CHAPTER TEN

86 5 3
                                    

Matapos na dalawin ni Micaela ang kanyang kapatid sa hospital, gaya ng utos ni Josh umuwi agad ito sa penthouse niya at nakatulog sa kwarto ni Josh. Madaling araw na nakauwi si Josh galing sa opisina niya at diretso sa kwarto niya at nakita niya doon si Micaela na mahimbing na natutulog,.... tinignan niya muna ito sandali at Inayos ni Josh ang kumot ni Micaela. Nakangiti lang siya habang tinititigan ang tulog na si Micaela at nakita naman ito ni Lester na papasok sana dahil may sasabihin sana siya.



Nag uusap ang dalawa para sa dadaluhan nilang party habang kumakain ng agahan
"Mamaya sa party pag inaya ka ng mga asawa ng mga  business partners  ko na sumama sa kanilang sisterhood, wag kang sasali" sabi ni Josh
"Bakit naman? Masaya naman ata yun"
"Hindi yun masaya, dadalhin ka nila sa ibat ibang event at mag lalabas ng malalaking pera mauubos ang six million mo!"
"Bakit? Saan ba nila yun ginagamit?"
"Pinang susugal" sabi ni Josh
"Ano? S-sugal?"
"Mmmm, kung gusto mong sumalibsa mga ganyan mabuti pang ka Mrs. Wu nalang... maraming charity yun edi may saysay pa yung pag wawaldas mo ng pera diba"
"Wala naman akong pera sa ganyan no mas importante pa yung six million ko"
"Mmmmm, well----formal party yung pupuntahan natin kaya mag ingat ka sa mga saaabihin mo, ngumiti ka lang and as much as possible lumayo ka na kung di ka na komportable"
"Oo"
"Paki tawag si Miss Tin" utos ni Josh.






Nasa party na sila at binati nilang dalawa ang mga taong lumalapit sa kanila. Ngiti dito ngiti doon, kahit na na bored na siya sa party nayun dahil wala naman siyang alam sa nga usapang malalaking business tiniis niya, gusto niya munang umalis sa mga nag yayabangan sa kanilang pera kaya nag paalam muna si Micaela na umalis. Mayamaya dumating si Emelia sa party at diretso kay Josh



"We meet again Vice president of GCC Mr. Santos" sabi ni Emeila
"Miss Luis, kamusta?" sabi ni Josh
"Okay lang naman ako, naisip kong ipa cancel ang meeting natin kasi gusto ko dito tayo mag usap about business" sabi ni Emelia
"Wag muna tayong mag usap ng business natin dito masayang gabi to let's just have fun tonight" sabay cheers niya sa baso ni Emelia
"Asan na pala ang asawa mo?" Tanong ni Emelia.




Napadaan naman si Lester sa may pool at nakita niya roon ang nag iisang si Micaela
"Bat wala ka sa loob?" Tanong ni Lester
"Mmmm ang daming tao, di ako sanay makipag socialize tsaka baka painomin ako ng madaming wine don malasing pako!" Sabi ni Lester
"Ito hindi na kakalasing yan" sabay abot ni Lester ng soda
"Mayron palang soda dito?" Nakangiting sabi ni Micaela
"Mmmm nasa kusina, humingi ako bawal kasing uminom ipag dridrive ko pa kayo mamaya" napansin na giniginaw si Micaela kaya binigay niya yung blazer ng suit niya sa kanya. Natahimik ng sandali si Micaela.
"Ilang taon ka ng nag tratrabaho Kay Josh??" Tanong niya
"Mmmmm Simula noong 18 pa ata ako, papa niya nag papaaral sakin nakatapos naman ako salamat sa kanila"
"Talaga? Sana lahat nakapag tapos"
"Bakit ikaw?"
"Mahirap lang kasi kami noon hanggang ngayon naman, mmm first year college lang ako so ayun sales lady ang bagsak ko"
"Bakit? Marangal na trabaho naman yun ah"
"Oo nga, pero di naman sapat yun para sa kailangan kong malaking pera"
"Bakit?" Tanong ni Lester, biglang tumawag si Josh Kay Micaela  at agad namang sinagot hinahanap na ito ni Josh at pinapapunta na sa loob. Nag mamadaling pumasok si Micaela sa loob pero nakalimotan niyang isuli ang blazer  ni Jihoon
"Teka" tumigil si Lester sa paglakad paalis
"Yung blazer mo" sabay abot ni Micaela ng nakangiti.





