CHAPTER SEVEN

90 4 0
                                    



"Kainlangan pa ba talaga to?" Tanong ni Micaela
"Naman! Dapat kang turuan ng table manners, nakasuot ka na ba ng heels? Kung hindi mag practice ka, kailangan mo ring ayusan tignan mo ang mukha mo, hindi sila maniniwala na asawa kita pag ganyan mukha mo. Tsaka si Miss Tin na ang bahala sa lahat patungkol sa mga girls stuff pero bagay sayo ang mga light and medyo dark na color kasi morena ka. Tsaka ihanda mo na sarili mo sa mga malalaking event kasi ngayong maheheadline tayo bilang mag asawa maraming invitations ang matatanggap natin. Teka marunong ka ba ng English?" Tanong ni Josh
"Mmm medyo--"
"Okay na yan" pamumutol ni Josh
"Teka kailangan ba talaga yun?" Sabi ni Micaela
"Bakit? Suko ka na?"
"May sinabi ba ako?"
"Okay may trabaho pa ako kaya bye my wife" panunukso nito, akmang lalapitan siya ni Josh at yayakapin
"Hoy! No touch remember?" Sabay ekis ng kamay nito sa katawan niya
"I'm just kidding!Chill!!" Sabi ni Josh sabay kindat at alis.





Nag Simula na sa make over at kung ano ano pa ang sinabi ni Josh para maging kapanipaniwala siyang asawa niya talaga si Micaela at kahit pasuko na sa mga hirap ng tinatawag niyang training ay kinakaya parin niya ito dahil limited lang ang oras niya. Nasa condo unit siya na pag mamay ari nila Josh nakatira hindi muna sila pwedeng mag sama at baka may makahalata. Walang magawa si Micaela sa loob ng condo unit niya at miss na miss niya na ang kapatid niya ilang araw niya na itong hindi na kakasama. Tinawagan niya si Josh para mag paalam na kung pwedeng lumabas siya kahit saglit sa condo
"Kahit isang oras lang!" Pamimilit ni Micaela
"Hindi nga pwede. Baka may makakita sayo!" Sabi ni Josh
"Sige na nababagot na ako dito! Tsaka wala pa akong magawa mamaya pa lessons ko makalanghap lang ako ng sariwang hangin puro aircon nalang nasa baga ko" pamimilit niya
"Isang oras?"
"Ha? OO OO isang oras!!!"
"Okay mag pasama ka Kay miss Tin"
"Teka i-isang favor pa" nahigiyang sabi niya
"Ano?"
"Baka naman, pahiram ng pera kahit kunti lang babayaran kita promise"
"Hahahaha"
"Bat ka tumatawa?"
"E kasi sakin kalang naman nag tratrabaho saan ka kukuha ng pamabayad ng inutang mo sakin?"
"Pag tapos ng kontrata mag hahanap agad ako ng trabaho babayaran kita!" Sabi niya
"Hahahaha well mayron ka ng Credit card  kunin mo nalang Kay Miss Tin"
"Talaga?" Lumiwanag ang mukha ni Micaela sa narinig niya
"Mmmm magagamit mo lang yun through may consent"
"Okay lang deal! Pero teka kasama na bayan sa anim na milyong bayad mo sakin?"
"Nope. Baka kasi sabihin mo pag divorce na tayo eee tinitipid kita kaya parang allowance mo nayan" sabi ni Josh
"Oh ? Hahaha waaaaa salamat Mr. Santos!!"
"Josh! Honey,.darling o sweetheart,.... mag practice ka pa nga!" Sabi ni Josh
"Josh  lang pag tayo lang nag uusap!"
"Sige na pupunta na ako sa Meeting ko!" Sabi ni Josh sabay baba niya ng phone.



Balot na balot si Micaela na nag punta sa grocery store para mamili ng pagkain ng kapatid niya na nasa hospital.
"Bakit po tayo nag gro-grocery Miss Mica?" Tanong ni Miss Min
"May pag bibigyan lang ako" sabi ni Micaela. Nakarating sila sa hospital kung saan na ka confine si Dave hindi niya na pinasama sa loob si Miss Min at pinaghintay nalang sila ng driver sa parking lot.




