CHAPTER ONE

251 6 0
                                    

Magandang bahay, mamahaling mga sasakyan, mga limited edition na mga damit, relo, sun glass at iba pa. Higit sa lahat maraming pera. Isang anak ng pinaka mayamang may ari ng ibat ibang company sa Pilipinas, siya si Josh Cullen Santos kilala rin siya sa pagiging basag ulo at pasaway pero siya ang role model ng mga kabataang gustong mag tayo ng kanilang business. Kahit na ganun ang ugali niya hindi siya marunong manakit ng damdamin ng babae sinasabi niya agad pag hindi siya interesado sa babae in a good way kaya wala siyang record pag dating sa mga napaiyak na babae.


"Sigurado ka ba sa gagawin mo?" Sabi ni Lester ang kanang kamay at the same time bestfriend niya
"Oo nama. Pinaiyak niya step sister ko! Kaya dapat gumanti tayo!" Sabi ni Josh habang naka silip sa isang dingding sa parking lot ng building
"Baka may makakita satin dito at ma headline ka na naman"
"Tiwala ka lang sakin okay? Ako bahala!" Paninigurado niya. Mayamaya dumating ang kotseng inaabangan nila
"Ayan na dumating na" excited na sabi ni Josh pero si Lester ay nag dadalawang isip sa gagawin nilang pag butas ng gulong ng kotse.
Naka park na ang kotse at umalis na ang may ari dahan dahan silang lumapit sa kotse at sinimulang butasin ang dalawang gulong sa harapan gamit ang maliit na kutsilyong dala ni Lester

"Talagang nag bihis ka pa ng pagkamahal mahal na suit para dito?" Sabi ni Lester sa busy na si Josh
"Sympre pag dumating nga reporters dapat gwapo ako" pabirong sabi ni Josh. Hindi nag tagal malapit na nilang matapos ang ginagawa nila, biglang dumating ang may ari kasama ang babaeng pinag palit sa step sister niya.
"Hoy!!!! Anong ginagawa niyo?" Napalingon ang dalawa sa sumigaw
"Takboooo!!!" Sigaw ni Lester sabay takbo ng dalawa. Pero bago pa makatayo si Lester ay nahila siya ng lalaki kaya nasuntok si Lester
"Lester!!!!" Sigaw ni Josh at bumalik sa dalawang nag susuntokan. Naki suntok na si Josh nang matumba si Lester, lumipad ang mga suntok at sipa sa dalawang pero mas dehado ang kalaban dahil bata palang si Josh ay tinuruan na siya ng self defense. Biglang may dumating na mga security guard para hulihin ang mga nanggugulo.



Tapos na sa trabaho niya bilang sales lady ng mga cosmetic sa isang mall si Micaela , nag hihintay siya ng bus papuntang ospital. Nangangawit ang mga benti niya dahil sa mag hapong nakatayo habang may takong ang kanyang sapatos. Bigla siyang nakatanggap ng tawag galing sa ospital kaya dali dali siyang pumunta doon pag kasakay niya ng bus
"Ano pong nangyari sa kapatid ko?" Tanong niya sa nurse
"Hinahanap ka niya, ayaw niyang pa inject ng gamot. Kailangan na po niyang maturokan ng gamot ngayon" sabi ng nurse
"Ganun ba?.Kakausapin ko po siya". Pinuntahan niya sa ward ang kanyang kapatid
"Dave andito na si ate" sabi niya
"Ate~. Natatakot ako tsaka ang sakit po ng injection" mangiyak ngiyak na sabi ng kanyang kapatid
"Dave makinig ka kay Ate. Hindi ka gagaling kung di ka mag papaturok ng gamot"
"Ayoko na po ng sakit ko. Nahihirapan na ako"
"Dave wag kang susuko. Sabi mo gusto mo maging Doctor pag laki mo kasi gusto mong mag pagaling din ng ibang may sakit. Papano yun kung di ka mag papagaling? Iiwan mo si Ate?"
"Ayoko po gusto ko nandyan parin ako sa tabi mo palagi"
"Tsaka ang strong strong mo diba? Kaya sige na pa inject ka na kay ate nurse"
"Dito ka lang sa tabi ko ate"
"Oo nandito lang ako, wag mong titigan ang karayom ha dito ka lang kay ate tumingin".


Napakalma at naturokan na rin ang kapatid niya at binantayan niya ng buong mag damag si Dave....



"Kuyaaaaaa!!!!" Sigaw ng step sister niya pag kadating na pagkadating ni Jia sa pent house ng kuya niya
"Are you okay my gash" pag aalala nito pag kakita Kay Josh na may pasa sa gilid ng mata at bibig nito
"Ikaw rin Kuya Lester! Bat ba may pasa kayo?" Tanong ni Jia
"Okay lang ako!" Sabi ni Josh habang ginagamot ng katulong niya sa pent  house ang mga sugat niya. Biglang dumating ang papa ni Josh at ipinaalam ito ng bantay niya mula sa pinto
"Hindi ka na ba titino? Sinisira mo ang kompanya ko!!" Sabi ng papa niya
"At ikaw naman Lester!!!!? Kinokonsente mo naman itong si Josh sa mga kalokohan niya!"
"Sorry po Chairman" nakayukong sabi nito
"Kailangan mo na talagang malagay sa tahimik!" Sabi ng papa niya
"Ano nanaman gagawin mo papa? Ipapatapon mo ulit ako sa Switzerland?" Nakangiti niyang sabi. Natigilan naman ang papa niya dahil hindi niya magagawa yun, itinalaga niya na si Josh bilang Vice president ng kompanya nila.


"Hindi! Pero ipapakasal na kita at di mo mababago ang isip ko,
para tumino kana!"
"PAPA!!"  Sigaw ni Josh sabay tayo.
"Papa" pagmamakaawang sabi ni Jia habang hawak hawak ang braso ng papa niya
"2weeks from now! Mag hahanap na ako ng mapapangasawa mo na pwedeng mag kontrol sayo! At di mo siya pwedeng pigilan sa mga gusto niya dahil saakin siya nag tratrabaho!"
"Sayo nag tratrabaho? Edi ikaw mag pakasal doon sa babaeng na pili mo!" Isang malutong na sampal ang natanggap niya mula sa kanyang ama
"Wala ka na ba talagang GALANG?" sigaw ng papa niya
"Papa tama na po, tataas yung presyon niyo" sabi ni Jia habang hawak hawak ang papa niya
"Mr. Santos tama po si Miss Jia, baka pagod na po kayo. Ihahatid ko na po kayo sa labas" sabi ni Lester
"Tandaan mo to Josh, ipapakasal kita sa babaeng pipiliin ko sa ayaw o sa gusto mo!!" Sabay lakad paalis
"Kuya okay kalang?" Pag aalala ni Jia sa kanyang kapatid. Tumango naman si Josh at ipinakita Kay Jia na wala lang ang pag kakasampal sa kanya ng papa nila
"JIA!" sigaw ng papa nila
"Opo"  sabi ni Jia sabay labas ng kwarto. Pinag tatapon naman ni Josh ang medicine kit na nasa tabi niya dahil sa inis.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now