Tamang lipat lang sa ibang planeta 'pag nabored." Biro ni Sean.. na hindi naman nakakatuwa.

Eh kung ikaw ang ihagis ko sa Mars? Tutal ay muka ka rin namang alien.

"Nasaan si Jom?" Agad na tanong sakin ni Chloe.

"Nasa clinic." Sagot ko habang ngumunguya. Sa sandaling oras na yon ay naubos ko na agad ang isang burger.

Inabot sakin ni Zhack ang naka-box na pagkain na agad ko rin namang kinuha.

"Huh? Bakit? Anong nangyari?" Nag aalalang tanong ni Alex.

"Anong ginawa mo?" Kunot noong tanong ni Chloe. Ang lagay eh, ako pa pala ang may ginawa?

"Wala 'kong ginagawa---"

"Kung wala kang ginagawa, bakit nasa clinic sya ngayon? Anong ginagawa nya don? Kayo lang ang magkasama, diba? Kayo naman lagi.."

"Chloe.." Saway sa kanya ni Sean. Hinawakan ni Kim ang braso nya.

"You don't know what you're saying." Si Zhack.

"Hindi ako katulad mo, Chloe." Nginisian ko sya ng makitang bahagya syang natigilan sinabi ko.

Sige, ngayon natin subukan ang tapang mo. Sa harap mismo ng mga taong pinakikisamahan mo, ang mga taong tinuturing kang kaibigan kahit na kabaliktaran doon ang tingin mo.

"Hindi ako gaya ng pamilya mo. Alam mong isa si Jom sa mga taong pinoprotektahan ko, Chloe. Wag kang tanga."

"Rein, stop.." Awat din sakin ni Alex.

"That's enough." Pumagitna na rin samin si Zhack.

Wala na rin naman akong ginawa dahil hindi na sya sumagot pa. Ang mga matatalim nyang paningin ay nanatili sa akin, yon na lang naman talaga ang magagawa nya.

Ghost University (Ghost Series #1) Kde žijí příběhy. Začni objevovat