"Micay!!! Ilang araw ka nang hindi nag paramdam sa amin. Saan ka ba nag punta?" Tanong sa kanya ng auntie niya
"Auntie kayo muna bahala Kay Dave ha, nag hahanap po ako ng trabaho papadalhan ko rin kayo ng pera pag mayroon nako. Wag kayong mag alala sakin" sabi niya.
"Teka parang mamahalin yata ang damit mo, bakit parang ang dami mo ring pinamili?" Pagtataka ng auntie niya
"Saka ko na po ikwekwento pag nabayaran ko na ang utang ni papa" sabi ni Micaela. Bago siya umalis ay binayaran muna niya ang hospital bills ng kapatid niya.




"Ang laki naman ng ginastos niya" sabi ni Lester kay Josh
"Bakit?" Tanong ni Josh
"Hindi ka nag tataka?" Tanong ni Lester
"Pwede ko naman siyang tanongin mamaya pag dating niya"
"Well, teka black card ba yung pinahiram mo?" 
"Hindi baka itakas niya pa" natatawang sabi ni Josh
"Magiging asawa mo yun pero wala kang tiwala? Tsaka mukhang mabait naman si Miss Micaela ah?"
"Well di pa natin masasabi kung ganun nga. Nga pala asan na ang mga pinahanda kong papers para sa fake marriage namin?"
"Naka file na lahat. Ready na ang lahat tsaka mukhang ready na rin si Miss Micaela" sabi ni Lester
"Ah nga pala yung inorder mong wedding ring dadating bukas, mukhang may naririnig na akong mga wedding bellls ahh!" dugtong ni Lester
"Sira! Pag kasoot namin ng singsing yun na yun, ayukong masira kasal ko no... ang ihaharap ko lang sa altar ay ang taong mahal ko"




Nasa pent house si Miss Tin para mag report kay Josh kung Ano ang ginawa ni Micaela noong araw na yun at kung bakit malaki laking pera ang nilabas niya
"Ospital? Anong ginagawa niyo don?"
"Hindi ko po alam VP. Hindi niya po kami pinasama sa loob bago nun nag grocery pa kami at may binili pa siya stuff toy"
"Ganun ba? Wala naman siyang kakaibang kinikilos?"
"Wala naman po sir"
"Ahh nga pala ready na ba talaga siya?"
'Yes sir, mabilis siyang matuto sir hanga ako sa kanya" nakangiting sabi niya
"Pwede mo na siyang balikan doon sa condo niya" sabay bow ni Miss Tin.


Matutulog na sana si Josh ng makatanggap siya ng tawag mula sa kanyang ama.
"Pa?"
"Pumunta ka dito bukas, dito tayo mag dinner"
"Bakit po?"
"Mmmm dumating na ang mapapangasawa mo" masayang sabi nito
"Ha?"
"Mag pahinga kana" sabay baba ng tawag.



Kinabukasan pinatawag niya lahat ng security, mga babaeng katulong secretary, si miss Tin  at si Lester
"May mahalaga akong sasabihin sa inyo may bagong titira na sa bahay nato, makakasama ko na ang asawa ko dito sa bahay makikilala niyo siya soon ingatan niyo rin please ang asawa ko" sabi niya sa mga taohan niya. Gulat ang lahat maliban sa tatlo si Secretary Oh si Miss Tin at si Lester dahil alam nila ang plano ni Josh.


