CHAPTER SIX

93 5 1
                                    


"Pakawalan niyo na po ako" pag mamakaawang sabi ni Micaela
"Sa isang kondisyon" sabi ni Josh habang naka cross arm
"Ano yun?"
"Marry me!" deritsahang sabi niya
Halos naman mahulog si Micaela sa kinauupuan niya at nag eecho ang sinabi ni Josh sa kanya natahimik siya sandali
"HaHahahahahahaha, grabe ka mag biro Sir nakuha mo ko dun Hahahahaha"
"Micaela Suarez!" Seryusong sabi nito at napahinto niya si Micaela sa pagtawa
"Tignan mo ko! Mukha bang nag bibiro ako?" Biglang may kung anong nag pahinto sa kanya at hindi na makapag salita
"Fine! You don't like? Ang chossy mo! Di ka na nga yung type ko namimili ka pa! Dapat nga magtatatalon ka pa sa tuwa dyan kasi papakasalan kita" mayabang nitong sabi, sa sinabi ni Micaela biglang siyang nakapag salita.
"Waaa! Mamang pulis hinaan niyo po electric fan dito ang lakas ng hangin e" sabi niya sa nag babantay na pulis
"Miss sira ang electric fan dito" sabi ng pulis at balik sa ginagawa niya, masama niyang tinignan ang pulis na nag babantay sa kanila
"Ano? Yes or Oo?" Tanong ni Josh 
"Hahaha nag papili ka pa anong klaseng choice yan!" Sabi ni Micaela. Tumingin sa relo niya si Josh tsaka nag salita
"Okay my time is gold kung ayaw mo then fine its your choice to live forever here!" Sabi ni Josh sabay alis.
Hindi na na bigyan ng pagkakataon na makapag salita si Micaela.
Sumakay agad si Josh sa naka hintong sasakyan sa labas ng pulis station
"Anong balita? Pumayag na ba?" Tanong ni Lester na naka upo sa driver sit
"Hindi" simpleng sagot ni Josh habang sinusuot ang seatbelt niya
"Ano? Pano yan? Kukunin mo ba ulit si Miss Jaimee?" Tanong ni Jihoon
"Hindi ayoko na sakanya, pero wag kang mag alala sigurado akong ayaw niya makulong habang buhay" nakangiting sabi niya




"Ayokong makulong habang buhay, ayoko rin na maging asawa noong Santos na yun!" Kausap niya ang kanyang sarili
"Anong gagawin ko mababaliw na ata ako! Papano na si Dave? Ano tatanggapin ko ba?" Nababaliw na siya sa kakaisip ng desisyon niya.

Ilang araw na binabantayan ni Josh ang kanyang cellphone sa ibabaw ng lamesa niya umaasang tatawagan siya ni Micaela
"Tumawag na ba?" Tanong ni Lester
"Hindi pa nga! Gusto talaga na makulong ng babaeng yun kesa maging asawa ako"
"Hindi na yata umeepekto ang kagwapohan mo Mr. Vice president" natatawang sabi ni Lester
"Tsssk!! Baka nag totour pa yun sa kulongan. Siguro curios siya sa loob kaya sinusulit niya ang ganda ng kulongan" sabi ni Lester 
"Anong maganda sa kulongan?" Tanong ni Lester. Pasigaw na pumasok ang secretary ni Josh sa kanyang opisina
"V--------P!!!" sigaw nito
"Ano ba! Kailangan talaga sumigaw?" Gulat na sabi ni Josh 
"Nandito po ang papa niyo" takot na sabi ni Secretary Leon.



Nakaupo ang mag ama sa sala ng opisina ni Josh at umiinom ng tsaa
"May nakita na akong pwede mong pakasalan" pangbungad nito pagakatapos uminom ng tsaa. Napangiti naman si Josh sa sinabi ng papa niya
"Pa ganun mo na ba talaga kagustong mag kaasawa ako? Ni hindi ko nga nakikita yung babaeng gusto mong iharap ko sa altar?" Sabi ni Josh 
"Ang importante ay makasal ka kaagad!---- mag handa ka dadating na ang fiance mo sa isang linggo!"
"Sa isang linggo?"
"Mmmmm. Naka set up na lahat ng preparation sa nasal niyo ikaw na bahala sa susuotin mo!"..




"Sa isang linggo na ang kasal mo?"
Tanong ni Lester
"Mmmm pag kadating na pag kadating pa ata noong babaeng gusto ni papa" problemadong sabi niya
"Kailangan mo nang pilitin si Miss Micaela sa gusto mo!" Sabi ni Lester ..




"Uy!! 1026 " pang gigising ng pulis aa kanya
"Laya kana" dugtong pa nito. Habang hinahatid siya ng pulis sa labas ng istasyon may naka abang nang van na maghahatid sa kanya. Ang laki ng ngiti niya at sa isip palang niya ay pinapasalamatan na niya si Josh. Pero nagtaka ito kung bakit familiar  ang mga mukha ng mga lalaking nasa loob ng van. Hindi na siya nakapalag dahil kinaladkad siya papasok sa bahay ni Mr. William at naabotan niyang may mga babaet inomin ang opisina ni Mr. William
"Ohhh!!! Siya na ba si Micaela Suarez?" Sabi ni Mr. William
"Siya na po boss" sabay tulak palapit sa kanya Kay Mr. William
"Hoy!!!!" Sigaw nito sabay lapit sa taohan niya
"Wag mong sasaktan ang magiging asawa ko!" Sabay suntok niya. Nagulat si Micaela sa ginawa niya
"Sorry sweetheart sinasaktan ka kasi!" Sabi ni Mr. William sabay hawak sa buhok niya umiiwas naman si Micaela
"Wag mo kong hahawakan!" Sabi ni Micaela
"Alam ko alam ko, naiilang kalang" nakangiting sabi ni Mr. Williams
"Pero hindi ka na makakatakas sakin hahaha"
"Makakatakas ako dito!"
"Papano? Ha? Marami akong bantay dito"
"Hahanapin ako nang asawa ko!" Biglang sabi niya. Natigilan din siya sandali sa sinabi niya

*anong pinagsasabi mo Micaela!!!
Bahala na nga!!*
Sabi niya sa sarili niya


"Hahaha ako ba pinagloloko mo?"
"Oo kung di ka maniniwala tawagan  natin pero humanda ka kasi pag pumunta siya dito humanda ka sa mga consequences dahil ayaw niyang may lumalapit sakin na lalaki, alam mo ba yung iba pinapakulong niya kahit na mayaman pa yung umaaligid sakin, pero madalas pinapatay!" Pananakot niya
"Tawagan ko na ba?" Dugtong niya sabay dial kunyari
"Teka sabi mo mayaman?! Kung totoo yan bayaran mo ang inutang ng papa mo sakin na six million  at di kita gagalawin!" Sabi ni Mr. William
"Sure!"
"Isang linggo!"
"Isang linggo?"
"Oo !!!! bayaran mo mayaman kayo diba? Kung hindi pati asawa mo papatayin ko!"
"Buong anim na milyon?"
"Bakit?"
"Tatlong buwan!!!"
"Tatlong buwan? masyadong matagal!!"
"Obsessed yun sa pera niya no kesa sakin! Hindi madaling humingi ng anim na milyon agad agad!! Cho-chop-chopin ko!!"
"Hmmmm-- pag ikaw hindi naka bayad sakin, pati kapatid mo mamamatay"
"Oo na oo na daming sat sat ano Deal?"" Sabi ni Micaela 
"Deal! Siguraduhin mo lang! Kung di!!!!" Sabi ni  Mr. William.



Dahil sa ginawa niya pinalaya siya ni Mr. William ,
"Naniniwala kayo dun sir?" Sabi ng taohan niya
"Hindi"
"Bakit niyo pinalaya ng ganun"
"Wala lang, mahilig ako sa laro diba? Gigipitin ko muna siya at pag wala siyang maibayad sakin lagot sila ng papa niya!"

Humahangos naman na pumunta si Micaela  sa kompanya ni Josh
"Gusto Kong makausap si Mr. Santos?"
"May appointment po ba kayo?" Tanong ng nasa front desk
"Ahh wala pero gusto niya rin akong makausap"
"At sorry po ma'am pero dapat po nag pa schedule po muna kayo"
"Sige na miss emergency lang!"
"Sorry po talaga" habang nakikipag talo si Micaela sa front desk hindi niya alam na paparating si Josh sa kompanya at galing siya sa presinto para dalawin at tanongin ulit.



"Sino kaya nag bayad para makalaya si Miss Micaela" tanong ni Lester  sa magkasalubong na kilay na si Josh. Napansin agad niya si  Micaela  habang kinakaladkad ng mga guard papalabas 
"Teka!" Pag papahinto niya sa mga guard
"Mr. Santos Mr. Santos!!!" Takbo niyang lapit ni Josh
"Anong kailangan mo?" Mainit na ulong sabi niya
"Payag na ako!" Sabi ni Micaela habang hinahangos pa
"Ano?" Biglang umaliwalas ang mukha ni Josh sa narinig niya
"Payag nakong maging asawa mo!" Sabi ni Micaela sabay ngiti
Napangiti si Josh sa sinabi ni Micaela.


Hinarap agad ni Josh ang kontrata na pepermahan niya at mga kondisyon na dapat sundin.
"Yan--yan lahat ang kondisyon" sabi ni Josh habang naka pamulsa at nakatayo sa harapan ni Micaela 
"Gusto ko umalis ka sa tinitirhan mo ngayon"
"Ha? Bakit?"
"Mag hihinala ang lahat, mag asawa tayo diba! Next gusto ko kasama kita pag may party na pupuntahan ako at dapat sweet at mukang nag mamahalan talaga tayo pag nasa harap tayo ng maraming tao!" Sabi ni Josh 
"To lang? Sus ang dali lang naman"
"Good okay permahan mo na!"
"Teka lang! May kondisyon rin ako!" Sabi ni Micaela 
"Ano?"
"Dagdagan mo naman bayad mo!" Sabi ni Micaela
"Ano? Kulang pa ba tatlong milyon?"
"Mayaman ka diba? Dagdagan mo ng anim na milyon!"  Deretsahan niyang sabi
"Ano?"
"Okay wag nalang natin tong ituloy" akmang tatayo na si Micaela
"Teka! Wait lang---- sige na! Payag na ako! Anim na milyon! Deal?"
"Okay deal!" Nakangiting sabi ni Micaela.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon