CHAPTER THREE

105 4 0
                                    

Kahit na hindi na alam ni Micaela  ang gagawin pinilit parin niyang pumasok sa kanyang trabaho para may pangtostos parin siya kahit papano sa mga pang araw araw nilang gastosin.

"Uyy Jaimee totoo ba naka pasok ka sa final interview sa Golden Coin Company?" Tanong nangkatrabaho niya sa mall
"Ahh oo"
"Ano ba inapplyan mo doon?" Tanong naman ng isa
"Secretary ni Mr. Santos daw" simpleng sagot niya
"Talaga? As in Mr. JOSH CULLEN SANTOS? ang VP ng kompanya?"
"Oo sana nga makapasa" sabi ni Jaimee. Biglang pumasok si Micaela at halatang pagod sa kaliwat kanang overtime
"Uyy Micaela alam mo ba final interview na ni Jaimee mamaya sa GCC ?!" Sabi ng katrabaho niya
"Talaga? Mabuti ka pa Ate. Ako ito nag hahanap pa ng partime"
Sabi ni Micaela
"Talaga? Sorry ha wala akong matulong sayo"
"Hindi okay lang ate"
"Wag mo nalang masyadong pagorin sarili mo baka mag kasakit ka" nakangiting sabi ni Jaimee
"Salamat ate" nakangiting sabi ni Micaela, napansin naman ng isang kasamahan nila ang sapatos ni Micaela
"Teka totoong Chanel bayan? Oh My god!! Ang mahal niyan!!" sabi niya sabay tingin nilang lahat sa sapatos na soot ni Micaela
"Ah hindi ko alam eee" napakamot siya ng ulo niya
"Alam mo bang nasa 25 thousand mahigit din yan, kung totoo" sabi ng isa
"Talaga?"
"Papano ka naman makakabili niyan? Ee diba--- sorry ahh pero kasi diba sa ukay ukay mo lang binili yung sapatos mo noon"
"Ano ba kayo-- baka nag ipon si Micaela para mabali yan--- ano namang problema sa mamahaling sapatos na pang trabaho" pagliligtas ni Jaimee sa kanya
"Ahh may nag bigay lang sakin nito noong isang gabi--"
"Oh~ may boyfriend na ata to si Micaela eeee" panunukso nila.


Nag Simula na ang interview nila sa GCC, Halos bente lang ang nakapasa sa screening sa halos isang daang nag padala sa kanila ng resume. Nasa likod si Josh habang si Lester at ang kasalukuyan niyang secretary ang nag iinterview sa mga aplikante. Walang ginawa si Josh kundi hikab at cellphone. Alam ng secretary niyang si Miss Leon ang plano niya kaya hindi siya nag alala, at hindi rin siya basta basta pwedeng tangalin ni Josh dahil limang taon na siyang nag tratrabaho sa kanya at malaki ang tiwala niya sa secretarya niya.
"May batch four pa po Vice president" sabi ni miss Oh
"Kailangan ko pa bang taposin to? May schedule pa ako!" Reklamo ni Josh
"Mr. Santos nandito po ako at hawak ko lahat ng schedule niyo" nakangiting sabi ni Miss Leon
"Fine!" Sabay upo nito.

Tinitignan na isa isa ni Josh ang bawat resume at personal information ng mga babae na tapos na sa interview 

"Ayoko dito, mukha palang party goer na" sabay tapon sa basurahan
"Mmm ang payat niya para siyang sakitin"
"Ayoko sa kanya obvious na nag pagawa ng boobs-- pinakita pa talaga ang cleavage--- akala naman maakit ako dito" sabi ni  Josh
"Mukhang okay naman" sabi ni Lester habang tinitignan ang picture ng babae
"Kailan ka pa naging interesado sa katawan ng babae?" Tanong ni Josh
"Ahm di  naman para sakin para sayo yan Mr. Santos"
"Akala mo mag dadala ako ng babaeng kita ang dibdib sa harap ni Lola? Mabubugbog ako non" sabi pa niya
"Miss Leon wala na ba tayong pwedeng pag pilian dyan?" Sigaw na tanong Kay Miss Leon na busy sa pag compile ng mga folder sa couch
"Ano ba kasi hanap niyo?" Pabalik na tanong nito
"Para may specific na tayong pagbasehan" dugtong ni Lester
"Mmmmm simple lang siya pero may class, gusto kasi ni Lola na maging asawa ko katulad ni mama, matapang, educada, kayang tumayo sa sariling mga paa yung mga ganun"
"Ay Mr. Vice may nakapasa po sa mga standards niyo pero hindi po lahat ng nasa listahan ng standards mo na sa kanya-- simple pero class" sabi ni Miss Leon
"Talaga? Sino?" Sabi ni Josh
"Ito po!" Sabay tayo at lapit niya at inabot niya ang folder
"Yan, kanina habang busy ang lahat siya lang ang tahimik sa kanila, mahinhin siya ng konti pero sir pasado po sa qualifications niyo maganda din ang educational background niya. Same school kayo dati" masayang sabi ni Miss Leon
"Jaimee Cruz?" Basa ni Josh sa pangalan ng babae
"Okay pabalikin niyo siya mamayang 6pm I want to talk to her privately. Make a reservations to our resturant this 6pm Miss Leon and make a contract papers na papapermahan ko sa kanya mamaya" utos ni Josh na agad na sinunod ng kanyang secretary
"Sigurado ka na ba dito Sir?" Tanong ni Lester
"Hindi ko na sana sinimulan to kung di ako sigurado----- Para maunahan ko na rin si papa" nakangiting sabi ni Josh sabay labas ng opisina.

Pumunta siya sa mall kasama ni Lester para mamili ng wedding ring nila habang nag lalakad pinagtitinginan siya ng mga babaeng madadaanan niya...

"Ito gusto ko to" sabi ni Josh turo niya sa isang pares ng singsing
"Okay po sir" sabi ng babaeng bantay
"Teka isat kalahating milyong singsing? ang mahal naman ata niyan para sa pagpapanggap lang Sir" sabi ni Jihoon
"Ano ka ba Les sabi ko tawagin mo ko sa pangalan ko kapag wala tayo sa trabaho at opisina"
"Ahh oo nga pala sorry---- pero bat ang mahal?"
"Syempre kahit na fake lang ang lahat dapat mag mukhang makatotohan para mapaniwala ko sila--- tsaka marami akong pera" sabi ni Josh
"Ito na po ang singsing Sir" sabi ng babae. Kinuha naman ito ni Josh at nilagay sa pocket ng suit sabay soot ng sunglass niya at alis sa shop ng mall.

"Julius sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Tanong ng Lola ni Josh sa kanyang anak na kaharap niya sa lamesa
"Para mag tino na yang apo niyo mama. Hanggat hindi nag aasawa yan gagawa at mapapasok siya sa mga gulo na makakaapekto sa kompanya natin. Nasa tamang edad na rin naman siya" sabi ng papa niya
"E bakit ikaw ang maghahanap? Pwede namang siya?"
"Ako na po mama baka kung sinong babae ang mapulot niya, gusto kong katulad ng mama niya ang mapapangasawa niya at meron na akong nakita. Sa kataposan ng buwan siya dadating dito sa Pilipinas galing France"
"Mmmmm ganun ba? Ano namang ginagawa niya sa France?"
"Nag aaral ng fashion sa France, at business management ang natapos niyang korso sa US" sabi ni Mr. Santos. Hindi na nag salita ang Lola ni Josh at sumang ayon na lang ito kahit na ayaw niya, hindi pa niya nakikilala ang babae pero sa sinabi ng papa ng apo niya ay mukhang educada naman ito.

Malapit na mag alas sais.
"Les ma una ka na sa retuarant at may bibilhin pa ako" sabi ni Josh sabay kuha ng susi ng sasakyan sa bulsa ni Lester
"Teka ako nalang bibili" sigaw niya
"Hindi ako na" nakangiting sabi nito sabay alis papuntang parking lot.

Papaalis na sana si Josh ng biglang may sumulpot na babae sa harap niya kaya nagulat ito at nasagi niya ito at nakitang natumba. Natakot naman si Josh pero binaba parin niya ang babae para tanongin kung anong nangyari
"Miss okay ka lang??" Tanong ni Josh habang hawak hawak niya ang balikat ng babae
"T-tulongan mo ako" sabi ng nanghihinang babae
"Bakit?"
"W-wag mo kong  d-dalhin sa hospital" sabi nito hanggang sa tuloyan na siyang nawalan ng malay.
"Miss! Miss!!" Napansin ni Josh ang Id sa leeg niya kaya tinignan niya ito
"Micaela Suarez?" Basa niya sa pangalan ng babaeng akay akay niya.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now