"Anong ginagawa mo? Ginising lang naman kita dahil tanghali na ay naghihilik ka pa," tumatawang sabi niya.

Bigla kong naibaba ang aking pana at palaso. Walang emosiyon ko siyang nginisihan. "Gusto mo yatang sayo ko ipatama itong palaso ko. Huwag mo akong badtripin ngayong umaga, Zagreb, talagang tatamaan ka sa 'kin."

Tumayo ako at pinagpagan ang aking damit. Naglakad ako palabas at sumunod naman siya.

"Saan tayo?" tanong niya.

"Maghahanap ng iyong sandata...then we need to find a way out," dire-diretso akong naglakad habang ang paningin ay nasa paligid.

Nilingon ko siya ng ilang minutong dahil  hindi ko siya narinig na magsalita. Medyo malayo na siya sa 'kin at ang kanyang paningin ay nasa isang direksiyon. Mabilis akong lumapit sa kanya.

"Tsk! Anong ginagawa mo?" Nag-cross arm ako sa kanyang harapan at tinaasan siya ng kilay ngunit hindi pa rin niya inaalis ang kanyang paningin sa tinitingnan niya.

Kunot ang noong sinundan ko kung saan siya nakatingin. Wala akong nakita roon. Itinaas ko ang kamay ko para sapakin siya. Napa-aray itong lumingon sa 'kin.

"Bakit ba?" Siya pa ang nainis.

Tinabingi ko ang ulo ko at tinitigan siya. "Anong meron don..." nilingon ko ang tinitingnan niya kanina sabay nguso saka muling ibalik sa kanya ang paningin. "At grabe ka kung tumitig. Walang kurap-kurap lang Kuya? Psh! Malala kana!"

Umiling siya at sinapo ang ulo. "Parang may nakita kasi akong tao sa banda do'n."

Nilingon ko muli ang direksiyon kung saan siya nakatingin kanina. Kahit anong titig ko ay wala akong nakita. Imposible kaya na ang nakita ni Zagreb ay siyang nakita ko rin kahapon?

"Let's go!" Naglakad ako sa direksiyon na tinutukoy ni Zagreb.

"Saan ka pupunta? Bakit diyan? Oyy! Baka nagmamalik-mata lang ako eh!" sigaw niya ngunit sumunod rin naman.

"May titingnan lamang ako," sabi ko at lalong binilisan ang pagkakalakad nang hindi tumitingin sa paligid.

"Baka mapahamak ka lang diyan, Khat. Ang tigas ng ulo mo. Tsk!" sabi niya ng hindi ko siya pinakinggan.

Mabilis ang paglalakad na nagagawa ko. Sa sobrang bilis nang paglalakad ko ay hindi ko namalayan na may nasagi ang paa ko. Tumigil ako at yumuko para tingnan kung ano iyon. Isa iyong string na sobrang nipis, nakikita ko pa rin mula rito ang nipis niyon. Lumingon-lingon ako sa paligid.

"Khatya!"

Nabigla ako nang biglang may humila sa 'kin papalayo sa puwesto ko. At dahil sa malakas na pagkakahila niya sa 'kin ay sabay kaming bumagsak na dalawa. Ngunit nakita ko kung paanong bumulusok at bumaon sa lupang kinatatayuan ko ang mga iba't ibang patalim galing sa itaas. Napasapo ako ng aking dibdib dahil sa kaba at takot. Kung hindi siguro ako nahila ni Zagreb ay patay na ako ngayon. Ang daming patalim no'n. Sobrang matutulis at napakadelikado.

"Salamat," mahinang sabi ko, eksakto lamang upang marinig niya.

Matunog siyang ngumisi kaya iritang tiningnan ko siya. Pinagtatawanan ba niya ako? Abnormal siya!

"No need to thank me. Tayong dalawa lamang ang siyang nandito kaya sino pa ba ang magtutulungan? Saka niligtas mo din naman ako kahapon. Kahit sino ay gagawin din ang ginawa ko," parang wala lang na sabi niya.

"Hindi lahat. In this situation? I doubt that. Lahat uhaw na makaalis dito. Gagawin nila ang lahat para maging ligtas lang at maalis sa pesteng lugar na ito. Baka nga magpa-party pa sila kapag may nangyari sa'yong masama." Kibit ang balikat na saad ko.

"Hindi din naman lahat katulad ng iniisip mo."

Tumayo ako pinagpagan ang jeans ko. Nilahad ko ang kamay ko sa harap niya para tulungan siya sa pagtayo.

"Iba tayo ng paniniwala. I learned my lesson. They gave me a reason not to trust easily to everyone.. to all of you here in this island. Lahat dito may kanya-kanyang paniniwala. Lahat dito may tinatagong baho," wika ko at umiwas ng tingin.

"So, you didn't trust me?"

Napansin ko ang pasimple niyang paghawak sa braso niyang may sugat. At dahil puti ang pinantali ko sa sugat niya ay makikita agad na lalo itong dumugo.

"Ang sugat mo..." sabi ko imbis na sagutin ang kanyang tanong.

Pero sa totoo lang? Unti-unti na akong nagtitiwala sa kanya. Dahil siguro sa pagligtas niya sa 'kin. Kung katulad siya ng dalawang traidor na iyon ay sana hinayaan na niya ko. At kagabi...pwede niya akong patayin habang tulog ako pero hindi niya ginawa. May oras siya para patayin ako ng ganoon ka dali pero wala siyang ginawang masama. Ngunit nagdadalawang isip ako. Unang nagtiwala ako ay may nawala. Unang nagtiwala ako ay nawasak ako.

Umiling siya at nakangiwing niyuko ang kanyang sugat. "Okay lang yan."

"Iyang ba ginamit mong panghila sa 'kin?"

Nang tumango siya ay bigla akong nakaramdam ng guilt. Bumuntong hininga ako tatalikuran na sana siyang muli nang hawakan niya ang aking kamay. Nagtatakang tiningnan ko siya.

"Ready your bow and arrow, I see someone in your back. Nakatutok sayo ang hawak niyang baril," bulong niya at pinakawalan ang kamay ko.

Mahigpit kong hinawakan ang pana ko. Mabuti ba lamang at hawak ko pa rin ang palaso ko kanina.

"Dumapa ka pagbilang ko ng tatlo. Maliwanag ba?" mariin kong turan sa kanya na siyang kinatango niya. "Isa...dalawa...tatlo... Dapa!"

Pagkatapos kong sabihin iyon ay pinihit ko ang katawan ko paharap sa taong tinutukoy ni Zagreb. Nakita kong nakatutok nga ang hawak niyang baril sa 'kin. Itinaas ko ang kamay at senintro sa kanya ang pana ko. Mabilis kong binitawan ang palaso. Eksaktong pagtama ng palaso sa kanya ang pagkalabit niya nang gansilyo ng baril. Mabuti na lamang at mabilis ang naging galaw ko. Tumambling ako para iwasan ang bala. Pagtayo kong muli ay tiningnan ko ang taong iyon. Sa balikat siya tinamaan.

"Zagreb tumayo ka." Tumakbo ako patungo sa puwesto ng taong iyon ngunit tumakbo ito palayo sa 'min.

"Sandali lang kasi, Khat."

Nang makarating na kami sa puwestong iyon ay pinigilan niya ako. Nilingon ko siya at nakitang hinihingal siya.

"Ang bilis mo naman," humawak siya sa kanyang baywang habang humihingal.

"Para kang babae," umiling-iling ako.

"Ang laki lang talaga ng hakbang mo. Isipin mo naman kahit minsan ang gwapo mong kasama. May sugat kaya ako."

Hindi ko pinansin ang kahanginan niya. Gwapo daw siya. "Minsan talaga kailangan mo ring tumahimik kapag lumalakas ang hangin," walang ganang saad ko saka yumuko.

Natigilan ako ng may makita. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang pamilyar sa 'kin iyon. Umupo ako para kunin ang bagay na iyon. Bracelet.  Pagkuha ay tumayo ako at pinatitigan iyon ng mabuti. Sobrang napakapamilyar. Upang makasiguro ay  tiningnan ko kung may tiningnan ko ang nasa likod nito. May isang tanda akong nilagay sa likuran ng desinyong tigreng ibinigay ko sa kanya. Natigilan ako nang makita ko ang tanda ko.

Bakit nandito ang bracelet na ito?

Nagsalita si Zagreb ngunit hindi ko iyon tinuunan ng pansin. Ang buong atensiyon ko ay nasa pulseras na hawak ko. Posible kaya ay nandito siya?

Ngunit paanong nasa puwestong ito ang pulseras...kung saan ang taong nagtangka sa buhay ko kanina? Siya ba...siya ba iyon? Ngunit impossible.

Game Of Death, One Rule [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon