CHAPTER TWELVE

87 5 1
                                    





Nagising na si Josh pero si Micaela ay natutulog parin sa sala. Bago siya pumunta sa kusina ay kinomotan niya muna si Micaela, nakita niya ang dalawang tasa na naiwan sa lamesa sa kusina nagtaka siya kung sino ang gumamit sa mga tasa pero hindi niya na ito pinansin. Hindi pa nagigising si Micaela ay umalis na si Josh kasama si Lester
"Makipag bati ka na Kay Micaela, di niya deserve na di mo siya pansinin" sabi ni Lester Kay Josh na abala sa mga pinipermahan niya
"Mag babati rin kami" sabi ni Josh
"Kailan pa? Alam mo suyuin mo siya, masakit yung mga pinagsasabi mo sa kanya kesa sa sampal niya sayo. Pano nalang kung mag back out talaga yun sa kontrata niyo edi sira ang plano niyo na hanggat di pa naniniwala ang papa mong nag bago kana para hindi kana ipakasal sa iba tsaka ikaw na nag sabi, binigyan mo siya ng credit card pero hindi niya to ginagastos basta basta kaya Mali na tawagin mo siyang gold digger" paliwanag ni Lester. Natigilan sa sinabi ng kaibigan niya si Josh
"Sa tingin mo?" Tumango naman si Lester
"Kung gold digger yun, tinakas na niya ang card na pinahiram mo sa kanya. Mag pa background check pa ako ee ano?"
" Anong gagawin ko?" Tanong ni Josh



"Ang lungkot naman kumain ng mag isa dito" sabi ni Micaela habang naka harap sa hapag. Naisip niya na dalhin lahat ng pagkain at doon sa mansyon nila Josh siya mag luto at kumain kasama si Madam Santos. Sa pag punta niya kasama niya na si Miss Tin.



"Ang dami naman ata ng lulutoin mo" sabi ni Madam Santos Kay Micaela na abala sa pag hihiwa ng mga lulutoin niya
"Alam niyo po madalas pong lutuin ni mama ang curry sakin noong bata pa po ako tsaka masarap po to pag sinamahan niyo ng seaweeds" nakangiting sabi ni Micaela
"Talaga ba? Ayyy gusto ko ng tikman ang luto mo iha" masayang sabi ni Madam Santos. Habang hinahanda ang hapag na pagkakainan nila nag presenta si Micaela para umakyat sa kwarto ni Jia at ayain para kumain. Naka bukas ang pinto at kakatok na sana siya sa pintoan pero narinig niya ang pag uusap ni Jia at ng kausap niya sa phone
"Wag muna natin sabihin Kay Papa yung tungkol satin Dan--- alam mo naman na tutol si Papa satin, ayokong mawala ka sa kin" sabi ni Jia
"Sige mamaya mag kikita tayo hahanap lang ako ng tyempo, sa park nalang tayo mag kita" sabay baba ni Jia ng phone at nakita niya si Micaela sa labas ng pinto niya
"Teka? Kanina ka pa?" Takot na sabi nito
"Mmmmm" tumango ito habang papasok sa kwarto ni Jia
"Susumbong mo ko Kay papa no?"
"Boyfriend mo?" Tanong ni Micaela pero hindi nag salita si Jia
"Bakit ko naman isusumbong? Kalayaan mo yang mag mahal kung sino ang mamahilin mo kung sino ang gusto mong maging boyfriend" sabi ni Micaela, napangiti naman si Jia sa sinabi niya
"Hindi mo ko isusumbong?" Paninigurado ni Jia
"Hindi kaya wag kang mag alala---- nga pala halika sa baba may niluto ako" sabi ni Micaela...
Sabay na bumaba sila Micaela at Jia papuntang dining room. Kumain sila ng sabay sabay hanggang sa dumaan ang papa ni Josh at niyaya nilang kumain pero hindi sila pinansin.
"Ate" tawag ni Jia habang umiinom silang dalawa ng tsaa
"Ate tulongan mo naman ako oh" sabi ni Jia
"Bakit? Ano yun?"
"Magkikita kami ni Dan mamaya isama mo ako sa pag uwi mo sabihin natin na mamasyal tayo" bulong niya
"Ginawa mo pa akong sinungaling" pabulong na sabi ni Micaela.
"Ate~ sige na please. Ikaw na nag sabi na ipag laban ko to"
"Wala akong sinabing ganyan"
"Yun narin ibig sabihin na may kalayaan akong mag mahal" pamimilit ni Jia kaya walang nagawa si Micael kundi pumayag sa gusto ng bata at tagumpay naman siyang naitakas ni Micaela sa mansyon
"Umuwi ka ng maaga okay? Ipapasundo kita sa driver"
"Wag na Ate tatawagan ko nalang yung driver ko para kunin niya ako" sabi ni Jia. Biglang dumating ang boyfriend niya
"Jia" malaki ang ngiti ng binata noong tinawag niya si Jia
"Dan!" Sabay takbo ni Jia at yakap
"Uy! Teka lang!" Sabay hugot ni Micael kay Jia
"Ate?!"
"Dan pangalan mo?" Tanong ni Micaela
"O-opo"
"Okay Dan, ingatan mo tong si Jia gawin mo tong reyna kasi prinsesa na siya ng kuya at papa niya kaya kung sasaktan mo siya! Humanda ka ako bobogbog sayo okay?!" Pang babanta ni Micaela
"O-opo p-promise" sabi ni Dan
"Bagay kayo kaya ingatan mo siya---- sige na aalis na ako mag date na kayo, sulitin niyo yung araw ngayon ha!"
"Opo" sabi ng dalawa sabay alis ni Micaela
"Ate!" Napalingon naman si Micaela Kay Jia sabay yakap ni Jia
"Thank you" nakangiting sabi ni Jia
"Masaya rin palang may Ate" dugtong pa niya...





Maagang umuwi si Josh at may dalang pinamili galing grocery. Mag t-try kasi siyang mag luto para Kay Micaela para makabawi, naabotan naman siya ni Micaela na nag luluto pinapanood niya lang ito hanggang sa lalagyan na sana ng mani ang soup na ginagawa ni Josh
"Wag!" Sabay lapit niya Kay Josh at hawak sa mani
"Micaela?" Tinignan niya ang mani
"Bakit?"
"Allergic ako sa Mani" sabi niya
"Talaga? Itapon nalang natin to" sabi ni Josh sabay tapon sa trash bin
"Ano ba kasing ginagawa mo?" Tanong ni Micaela
"Obvious ba? Nag luluto ako" sabi niya habang nakatingin sa niluluto.
"Para sakin?" Tanong niya
"Para kanino pa?" Simpleng sagot ni Josh
"Patikim nga!" Sabay tikim ni Micaela.

*mga lamang dagat nalang ang kulang para maging dagat to*

sabi ni Micaela habang pilit na nilulunok ang sabaw na hinigop niya
"Ahahaha ang sarap naman pwede kang maging Chef!" Pag sisinungaling ni Micaela
"Talaga?" Pinipigilang ngumiti ni Josh dahil masaya siya na nagustohan ni Micaela. Tinulongan niya si Josh na mag luto ng ibang kakainin nila. Habang hinihintay nilang maluto ang iba nag karoon si Josh ng lakas ng loob para makapag sorry siya Kay Micaela
"Sorry" simpleng sabi niya habang hinahanda ang soup nila. Tinignan naman ni Micaela si Josh
"Alam kong Mali yung sinabi ko sayo at nasaktan ka, sorry kasi sinabi ko yun sayo tama ka hindi pa nga kita masyadong kilala"
Paliwanag ni Josh
"Kalimotan mo na yun, wala na yun kakalimotan ko nalang ang mga sinabi mo sakin" sabi ni Micaela
"Hiling ko rin na sana mas lalo pakitang makilala di bilang Mrs. Santos kundi bilang Micaela Suarez na" nakangiting sabi ni Josh, napangiti naman siya sa sinabi ni Josh sa kanya.
Sabay silang kumakain at ang unang tinikaman ni Josh ay ang soup na niluto niya
"Pwe! Pwe! Ang alat" nagulat si Micaela sa ginawang pag dura ni Josh
"Sabi mo masarap?" Tanong ni Josh
"Ahh kasi ahm m-mahilig ako sa maalat haha" naiilang ma sabi ni Micaela..




Tanaw nila ang mga umiilaw na building, kotse at poste sinamahan pa ng mga bituin na napaka rami sa langit habang iniinom nila ang beer na nasa lata.
"Mmmm kaya ayon pinalayas ako ni papa kasi muntik kong masunog ang cr ng school namin dahil sa prank na yun" natatawang sabi ni Josh at natawa rin si Micaela sa kwento niya
"Pasaway ka talaga kaya ka napapalayas ee" natatawang sabi niya
"Ikaw naman mag kwento about sa papa mo kanina pa ako" sabi ni Josh
"Ang papa ko? Hmmm hindi ka maniniwala pero nag papakita lang yun sakin pag kailangan ng pera pang sungal, hindi man lang niya na isip si Dave" naisip lang niya ang kapatid niya biglang napuno ng luha ang mata niya
"Sorry haha ganito lang talaga ako pag naiisip ko kapatid ko" sabi niya
"Hindi okay lang, bakit anong nangyari sa kapatid mo? Is he gone?" Tanong ni Josh
"Hindi at sana hindi pa siya kunin sakin, siya nalang natitira na meron ako" sabi ni Micaela
"Kaya minsan umaalis ako kung hindi kila Lola sa ospital ako mag hapon para bantayan si Dave, and yung mga nagagastos ko galing sa card na pinahiram mo sakin binibilhan ko siya ng mga gusto niyang kainin.... alam mo ba ngayon ko lang siya nabibilhan ng masasarap na pag kain kasi yung sweldo ko puro napupunta sa bayarin sa ospital" nagulat si Micaela sa ginawa ni Josh, hinawakan ni Josh ang kanyang ulo sabay pat nito
"Napaka galing mo, napaka responsable mong ate, kaya proud ako sayo" nakangiting sabi ni Josh habang hinihimas ang gilid ng buhok ni Micaela, napuno ng luha ang mga mata niya dahil sa sinabi ni Josh.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now