CHAPTER TWO

120 6 0
                                    

Busy sa trabaho si Josh, maraming papers ang kanyang pinpermahan sa opisina niya, tatlong katok bago pumasok si Lester sa opisina niya

"Vice president"
"Mmmm" sagot ni Josh habang nasa papeles ang kanyang mukha
"May ipapagawa ako sayo!" Sabay tingin ni Josh kay Lester
"Ahm mag hanap ka ng potential future wife ko" dugtong niya
"Hmm? Diba ang papa niyo na ang mag hahanap sa inyo?"
"Narinig mo si papa kagabi diba? Sabi niya maghahanap siya ng babaeng kokontrol sakin alam mo namang ayokong kinokontrol ako ng kahit sino! Kaya na isipan kong mag hanap ng asawa ko para di niya na ako mapakasal sa ayaw ko! 1 year? Tama na siguro yun bago natin ipamalita na divorce na kami" nakangiting sabi ni Josh
"So anong plano niyo?"
"Ahh tulad nga ng sinabi ko mag hanap ka ng potential future wife ko, mag pa audition ka or what so ever but don't tell them na ang prize ay maging asawa ako just keep it a secret muna baka bumaha ng mga babae sa building natin. Ahm sabihin mo for my new assistant secretary nalang. And the rest pag usapan nalang natin pag nandyan na ang wife ko" sabi ni Josh nang nakangiti.
"Okay po Vice presiden" sabi ni Lester
"Wait lang. You must keep it a secret gusto Kong mahulog ang panga ni papa pag pinakilala ko na ang asawa ko" ngumiti ito ng nakakaloko habang paalis si Lester sa office niya.

Halos mahimatay si Micaela sa bill ng hospital na babayaran nila wala pa ang mga gamot ni Dave. Sakit sa puso ang sakit ng kapatid niya at dahil wala pa siyang pambayad sa operasyon ng kapatid niya dahil sa malaking halaga ang kailangan nila hindi pa niya ito mapaoperahan kaya pabalik balik sila sa ospital.
"Salamat auntie ha ikaw nagbabantay ngayon sa kapatid ko" sabi ni Micaela sa kausap niya sa kabilang linya
"Okay lang day off ko naman sa trabaho tsaka kailangan mo ring magipon ng pang opera dito Kay Dave"
"Salamat po auntie. Sige po matatapos na po break ko una nako" sabi ni Micaela sabay baba ng tawag. Paglabas niya sa kinainan niyang fast food nakita niya ang papa niya.
"Micaela anak" sabi ng papa niya..

Pumunta sila sa hindi gaanong karaming tao para mag usap.
"Bakit? Bakit kayo nag pakita ulit" tanong ni Micaela habang naka pamiwang at malayo ang tingin
"Anak gusto ko lang na kamustahin kayo ni Dave"
"Nandon parin sa ospital si Dave pa" simpleng sagot niya. Nahahalata naman ni Micaela na may gustong sabihin ang papa niya
"Alam Kong may gusto kang sabihin kaya sabihin niyo na"
"Anak k-kasi Ano,"
"Wag mong sabihin na may utang ka na naman!"
"Anak patawarin mo ko"
"Ha-haha! KAILAN BA KAYO MAG BABAGO! Papa! Nasa ospital ang isa mong anak hindi maoperahan dahil wala tayong pang down payment! Nagawa niyo pang mang utang?"
"Sabi mo gagawan mo ng paraan ang pang opera ng kapatid mo!"
"PA!~ Kahit buong mag damag akong tumayo sa mall hindi ko maiipon ang kakarampot na sweldo ko para Kay Dave!, Pa hirap na hirap na ako pagod na pagod na rin ako!! Gusto ko ng sumuko pero may kapatid pa akong umaasa sakin!!!!" Naiiyak niyang sabi sa papa niya
"Ngayon mo sabihin sakin kung magkano ang utang mo!" Mangiyak ngiyak na si Micaela sa harap ng papa niya
"Anim na milyon!" Sabi ng papa niya , kahit na nakatayo lang si Micaela ay natapilok siya sa panghihina ng tohod. Napapikit si Micaela bago mag tanong ulit
"Ano?" Nanghihinang sabi niya
"Kaya nga nandito ako para sabihin sayo na umalis na kayo ni Dave dito!"
"Ano? Bat ako aalis dito? Hindi kami pwedeng umalis dito dahil sa bills ni Dave sa ospital!!"
"Nalasing ako noon diko alam na ikaw ang idineal ko Kay Mr. Williams-"
"ANO?!!! PAPAAAA!!! Pano mo nagawa yun anak mo ko!" dismayado niyang sabi habang umiiyak ay napahawak nalang siya sa noo niya
"Sorry na anak"
"Anong sorry? Ibibigay niyo ako doon sa pinag kakautangan niyo? Tatay ko ba talaga kayo?" Napa hagulhol si Micaela at napaupo dahil di siya makapaniwala sa ginawa ng papa niya.
Magang maga ang mata ni Micaela na bumalik sa pwesto niya sa mall at wala sa kanyang sarili tumayo sa tabi ng mga cosmetics na benibenta niya.

