CHAPTER THIRTEEN

85 4 0
                                    


Kasama ni Micaela na nag punta si Josh sa ospital kung saan naka confine si Dave
"Ateeeee!" Sabay yakap niya ng mahigpit sa ate niya
"Auntie salamat sa pag babantay kay Dave"
"Okay lang yun, pero sino ang gwapong lalaking yun?" Turo niya Kay Josh na nakatayo malapit sa pintuan ng ward. Si Josh muna ang pinabantay ni Micaela sa kapatid niya habang nasa labas sila ng auntie niya nag uusap.
"Ano ? A-asawa mo siya?" Tanong nang auntie niya
"Opo pero hindi..... in short nag papanggap lanh kami, babayaran niya po ang ng anim na milyon pag pumayag ako sa kontrata niya mababayaran ko na po ang utang ni papa tsaka ang iisipin ko nalang ang pang pa opera ni Dave"
"Kung humiram ka nalang dyan sa may ari ng Golden Coin company para madali"
"Auntie pag natapos ang kontrata ko sa kanya hindi na ako pwedeng mag pakita sa kanya tsaka lalayo ako nasa pinermahan kong kontrata yun,.. pag umutang pa ako konektado parin ako sa kanya kaya mag hahanap nalang ako ng ibang solusyon" Paliwanag ni Micaela



"Sino ka? Bat kasama mo ate ko?" Tanong ng bata
"Ako ? Kaibigan ako ng ate mo" sagot ni Josh na naka crossed arm at nakaupo sa upuan
"Sinungaling!" Biglang sabi ng bata
"Pareho kayo ng singsing ng ate ko" sabay kuha ng kamay ni Josh na naka cross arm
"Asawa ka ng ate ko?" Sabi ni Dave
"H-ha?" Gulat na tanong ni Josh
"Pano mo---"
"May ganto rin sila mama at papa noon nakikita ko yun sa kamay nila kaya alam ko" sabay bitiw niya sa kamay ni Josh
"Kaya pala minsan nalang siya dumalaw dito, mayaman ka ba?" Tanong ng bata
"Mmmm oo"
"Kung ganun ingatan mo ang ate ko wag mo siyang pag tratrabahoin ulit kasi kahit na di mag sabi si ate alam kong nahihirapan na siya dahil sakin, nakikita ko siyang namomroblema pag nakita niya yung babayaran namin dito" biglang hinawakan ni Dave ang kamay ni Josh na nakapatong sa kama niya
"Pag wala na ako ingatan mo ang ate ko please po---- ayuko na pong nahihirapan si Ate dahil sakin, pag nandito siya naririnig ko siyang umiiyak mag isa" biglang may kung anong kumirot sa puso ni Josh pag karinig sa bata at di niya alam na may pumatak na palang luha sa mata niya.
"Ano bang sinasabi mo" sabi ni Josh
"Gagaling ka pa, mag sasama pa kayo ng ate mo ng matagal tsaka ang bata bata mo pa para sumuko, ayaw mo bang makasama ate mo ng mas matagal?".






"Nasa envelope po lahat ng information na kailangan niyo Kay Micaela Suarez" sabi ng private investegator ni Emelia
"Good, batayan mo ng maiigi ang dalawa habang nag plaplano pa ako ng susunod kong gagawin sa asawa niya" sabi ni Emelia
"Opo" sabi ng private investegator sabay labas ng opisina niya..
"May kapatid pala siya na may sakit sa puso?  ipahanda ang kotse pupunta ako sa San Agustin hospital" utos niya sa kanyang secretary...




"Teka? Anong sabi mo?" Tanong ni Micaela
"Ilipat natin ng hospital si Dave , sa Santos university hospital natin siya ilipat marami akong kilalang magagaling na doctor doon para naman maging first priority siya ng mga doctor doon" sabi ni Josh
"Pero kasi wala akong maipang babayad sayo.... hindi pwede mabawasan ang bayad mo sakin" sabi ni Micaela
"Ano ka ba? Wag mong alalahanin yun ang importante maoperahan agad si Dave. Sagot ko na lahat! Mag hintay nalang tayo ng do--" naputol ang pag sasalita ni Josh  dahil sa tuwa ni Micaela ay nayakap niya si Josh
"Maraming salamat di ko alam kung papano kita mababayaran pero salamat" masayang sabi ni Micaela. Nakaalis na silang dalawa sa ospital at dumating naman si Emelia, agad niyang hinanap ang kapatid ni Micaela at nahanap niya ito. Kinausap niya ang bata at marami siyang natuklasan laban Kay Micaela.



"May kapatid pala siya?" Tanong ni Lester Kay Josh habang nag iinoman ang dalawa
"Oo may sakit sa puso, kailngan operahan pero bago yun  dapat maka hanap muna kami ng heart donor niya" sabi ni Josh
"Talaga? So ikaw rin mag babayad sa gastos sa ospital?"
"Naawa ako sa bata, kanina sabi niya sakin ingatan ko ate niya pag wala  na siya, ang bata bata pa niya para masabi yun"
"Sa bata ka lang ba naawa? O pati na sa ate ng bata?" Tanong ni Lester na hindi naman niya kaagad na sagot
"Alam kung may gusto ka sa kanya kita naman sa ikinikilos mo"
"Hahah gus---"
"Kilalang kilala nakita Josh matagal na kaya tayong mag kasama" natatawang sabi niya
"Pero naawa lang talaga ako sa bata, why not tulongan ko diba? Tsaka ang talino niya!! Baka nga pag laki non maipasok ko sa kompanya"
"Hahaha nakalimotan mo na ata yung kontrata niyo na pag katapos niyong mag panggap ee lalayo na si Micaela sayo" biglang napaisip si Josh sa sinabi ni Lester.







Kinabukasan nag uusap sila secretary Leon at si Lester habang hinhintay nila si Josh
"Kung umamin ka na kasi total fake lang naman ang kasal nila" sabi ni Miss Leon 
"Complicated nga ee, mahal na ata ni Josh si Micaela" sabi ni Lester habang umiinom ng kape
"Di ko rin maintindihan  kung bakit pilit mo silang pinag lalapit ng todo, noong nag away silang dalawa sino nag bigay ng advice para mag ka ayos sila diba ikaw?" Sabi ni Miss Leon
"Bakit? Masama ba yun?" Tanong niya
"Ay Ewan ko sayo napaka mapagbigay mo, patayoan kita ng rebolto gusto mo?" Sabi ni Miss Leon sabay kuha ng mga folder at alis..



Nasa pent house si Micaela at wala masyadong ginagawa ng may biglang tumawag sa kanya
"Hello? Sino to?" Tanong niya
"Hello Micaela may sweetheart hindi mo ba ako nakikilala? Ha? Hahaha" sabi ni Mr. Williams na ikinagulat ni Micaela
"Wala pang 3 months ah?"
"Wag kang mag alala at pinapaalalahanan lang kita,.. akala ko kasi tinakasan mo na ako ee"
"Hindi kita tatakasan kasi alam kong mahahanap mo rin kami"
"Mabuti't alam mo hahahaha".....

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now