Nakarating na si Micaela sa loob at lumapit agad Kay Josh
"Saan ka ng galing?" Tanong ni Josh
"Sa may pool lang"
"Wag ka ng mawawala sa paningin ko ha" sabi ni Josj ngumiti naman si Micaela sabay tango.
"Siya pala ang asawa ko" pakilala niya sa iba pang mga business man.
Habang pinapakilala ni Josh si Micaela naka isip si Emelia para mapahiya si ang dalawa nilapitan niya muna si Micaela at kinausap
"Emelia Luis ng Luis Company" pag pa papakilala niya sabay abot ng kamay
"Ahh nice to meet you" nakangiting sabi niya
"Alam mo gusto ko ng drinks can you get me one? Hindi kasi ako umiinom kaya wala akong alam sa alak ikaw ba?" inosenteng sabi ni Emelia
"Kunti lang ang alam ko pero sige baka may alam akong alak doon" sabay alis niya may kinuntsaba naman ni Emelia para patirin si Micaela pagdating sa buffet. Malapit na siya sa buffet at sinenyasan niya ang kanyang kinutsaba na patirin si Micaela at nag tagumpay si Emelia, natumba si Micael at nahila ang kurtina ng lamesa kaya natapon ang mga pagkain at naligo siya sa mga alak. Lahat ng atensyon ay nasa kanya, lumapit si Josh sa mga nag kumpolang tao at nakita niya si Micaela nakatayo at naliligo sa pag kain at alak. Napakunot ang kilay ni Josh sa pag kakita niya Kay Micaela
"Ano ba yan ang clumsy naman ng asawa ni Mr. Santos mabuti nalang di natin niyaya sa sisterhood natin madam" sabi ng isa at narining yun ni Josh
"Nakakahiya" sabi ng iba. Umuwi silang dalawa at mainit ang ulo ni Josh habang si Micaela ay nakasunod lang sa kanya.
"Pinahiya mo ko sa party!! Bakit di ka nag iingat? Sabi ko sayo diba ingatan mo mga kilos mo!"  Galit ni Josh
"S-sorry... Hindi ko naman sinsadya na mapatid ako"
"Akala mo ba binabayaran kita para magpaka tanga sa harap nila! Hindi ko nilulustay ang pera ko para ipahiya mo ko!"
"Hindi naman kita pinahiya!  aksidente lang  naman yung nangyari"
"Palibhasa hindi mo to seneseryuso kasi pera lang gusto mo!" Nag iba ng ang mukha ni Micaela at nasaktan ito sa sinabi ni Josh 
"Ano?"
"Diba pinapadagdagan mo ang ibabayad ko sayo for what?  Ha? Para masunod luho mo? Aminin mo na wala ka ring pinag kaiba sa mga gold digger!" At biglang nakaramdam ng init sa mukha si Joh dahil sa isang malutong na sampal ni Micaela.
"Hindi mo ko kilala para pag sabihan mo ko ng ganyan! Wala kang karapatan para sabihan mo ko ng kung ano ano, kung ayaw mo mag lustay ng pera sana pinakasalan mo nalang yung gusto ng papa mo!"
"How dare you para sampalin mo ko! Wala kang karapatan!"
"May karapatan ako!!! Dahil sinaktan mo rin ako!!! Mabuti nga sayo mawawala din yan! Ee yung pang mamaliit mo sakin hindi!!----- ayuko na di ko na itutuloy to! Mas titiisin ko nalang na mag trabaho sa mall at mag kanda kuba-kuba sa pag tra-trabaho para makaipon ako basta ayuko na!! Sawang sawa na ako sa pang mamaliit niyong mga mayayaman!!!!---- i quit!!!"  Umiiyak ng umalis si Micaela at iniwan sa loob ng pent house si Josh.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon