CHAPTER EIGTHTEEN

87 5 1
                                    



"Gumising ka bata!" Sabay tapik ni Emelia sa batang walang Malay
"Mahina na po ang pulso niya" sabi ng alalay niya
"Anong gagawin natin?" Tanong ng taohan niya
"Dalhin mo sa hospital!" Sabi ni Emelia
"Pano kung mahuli ako!"
"Iwan mo sa pinagkunan mo sa kanya na ospital. Wag kang tatanga tanga para di ka mahuli!--- aalis na din muna ako dito sa pilipinas baka mahuli ako!!!"
Sabi ni Emelia, sinunod naman ng taohan niya si Emeila at iniwan niya ang bata sa tapat ng ospital mabuti nalang at maraming nakakita sa kanya at dinala sa loob agad rin siyang inoperahan ng doctor pag katapos nilang icheck ang kondisyon ni Dave. Agad din tinawagan ng doctor sila Micaela para pumunta sa hospital
"May nakakita sa kanya, iniwan daw siya ng isang lalaki" sabi ni Lester
"Nahuli ba?" Tanong ni Micaela
"Hindi daw na habol" sabi ni Lester
"Pababantayan ko nalang sa pulis ang kwarto ni Dave pag nilipat na siya sa ICU" sabi ni Josh. Matapos ang ilang oras na pag hihintay ay sa wakas natapos narin ang operasyon
"Okay na po ang pasyente, hihintayin nalang natin siya  na magising para masabing success ang operation" sabi ng doctor
"Salamat doc" ma ngiyak ngiyak na sabi ni Micaela
"Sabi ko naman sayo magiging ayos ang lahat" sabi ni Josh.





"Nasa hospital na po siya" sabi ng lalaki Kay Emelia
"Ma'am papano kung magising ang bata malamang ituturo ka niya, ituturo tayo" dugtong niya
"Hindi ko na isip yun sa sobrang taranta kanina----- bumalik ka sa ospital patayin mo ang bata" utos niya.
Kinabukasan nasa stable na ang bata at nagising na pero di pa gaanong ka lakas, nilipat na rin siya sa private room at may dalawang naka bantay na pulis. Umalis saglit si Micaela at ang kanyang auntie, nakahanap ng tyempo ang taohan ni Emelia na makapasok sa kwarto na ang akala ng mga pulis ay doctor siya dahil sa soot niya pinag bukasan pa ito ng mga pulis ng pinto.
Lumapit siya sa natutulog na bata at nilabas ang injection na may Potassium para iturok ito at walang mag hinala na may pumatay sa bata at maging natural lang ang kanyang oag kamay dahil sa heart attack
"Matulog ka na ng mahimbing bata" sabi ng lalaki sabay saksak ng injection sa dextrose ng bata




"Doc anong ginagawa niyo?" Sabi ng pumasok na nurse, nakita niya ang injection na nakatusok sa dextrose at napansin na hindi totoong doctor ang kaharap niya bigla itong sumigaw at tinulak siya ng lalaki para makadaan sa pintoan na nasa likoran ng nurse. Agad namang hinabol ng mga pulis ang lalaki, dali daling tinanggal ng nurse  ang dextrose ng bata para di na kumalat ang Potassium na ininject sa kanya sabay pindot ng emergency button ng kwarto.




Di nagtagal ay nahuli ng mga pulis ang suspect sa pag tangkang pag patay sa kapatid ni Micaela. Inimbestegahan ito ng mga pulis at nalaman kung sino ang nag uutos sa kanya. Sinugod ng mga pulis si Emelilasa bahay nila na papaalis na rin dala dala ang mga gamit para mag punta da ibang bansa at mag tago, kasama si Josh, bitbit na siya ng mga pulis palabas ng bahay nila
"Babalikan kita Josh Cullen Santos!" Banta ni Emelia bago isakay sa pulis mobile
"Officer, ito flash drive magagamit niyo yan para sa isasampa ko pang kaso" sabay abot ng flash drive.
Papauwi na siya sa pent house niya nang makatanggap siya ng tawag
"Hello?"
"Mr. Josh Cullen Santos ang matalik kong kaibigan!"
"Mr. Williams?,  anong kailangan mo?"
"Tumawag lang kasi ako para ipaalam na expired na ang due date ni Micaela, pano bayan magiging asawa ko na siya" sabi niya
"Sira ulo akala mo naman basta-basta ko siyang ibibigay sayo! Manigas ka G*go!" Mariing sabi ni Josh
"Hahahahahaha. Well tignan natin kung kanino siya babagsak!!" sabi ni Mr. Williams
"Wag kang mag alala, babayaran ko parin ang utang ng asawa ko para di mo na siya guluhin, pero hinding-hindi siya mapapasayo!!!" Sabay baba ng tawag ni Josh.


Nakita ni Micaela ang malaking bag ni Joshna nakapatong sa ibabaw ng kama niya kaya nag tanong si Micaela kay Josh.
"Saan ka pupunta?" Tanong niya
"Ahh may pupuntahan lang ako" nakangiting sabi ni Chanyeol
"May dala kang damit? May business trip ka?" Tanong niya ulit
"Ahh parang ganun na nga" nakangiting sabi niya
"Mmmmm sige mag ingat ka tsaka bumalik ka kaagad may sasabihin ako sayo" nakangiting sabi ni Micaela. Tumalikod si Micaela at papalabas na ng kwarto ni Josh pero na tigilan siya ng niyakap siya mula sa likod ni Josh
"Babalik ako at may sasabihin rin ako sayo, babalik din ako ng ligtas para sayo" nakangiting sabi ni Josh, hinigpitan  pa ni Josh ang yakap niya bago bumitiw at umalis.




Nakarating na si Josh sa pinag usapan nila ni Mr. Williams na lugar, bumababa siya sa kotse niya isang metro ang distansya nilang dalawa
"Ikinagagalak kong makita ka Mr. Santos?!" Nakangiting sabi ni Mr. Williams
"Tigilan mo na si Micaela pati ang papa niya!" Sabi ni Josh sabay tapon ng bag sa harapan ni Mr. Li. Sininyasan ni Mr. Li ang isang niyang taohan para tignan ang bag..





Nag hahanda si Micaela para pumunta sa ospital, dumating naman si Lester  na akala niyang kasama siya ni Josh
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya
"Sabi kasi ni VP na bantayan ka, may nangyari ba?"
"Hindi kasi sabi niya may business trip siya akala ko kasama ka niya"
"Wala siyang business trip ngayon"
"Ha? San naman siya nag punta?"...



Tinanggap na ni Mr. Williams ang pera at paalis na si Josh pabalik sa pent house niya. Tinawagan niya si Micaela at pinababa sa penthouse niya at nag hihintay siya sa tapat nito para sabay nilang puntahan si Dave. Nakasandal si Josh sa kotse niya at nag hihintay Kay Micaela na dumating, patakbo namang dumating si Micaela at nakita niya agad si Josh nakangiti siyang kumaway at tatawid na papunta kay Josh para yakapin ito ng mahigpit.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now