CHAPTER FOURTEEN

82 4 1
                                    


Makalipas ang dalawang buwan nag hahanap parin sila ng Donor ni Dave para maoperahan na pero wala pang nag mamatch sa kanya, mas lalo na ring ginigipit ni Mr. Williams si Micaela sa amin na milyong utang niya.




Dala dala ni Micaela ang pera papunta Kay Mr. Williams siya lang mag isa ang nag punta
"Ito na pera mo!" Sabay lapag ng suit case
"1millon paunang bayad!" Sabi ni Micaela. Tahimik lang habang nakangit si Mr. Williams
"Hahahaha, masyadong akong matagal na  nag hintay sa 1millon kaya ang natitira mong utang  buo mong babayaran sa isang buwan!" Sabi ni Mr. Williams
"Ano? Wala akong pagawaan ng pera"
"Manghingi ka sa asawa mo"
"Hindi ATM machine ang asawa ko!"
"Mag hanap ka ng paraan hindi ko na problema yun, pag hindi mo nabayaran ng isang buwan ang utang mo gagawi na talaga kitang pang apat na asawa ko!"
'May asaw---"
"Wala akong paki alam!" Sigaw ni Mr. Williams
"Tandaan mo yan! napaka iksi lang ng pasensya ko Micaela!!!-- sige paalisin mo na" sabi ni Mr. Williams sa mga taohan niya..




"Pera ang hiningi ni Micaela hindi cheque?" gulat na tanong ni Lester
"Hindi ko siya maintindihan, ewan ko bakit.... gusto kong malaman,... Les paimbestigahan mo nga parang may mali kasi" sabi ni Josh habang nakasalubong ang mga kilay niya.




Malalim ang iniisip ni Micaela ng bumalik sa pent house ni Josh at naka salubong niya si Lester
"Micaela ? Saan ka galing?" Tanong niya
"H-ha? Ano m-may pinuntahan lang ako"
"Okay ka lang?"
"M-mag papahinga lang ako" sabay sakay ng elevator..
"Anong nangyari Kay Micaela?" Tanong ni Lester Kay Josh habang nakaupo
"Bakit? May nangyari ba sa kanya?" Pabalik na tanong ni Josh
"Para kasi ang lalim ng iniisip niya habang nag lalakad kanina"
"Talaga?"
"Baka may kinalaman ang isang milyon" sabi ni Lester Biglang may pumasok na taohan ni Josh at halatang may masamang dalang balita
"Sir may mga nag proprotesta po sa labas"
"Ano? Anong dahilan nila?"
"Sir hindi daw nila nakuha ang dalawang buwanng sweldo nila"
"Ano? Sa anong branch?"
"Sa pangalawang branch po"
"Nag hulog na ako ng pera para sa kanila ah! May penermahan ako! Asan si Manager Son?"
"Hindi na po ma hanap at ma contact"
Samantala nasa tagong lugar si Emelia at ang tinatawag nilang manager Son nag uusap
"Ayan 2 million umalis ka na agad sa Pilipinas  at dalhin mo narin ang pera na sweldo ng mga empleyado. Wag ka ng magpapakita!"
"Opo" sabay alis ni manager Son




"Wala na si Manager Son naka alis na siya ng bansa, trina-track pa namin siya" sabi ni Lester
"Pano nangyari yun!" Sigaw ni Josh
"Hanapin niyo siya at siguradohin niyong makukulong siya!" Utos ni Josh..
Umuwi ng problemado si Josh sa bahay nila, tinanong ito ng Micaela at nag simulang mag kwento, habang nag uusap sila tinawag ni Miss Tin ang dalawa para mapanood ang balita
"Ito po yung balita" sabay bukas ng TV ni Miss Tin




"Kalat sa social media ang fake marriage ng may ari ng pinaka malaking kompanya sa bansa, ang Golden Coin Company na si Vice president Josh Cullen Santos at ang asawa niyang si Micaela Suarez kasabay sa pag potok ng balitang ito ay ang mga nag proprotesta sa labas ng kompanya kanina dahil hindi sila pinag sweldo ng dalawang buw--" pinatay ni Josh ang TV at nakatanggap ng tawag mula sa kanyang ama at pinapapunta silang dalawa agad agad..




"Nagawa mo pa talagang mag hire ng magiging asawa mo!" Galit na sabi ng papa niya
"Ikaw? Magkano ang binayad sayo ng anak ko" hindi sinagot ni Micaela ang tanong
"Ang kapal ng mukha mo! Wala ka bang kahihiyan at pumapayag kang rentahan para maka tabi lang ni Jo----!"
"PAPA!!" Sigaw ni Josh, sa takot ni Micaela ay napapaiyak nalang siya sa likod ni Josh at sumulyap sa umiiyak na si Madam Santos dahil sa pag ka dismaya
"Bakit? Hindi ba TOTOO! ikaw babae kung may kahihiyan ka pa sa katawan mo, umalis ka ng tahimik at wag ng magpapakita" walang nagawa si Micaela kung di umiyak lang sa harapan nilang dalawa
"Ako lang may karapatan na magtanggal sa kanya!"
"Dahil ikaw ang nag hire sa kanya? Pinapahiya mo ang kompanya ko! Ang pangalan natin!
Hindi ko akalaing magagawa mo ang ganitong  ka cheapan  na bagay na to para hindi lang makasal sa gusto ko"




Habang pauwi ang dalawa at nag mamaneho si Josh iyak ng iyak naman si Micaela. Hinawakan ni Josh ang kamay niya at tinignan niya si Josh sabay sabing
"Wag kang mag alala hindi ka alalis sa bahay maooperahan din ang kapatid mo" paningurado nito.





"Siguradong nag kakagulo na lahat sa GCC, hihintayin ko nalang ang perfect timing para pumasok sa eksena" natatawang sabi ni Emelia sabay inom ng wine niya habang nanonood sa TV ng balita at meron pang binabasa ma article sa tablet niya.




"Mag papatawag ba kami ng press conference bukas?" Tanong ni Lester
"Wag muna, yung sa kompanya muna ayusin natin,... hindi pa handa si Micaela mag iisip din ako ng pwedeng palusot" sabi ni Josh
"May board meeting ka bukas bago ko makalimotan na sabihin sayo"
"Mmmm" simpleng sagot ni Josh.
Nakalimotan ni Josh na natutulog pala si Micaela sa kwarto niya at hihiga na sana siya
"Nakalimotan ko saglit si Micaela" bulong niya, umupo si Josh sa upuan katabi ng kama niya kung saan nakaharap si Micaela at tinitignan lang niya itong matulog hanggang siya rin ay nakatulog sa upuan niya. Mayamaya nagising si Micaela at nakita si Josh na nakatulog na sa upuan niya kaya kinuha niya ang kumot at nilagyan si Josh.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα