CHAPTER NINETEEN

98 6 2
                                    




"Boss na sa trunk na po lahat ng pera niyo" sabi ng isang taohan ni Mr. Williams
"Alam niyo na gagawin niyo"
"Opo Boss, papunta na po mga taohan natin sa lugar nila"
"Good!... See Josh sakin parin bagsak niya! May pera na may asawa pa" sabay hagalpak ng tawa ni Mr. Williams.








Tumatakbo palabas ng building  si Micaela at ngumiti ng pagkalaki laki noong nakita niya na si Josh sa tapat at kumaway pa ito na ginantihan rin ni Josh. Tatawid na sana si Micarla ng may biglang humintong itim na van sa tapat niya, nagtaka naman si Josh at lalapitan na sana si Micaela pero biglang umandar ang van at nakita niyang nawala si Micaela sa pwesto niya.




"Pakawalan mo ko!" Sigaw ni Micaela habang pumipiglas
"Mag babayad naman ako eee hindi lang ngayon kasi kaka opera lang ng kapatid ko" paliwanag niya
"Wala akong paki sa kapatid mo, pero wag ka ng mag alala bayad ka na binayaran ng asawa mo si Boss"
"Ano?"
"Oo kani-kanina lang"
"Nakabayad naman na pala e, ano pa kailangan niyo?"
"Malalama mo rin pag nag kita kayo ni Boss!" Sabi ng isang lalaki



"Kuya!!!" Tawag ni Josh Kay Lester sa pent house niya
"Kinuha ni Mr. Williams si Micaela hindi ko alam saan dinala"
"Ano?- tatawag na ako ng pulis" sabi ni Lester
"Kung ranzom money ang gusto ng mga kumidnap sa asawa niyo, tatawag sila ano mang oras" sabi ng pulis
"Hindi. Sa tingin ko hindi, binigyan ko na ng pera sa Mr. Williams" sabi ni Josh
"Binigyan mo siya ng pera?" Gulat na tanong ni Josh
"Oo yung na titirang utang ng papa niya"
"Pero kung tumawag man siya sayo ipagbigay niyo agad" sabi ng pulis
"Opo officer" sabi ni Lester. Biglang dumating si Jia sa pent house ng kuya niya
"Kuya"
"Oh bat nandito ka?"
"Sinabi sakin ni Kuya Lester na nawawala si Ate Micaela, may balita na ba? Nag aalala na rin si Lola" sabi ni Jia
"Wala pa, sabihin mo nalang Kay Lola na wag siyang mag alala"
"Mmmmm. Pinapasabi rin niya na hindi siya galit sa inyong dalawa ni Ate sa nalaman niya, tinuring nadin niya na parang apo si Ate Micaela, aaminin ko nagulat at may tampo ako sainyo pero gusto ko si Ate Micaela" sabi ni Jia
"Sabihin mo yan kay Micaela pag nakauwi na siya dito siguradong matutuwa yun" sabay hawak sa ulo ni Jia.




Itinali ni Mr. Williams sa upuan si Micaela, nakabantay naman sa bodega ng isang pantalan ang nga taohan ni Mr. Williams. Sinusubukang kalagin ni Chaewon ang tali sa kamay niya, tinawagan naman ni Mr. Williams si Josh habang balisa ang lahat at tutok sa cellphone ni Josh na nasa ibabaw ng lamesa palakad lakad si Josh sa kaba at pag aalala. Ilang sandali lang nag ring ang cellphone ni Josh at agad niya itong sinagot
"Ohhhh! Josj excited ka na ba na makita ang peke mong asawa?" sabay tawa niya
"Walangya ka asan si Micaela? Wag mo siyang sasaktan papatayin talaga kitang hayop ka!"
"Kalma kaibigan hindi ko siya sasaktan pag sumunod ka sa nga utos ko"
"Nakikinig ako!" Sabi ni Josh sabay pindot ng loud speaker
"Pumunta ka sa ittext kong lugar, ikaw lang walang kasamang pulis o alalay! Kung di mamatay siya!"
"Oo susunod ako!"
"Ohhhh cge wag kang malalate kaibigan hahaha, ikaw ang best man ko sa kasal namin mamaya" tawa niya ng malakas sabay patay ng tawag
"Hindi pwedeng mag isa ka lang doon!" Sabi ni Lester
"Wag kang mag alala Kuya, kaya ko ang sarili ko"
"Hindi sasama ako, sasama ang mga pulis"
"Kuya narining mo si Mr. Williams papatayin niya si Micaela"
"Pero maliligtas natin siya pag marami tayo!" Kalaunan pumayag si Josh at nag plano silang maigi, natanggap na rin niya ang address kung saan nila dinala si Micaela at agad silang pumunta.
"Kuya sabihin mo sa kanila pag hindi pakami naka labas ng 30mins pasukin niyo na ang bodega" utos ni Josh habang nag mamaniho si Lester ng kotse
"Kuya pag nakalabas ng ligtas si Micaela ingatan  mo siyang mabuti" bilin ni Josh
"Ano bang pinag sasasabi mo? Kayong dalawa ang makakaligtas!"
"Kuya nag sasabi lang ako ng pwedeng mangyari, pero di ko hahayaang may mangyaring masama kay Micaela" sabi ni Josh
"At sayo rin!!"sabi ni Lester . Nakarating na sila sa pantalan at standby naman ang nga pulis. Binuksan ng isa sa anim na mga taohan ni Mr. Williams ang pinto ng bodega
"Oy!! Kaibigan nag kita ulit tayo!" Masayang bati niya Kay Josh
"Wala na siyang utang sayo diba? Kaya tigilan mo na siya!" Sabi ni Josh
"Josh?! Umalis kana sige na!" Sigaw ni Micaela
"Ha hahahaha. Oo nga di ko na siya gagawing asawa pero kasi may utang ka pa sa akin kaya sisingilin ko na!"
"Ano bang utang ko sayo?"
"Nag tatanong ka pa talaga?--- nakikita mo tong piklat sa mukha ko? Papa mo ang may gawa nito gaganti lang ako sa pamamahiya niya sakin noon!"



*Magkakilala sila?*

Tanong ni Micaela sa isip niya




"Anong pamamahiya? Eee ikaw nga ang nag nakaw sa kompanya namin!"
"Pinag bintangan lang ako ng papa mo dahil natatakot siya na mapaalis sa sarili niyang kompanya! Malaki ang naipapasok Kong pera noon sa kompnya niyo pero hindi nagustuhan ng papa mo yun dahil akala niya banta ako sa kanyang posisyon kaya pinalabas niyang nagnanakaw ako sa kompanya niyo!"
"Kung ganun ako na hihingi ng tawad sa ginawa ng papa ko"
"Matagal akong nag tiis sa kulongan kaya wala ng kwenta ang pag hingi niyo ng tawad sakin ngayon! Kaya gaganti ako sa papa mo at ikaw ang gagamitin ko!" Inutos ni Mr. Williams na bugbugin si Josh ng mga taohan niya. Nakaka suntok rin ang mga kalaban niya kaya dumudugo na ang pisngi at labi ni Josh. Pinapanood lang ni Mr. Williams sila Josh at nakikita na niyang natatalo ang mga taohan niya lalapit na sana ito na may dalang panaksak Kay Josh sakto namang natanggal na ang tali ni Micaela at pinalo niya ng kahoy ang likod ni Mr. Williams dahilan ng pag katumba niya.
"Hali kana!" Sabay hila ni Micaela kay Josh palabas.
"Habulin niyo sila!!!" Sigaw ni Mr. Williams
Limang minuto nalng ang natitira sa 30mins na binigay ni Josh kaya pumasok na ng mga pulis ang pantalan kasama  si Lester.




Nag tatago naman ang dalawa sa likod ng malalaking mga kahon.
"Okay ka lang?" Sabi ni Josh
"Oo" sabi ni Micaela
"Ikaw, tignan mo ohh, bugbog sarado ka rin. Ikaw dapat tinatanong ko niyan"  dugtong niya
"Hanapin niyo sila!" Rinig nilang sigaw ni Mr. Williams
"Jos may sasabihin ako baka hindi ko na masabi to sayo ee!" Sabi ni Micaela
"Oo mamaya na pag nakaalis tayo dito!" Sabi ni Josh habang palingon-lingon
"Josh!" Hinarap ni Micaela ang mukha ni Josh sa kanya at binigyan ito ng isang halik na ikinagulat ni Josh pero pinabayaan niya lang itong gawin ni Micaela
"Mahal kita at nag papasalamat ako sa lahat lahat" nakangiting sabi ni Micaela. Hinila ni Micaela si Josh papalabas ng pantalan pero na huli sila ni Mr. Williams na may dalang baril.
"Nandyan lang pala kayo!" Sabi ni Mr. Williams. Napaatras ang dalawa
"Wala ng sasakit pa sa isang ama ang  mawalan ng isang anak!" Sabay tutok ng baril kay Josh
"Josh!" Bulong ni Micaela na narinig ni Josh sabay itinago niya sa likod niya si Micaela
"Wag kang mag alala maliligtas tayo" sabi ni Josh
"Mag Hi kana sa mama mo Josh!" Sabi ni Mr. Williams.





Kinalabit niya ang gatilyo ng baril at napapikit si Josh na inaasahan ang bala ng baril ni Mr. Williams. Nag hinatay siya ng ilang segundo bago binuksan ang mga mata niya, hindi siya na tamaan. At nakita ang mga pulis na papalapit sa bumaril sa kanya.





"MICAELA!" Sabay salo niya kay Micaela na nasa harapan niya duguan at may tama ng baril.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now