CHAPTER ELEVEN

86 4 2
                                    

Nasa may pool si  Micaela naka upo at umiiyak hindi pa naliligo at naka bihis kahit na malagkit pa siya ayaw niyang pumasok habang gising pa si Josh para kunin ang iilang gamit niya.
Biglang may nag abot ng panyo sa kanya at nag lagay ng tuwalya sa likod niya
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Micaela
"Punasan mo sipon mo tumutulo na" sabi ni Lester pinunasan naman ni Micaela ang kanya ilong
"Pag pasensyahan mo na si Josh mainit lang ang ulo niya kasi di niya na close ang secret deal niya sa party kanina"
"Di naman siguro dahilan yun para laitin ako" sabi ni Micaela
"Tama, pero sinampal mo si Josh kanina may maliit siyang sugat sa pisngi"
"Pano ko siya na--" tinignan niya ang kamay na gamit niya pag sampal kay Josh at nakita niya ang wedding rin niya
"May sugat ka" sabi ni Lester habang nakatingin sa tuhod ni Micaela
"Wala lang yan di naman yan masakit" sabi ni Micaela pero nilagyan parin ni Lester ng band aid ang tuhod niya
"Sanay na akong maliitin ng mga customer ko sa mall halos araw-araw yun yung snack ko pangmamaliit pero bakit ngayon?---" napatigil si Micaela sa pag sasalita dahil pinipigilan niyang humikbi sa harap ni Lester
"Siguro kasi naging komportable ka na kay Josh kaya nasasaktan ka sa nga sinabi niya kanina"
"Sana maiisip niya na kahit mahirap lang ako may pakiramdam naman ako" natahimik silang dalawa
"Alam mo maligo kana" biglang sabi ni Lester
"Amoy alak at pag kain kana" natatawang sabi niya
"Talaga?" Inamoy ni Micaela ang sarili niya..


Pag katapos niyang maligo at mag bihis pumunta siya sa opisina ni Josh na natutulog at may dalang ointment at band aid
"Tssssk  baka maging peklat to kasalanan ko pa" bulong niya sa sarili niya. Ginamot niya ang pisngi ni Josh at nilagyan ni Micaela ng band aid. Nagising kinabukasan si Josh humarap siya sa salamin at nakita ang band aid, nag taka ito kung sino ang nag lagay ng band aid sa mukha niya.


Lumabas si Josh sa opisina niya sabay salubong ni Miss Tin
"VP may problema po tayo" sabi ni Miss Tin
"Bakit?" Nakakunot na noong tanong ni Josh. Mabilis na nag punta si Josh sa opisina niya at pinatawag si Lester
"Pinahanap ko siya sa mga taohan ko, baka mamaya may lead na sila" sabi ni Lester
"Good" nakakunot ang noo ni Josh habang naka tingin sa labas
"Hindi aalis at mag qui-quit sa kontranta si Micaela kung di mo siya masyadong nasaktan"
"Alam ko na--- alam kong mali yung ginawa ko sa kanya mali din na sinabihan ko siya ng masama! Bibig ko kasi walang preno pag galit" sabay hilamos siya sa mukha niya
"Hindi rin siya pwedeng mag quit, isang buwan  palang kami sa kontranta" sabi ni Josh.

"Salamat po" sabi ni Micaela sa matandang lalaking pinag applyan niya
"Sige na mag simula ka na ngayon, ayon oh maraming customer" sabi ng matanda habang turo turo ang mga nag hihintay na customer. Sa isang maliit na restaurant si Micaela naka  hanap ng pansamantalang trabaho
"Ano po satin?" Tanong niya sa customer.

Kinahaponan hindi mapakali si Josh sa kanyang opisina at wala sa sarili niya
"And ito po sir ang report ng taga techno team para sa upcoming launching ng bagong model ng laptop natin----Sir?" sabi ni Secretary Leon kay Josh ng napansing hindi ito nakikinig at naka bantay lang sa cellphone niya
"Sir?"
"Oh yes!---ahm yes?"
"Okay lang po ba kayo?"
"Yes im okay, bakit naman hindi?"
"Ipapatawag nalang kita mamaya pag na permahan ko na lahat" dugtong niya
"Okay sir" sabay alis ni Secretary Leon. Mayamaya nakatanggap na ng tawag si Josh at agad na kinuha ang blazer niya at alis sa office niya.
"Sigurado ka doon siya nag tratrabaho?--- andali niya naman nakahanap ng trabaho" sabi ni Josh sa driver niyang si Lester
"Madiskarte lang siguro talaga si Micaela kaya naka hanap siya agad ng trabaho" sabi ni Lester. Dumating na sila sa lugar kung saan nag tra-trabahi si Micaela at nakita agad siya ni Josh habang pawis na pawis at aligaga sa mga customers niya
"Ano na gagawin mo?" Tanong ni Lester sabay baba ni Josh sa kotse at binutones ang blazer niya
"Welco----" nagulat si Micaela sa bagong pumasok na customer
"Mag usap tayo" diretsahang sabi ni Josh
"Bulag ka ba? hindi mo ba nakikitang may trabaho ako?" Pag tataray niya
"Umalis ka na dito, sinabi kong i quit na diba?" Sabay pasok niya sa kusina ng restuarant
"Lester hanapin mo nga ang manager nito" bulong niya kay Lester sabay labas sa restuarant. Nag huhugas na ng pinggan si Micaela para makauwi na siya at gabi na.

Married To A Stranger (SB19JOSH) Where stories live. Discover now