Habang nag lalakad sa walk in closet niya si Josh at namimili ng susuotin niya mamaya, kinausap niya ang tatlo na sumusunod sa kanya
"Miss Tin ikaw na bahala mag ayos sa Miss Micaela mo"
"Opo sir"
"Ikaw naman Miss Leon  tawagin mo mga kilalang reporters papuntahin sila sa bahay mamaya"
"Yes VP"
"At ikaw naman Lester" tumigil si Josh sa pag lalakad at humarap sa kanila
"Importante ang gagawin mo" seryusong sabi niya
"Ikaw ang magiging driver namin"
"Tssk akala ko kung anong importante" sabi ni Lester
"Opo" simpleng sagot niya
"Ipa convoy mo nalang security team mo satin mamaya" patuloy na sabi ni Josh habang pinipigilan ang tawa sa reaksyon ni Lester.

Hinahanda na si Micaela ng mga personal stylist niya. Naka ilang palit rin siya ng damit na babagay sa kanya. Di nag tagal ay naka pili na sila ng isosuot ni Micaela , isang simpleng light pink dress na may hand made plain embroidery at light pink pointed stiletto heels may white hand bag pa ito na terno sa suot niya. Light make up lang rin ang nilagay nila sa mukha ni Micaela na bagay sa skin color niya, medyo may pag ka light pink ang lipstick na ginamit sa kanya.
"Ang ganda mo ma'am!"
"Oo nga, bagay kayo ni VP"
"Natural lang mukha niyo ma'am? O may pinagawa?"
"Ahh hindi wala akong pinagawa" nahihiyang sabi niya
*wala na ngang makain tapos mag paparetoke pa ko* sabi niya sa sarili niya
"Tigilan niyo na si Mrs. Santos" sabi ni Miss Tin
"P-po? Mrs. Santos?" Nagulat niyang tanong Kay Miss Tin, nag si alisan naman ang tatlong babaeng tumulong mag ayos sa kanya
"Ahh opo Mrs. Santos yun kasi sabi ni VP---- hindi pa po ba kayo komportable?" Sabi ni Miss Tin
"Ahh haha medyo. Pero okay lang po"
"Hali na po kayo hinihintay na po kayo sa labas ni VP" sabi ni Miss Tin.

Nasa kwarto pa niya si Josh at may kinuha, nadatnan niya lang sa sala si Lester na nakatayo. Napansin naman niya sabay abot ng box ng singsing
"Ang ganda, halatang halatang mamahalin" sabi niya
"Isuot niyo na po yan at palabas na rin si VP" sinunod naman ni Micaela ang utos ni Lester, mayamaya lang ay lumabas na si Josh sa kwarto niya
"Ready kana?" Tanong niya
"Mmmm" simpleng sagot ni Micaela habang nakangiti
Lumapit si Josh at hinawakan ang kamay ni Micaela habang naka tingin at naka ngiti ito
"AH!!" Sabay bitaw nila sa mga kamay nila dahil sa kuryente
"Woa? Weird parang naramdaman ko na to" sabi ni Josh
"Teka? Nakuryente po ba kayong dalawa nong hinawakan niyo kamay ng isa't isa?" Tanong ng isang katulong
"Ibig sabihin niyan may spark kayong dalawa" kinilig naman ang lahat bukod kay Miss Tin na nag pipigil.
Habang nasa byahe sila hindi maiwasan na makita ni Micaela ang singsing na na soot ni Josh at singsing na na soot niya pero ang mas nanaig sa kanya ay ang kaba niya. Napasin ito ni Josh
"Okay ka lang?" Tanong niya
"Kinakabahan ako, ngayon ko nalang to naramdaman simula ng president school election" hinawakan ni Josh ang kamay ni Micaela
"Okay lang yan, di ka naman kakainin nila Lola" nakangiting sabi ni Josh
"Ito para nga pala sayo" sabay pakita ng kwintas
"Suot mo yan para bumagay sa ayos mo ngayon" habang sinusuot ni Josh ang kwintas kumabog ng napakalakas ng dibdib ni Micaela  na halos marinig na ito
"Ang ganda mo ngayon" sabi ni Josh sabay ngiti at tingin sa bintana ng kotse. Napatingin naman sa salamin si Lester
*Tama ang ganda mo nga* sabi niya sa isip niya...

Married To A Stranger (SB19JOSH) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon