CHAPTER TWENTY

98 4 0
                                    





Isinugod nila sa ospital ang dugaang si Micaela  at nag aagaw buhay
"Micaela please kumapit ka wag kang bibitiw, lumaban ka" sabi ni Josh  habang tinutulak ang higaan papuntang emergency room
"Micaela pakinggan mo ko, mahal din kita kaya kumapit ka dahil papakasalan pa kita please" sabi ni Josh
Narinig naman ni Micaela ang lahat ng sinabi ni Josh sa kanya kaya napangiti ito sa saya bago pinikit ng tuloyan ni Chaewon ang kanyang mata.
"Doc kamusta siya?" Tanong ni Josh sa doctor. Bumagsak ang mga balikat ni Josh sa narinig niya sa doctor at napaupo dahil nawalan ng lakas ang kanyang tuhod, tinapik ni Lester ang kanyang balikat na nasa tabi lang niya naka tayo.





Pinuntahan ni Josh sa kulongan si Mr. Willams
"Bagay ka sa soot mong yan hayop ka!" Sabi ni Josh sa galit
"Pumunta ka lang ba dito para sabihin yan sakin?"
"Hindi ito ang sasabihin ko sayo" nakasalubong na kilay na sabi ni Josh
"Sisiguraduhin kong di ka na makakalabas dyan! Mabubulok ka dyan habang buhay!" Mariin na sabi ni  Josh.



After 5 years.
"Muli nanamang nag number 1 sa buong pilipinas ang Golden Coin company dahil ito sa kanilang matalinong Chairman na si Mr. Joh Cullen Santos" rinig sa lahat ng balita ang tagumpay ng kompanya ni Josh. Pinatay ni Josh  ang TV at bumalik sa upuan niya sa opisina
"Pa?"
"Anak proud ako sayo dahil napanatili mong nasa taas ang kompanya mo, sayang at wala na ang lola mo" sabi ng papa niya sa kabilang linya
"Siguradong masaya na po siya kasama si lolo" nakangiting sabi ni Josh
"Oh sya pumunta kayo mamaya dito sa bahay at mag celebrate"
"Opo Papa" sabay baba ng tawag.
"Nangunguna na ulit ang kompanya ko Mr. Chairman" nakangiting sabi ni Lester 
"Palagi naman ee, thanks to me diba" nakangiting sabi ni Josh
"Ano? Tara lunch tayo?" Aya ni Lester
"May dala akong lunch gusto mo share tayo?" Tanong ni Josh.
"Ayan. Ihalo mo ang curry sa kanin tapos balotin mo ng seaweed" turo niya ng saktong pag kain ng curry at kanin
"Mmmm masarap" sabi ni Lester
"Diba? Si Micaela ang nag turo sakin niyan" biglang ngumiti si Josh ng mapait
"Talaga?" Natahimik ang dalawa
"Teka matagal ko na tong gustong itanong sayo bakit mo pala binilin si Micaela sakin noon?" Tanong ni Lester
"Alam ko kasing maalagaan mo siya at ma pro-protektahan"
"Pano mo naman na sabi yun?" Natatawang tanong ni Lester
"Gusto mo siya Kuya diba? Narinig ko kayong nag uusap sa pool noon gusto mo siya" sabi ni Josh
"Josh alam mo ba kung anong sinabi niya sakin noon?" Napakunot naman ang noo ni Josh.





*****
"Sorry Lester pero kasi hindi ko mababalik yang pag tingin mo sakin" sabi ni Micaela
"Mahal mo na si Josh?"
"Oo. Pero natatakot ako pag katapos ng kontrata namin at mag hiwalay na ng tuloyan hindi na kami  pwede mag kita pa ni Josh kahit kailan" sabi ni Micaela
"Bakit mo naman naiisip yan?"
"Diba? Kontrata lang naman ang nag sasabi na mag asawa kami"
"Pero mahal mo siya sabi mo"
"Oo. Hindi ko pipigilan ang sarili kong mahalin siya pero kung kailangan kong lumayo lalayo ako"
"Feeling ko rin may gusto siya sayo"
"Hmmm haha sana nga, tsaka alam mo Lester makakahanap ka pa naman ng iba lingon lingon lang sa paligid" natatawang sabi ni Micaela
"Sa tingin mo? Pero seryuso, umamin lang ako sayo para maprove ko na gusto mo rin siya, tama nga ako.... wag kang mag alala gusto ka rin noon... pwede niyo namang baguhin ang kontrata diba?" sabi ni Lester habang natatawa.
*****



"Mahal ka niya at hindi ako mananalo sayo" natatawang sabi ni Lester
"Kalimotan mo na yun matagal na yun, tsaka feeling ko parating yung akin" dugtong ni Lester. Biglang may pumasok na babae sa opisina ni Josh
"Hoyyy!!!! lalaki Nakalimotan mo na ba na aniver---- M-Mr. Chairman" gulat na sabi ni Secretary Leon
"Ayan na" sabi ni Lester. Natatawang tumayo si  Josh sabay kuha ng coat niya
"Aniversarry niyo pala ngayon ah, sige papayagan ko kayo umuwi ng maaga mamaya" sabi ni Josh habang tinutukos silang dalawa
"Talaga?" Sabi ni Lester
"Oo nga!!. Enjoy kayo!" Sabi ni Josh sabay alis.





"Kuyaaaa!" Sigaw ni Jia sa kuya niya na hinintay niyang makalabas
"Jia!".
"Saan ka ba pupunta at nakisabay ka pa sakin?" Tanong ni Josh
"Excuse ko lang to para makita si Dan" sabi ni Jia
"Dan? Sinong Dan?"
"Siya yung sinabi ni Ate Micaela na ipaglaban ko kay papa, kasi sabi niya may kalayaan tayong mag mahal"
"Sinabi niya yun?"
"Mmmm kaya ipapakilala ko siya ngayon sayo kuya, para may mag tanggol sakanya pag mahuli ulit kami ni papa" nakangiting sabi ni Jia.





"Seryuso ka ba sa prinsesa ko?" Tanong ni Josh habang tinititigan si Dan
"Kuya!! Tinatakot mo siya" sabi ni Jia
"O-opo" sabi ni Dan
"Siguraduin mo lang dahil kung
hin-"
"Bubugbogin niyo rin ho ako?" Pamumutol ng boyfriend ni Jia
"Sinabi na po yan ng asawa niyo noon kaya nga po hanggang ngayon hindi ko binibitawan si Jia"
Sabi ni Dan
"Talaga?" Sabi ni Josh
"Opo" nakangiting sabi ni Dan



Sunod niyang pinuntahan ang eskwelahan ni Dave para dalawin niya ito. Saktong labasan na nila kaya inabanggan nalang ito sa labas ng gate
"Kuya!!!" Sigaw ni Dave
"Dave!"
"Bakit po kayo nandito?"
"Gutom ka? Tara kain tayo" dinala ni Josh sa isang cafe si Dave
"Hinay hinay sa pag kain baka mabulonan ka" sabi ni Josh sabay abot ng table napkin
"Sorry kuya kanina pa ako gutom eee"
"Hindi ka kumain sa school niyo?"
"H-hindi"
"Ikaw talaga!! binabayaran ko ang tution fee mo at ang pangkain mo sa cafeteria niyo tapos hindi ka kakain?"
"Kuya kalma! nag aaral po ako ng mabuti para maging doctor kaya ko po nakakalimotang kumain"
"Wag mong kakalimotan ang pag kain mo papano ka lalakas para makapag aral ka ng maayos pag di ka kumain" panenermon niya. Mayamaya may pumasok sa cafe kung nasaan silang dalawa
"Andito na pala siya" sabay tayo ni Dave at salubong sa bagong dumating, niyakap niya ito ng mahigpit at sabay silang bumalik sa table nila. Tumayo si Josh at hinintay na maka upo ang dalawa
"Mabuti naman po hindi kayo busy ngayon" sabi ni Josh
"Ayy hindi naman ako gaanong ka busy sa farm ngayon" sabi ng papa ni Dave
"Nga pala---maraming salamat pala at ikaw na nagpapaaral kay Dave"
"Wag po kayong mag pasalamat pamilya ni Micaela, pamilya ko na rin" nakangiting sabi ni Josh
"Nga po pala, may ipag papaalam lang po sana ako sayo kung pwede na po sa inyo?!"
"Sige ano yun?" Tanong ng papa ni Dave.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now