Inilapag ni Lester ang folder sa lamesa ni Josh listahan ng mga babaeng nag apply
"Ito na lahat yun?" Tanong niya
"Oo. Bukas na bukas nandito na sila para sa interview nila at dapat ikaw mismo ang humarap sa kanila" sabi ni Lester
"Anong oras?" Tanong ni Josh
"9am"
"Okay!" Sabay tayo ni Josh
"Saan po kayo pupunta?"
"Under time?" Nakangiting sabi ni Josh sabay labas sa kanyang opisina.

Nakasakay si Josh sa red Ferrari LaFerrari na sasakyan niya papunta sa hall kung saan gaganapin ang cello concert ng kanyang kapatid napahinto siya sa may pedestrian dahil sa red traffic light at hinintay na makatawid ang lahat. Pasipol sipol pa siyang nag hihitay hanggang sa malapit na makatawid ang iba maliban sa isang naka tayo na parang wala sa sarili niya
"Anong problema niya?" Tanong ni Josh sa sarili kaya binusinahan niya ito at doon lang na taohan napatingin naman si Micaela sa kotseng bumusina kaya nag patuloy na siyang mag lakad sa pedestrian lane pero sa kalagitnaan ng kalsada ay bumigay pa ang takong ng sapatos niya
"Ahhh!!! Ano ba!!!" Sabay iyak niya habang tinitignan ang sapatos niya
"Bat ngayon ka pa na sira?!!! Tsssk!!! Wala na nga akong pera!!" Sabay upo niya sa kalsada at yuko habang umiiyak
"Anong nangyari sa kanya?" Tanong ni Josh, nagulat naman siya sa mga bumusina na sasakyan, biglang nag green light ang traffic light
"Hoyy!! Ano ba dika aalis?" Tanong ng mga driver, napa salubong naman ang nga kilay niya
"Ey! Tik--- malalate ako nito!" Sabay baba niya sa sasakyan niya at lapit kay Micaela
"Miss" tawag niya sabay tingala ni Micaela, inabot ni Josh ang kanyang kamay sa nakaupong si Micaela. Inabot din ni Micaela ang kamay niya kaya naitayo siya ni Josh
"AH!!" Bigla nilang binawi ang mga kamay nila dahil sa kuryenteng naramdaman nila noong hinawakan nila ang kamay ng isa't isa, hinawakan ni Josh ang kamay niya
"Nakakaharang ka sa daan pwede bang tumabi ka nalang muna? Mamaya ka nalang ulit tumawid" Sabi niya, umiiyak parin si Micaela na habang nakayuko
"Sorry po" sabay dampot ng takong niya at balik sa dati niyang dinaanan kaya naka daan na ang ibang sasakyan pati si Josh ay bumalik na sa sasakyan niya, aandar na sana siya pero nakita niya ulit si Micaela na nag lalakad na walang sapatos ang isang papa sabay upo nito sa bus stop habang umiiyak parin
"Ma! bat niyo pinamana sakin pagiging soft hearted mo?" sabay tingin sa langit at npatingin sa isang box na naglalaman ng isang high heels regalo niya para sa concert ni Jia hindi nag dalawang isip at kinuha niya ito sa katabing seat at bumaba ng sasakyan at sinundan si Micaela
"Miss!!!" Sabay lapit niya at lumuhod para mailapag sa sahig ang box na hawak niya malapit sa paa ni Micaela
"Sayo na to, mas kailangan mo to,... tsaka andami na ng sapatos non" sabi ni Josh sabay labas ng Chanel Black And Beige Patent Leather Camelia Strappy Pumps na sapatos
"Hmmm kasya kaya to?" Bulong niya sabay tangal sa isang nakasuot pa na sapatos at pinalitan ng bago
"Sakto, mag ka size kayo ng paa" tahimik lang si Micaela na nakikinig sa mga sinsabi ni Josh sabay tayo niya
"Ibabalik ko nalang to sayo" wala sa sarili niyang sabi sabay lakad palayo
"Okay?" Napakamot si Josh ng ulo sabay alis.



"Kuya Joooooosh!!!!" Sigaw ni Jia habang hinihintay siya ni Josh lumabas sa hall
"Waaaa andito na ang baby girl ko" sabay yakap sa kapatid niya
"Ey!! Sabi ko sayo balang araw magiging Cellist sa buong bansa" sabi ni Jia
"Para sayo" Sabay kawala niya sa pag kakayakap niya sa kuya niya sabay kuha sa bulaklak niya
"Ahm?---" hinanap niya agad kung may iba pang dala si Josh sa kanya at napansin naman agad ito ni Josh
"Ahhh hahaha! Ano kasi ahm yung regalo mo----"
"Hahaha okay lang kuya mura lang naman yun saka may ganung design na ako color white" pamumutol niya sa kuya niya
"Paano mo nalaman?" Gulat niyang tanong
"Ahhh yung Chanel Black And Beige Patent Leather Camelia Strappy Pumps nakita ko kasi sa computer mo habang kumukuha ako ng tape hindi mo kasi binalik sa home hahahaha" sabi Jia
"Ikaw talaga!! Akala ko ma susurprise kita!"
"Tsskk" sabay tawa niya.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now