Kabanata 1

451 45 70
                                    

Hindi ako nakatulog kagabi sa kaka-isip ng nagawa kong kahihiyan. Ni-chat ko sina Mika at Elaine sa nangyari na iyun.


Ako:

guys I accidentally like Caiden's tweet. At ang malala pa na-mention ko siya, dapat kay Mika yung reply pero napatweet ko nakita nyo ba?


Elaine:

oo gaga ka talaga!.


Mika:

nakakahiya ka Haley, takwil ka na namin.


Ako:

gaga talaga kayo.


Elaine:

Stalkerist naman pala.


Mika:

ano ba 'yan haley mang-iistalk na nga lang nag-iwan pa ng kalat.


Kaya nung pumasok ako ng school wala ako sa sarili pero mabuti nalang at last day na iyun ng sportsfest kaya hindi ko na siya makikita , ngunit nagkamali ako. Pagka-pasok ko pa lamang sa gate ay iyun din ang pagpasok niya. Tumingin ako sa kanya at nagtama  ang tingin namin ngunit bago ako yumuko, isang tawag ang narinig ko.


"Haley!!" sigaw ni Mika.


Dire-diretso parin ang lakad ko habang nakayuko hanggang sa nakita ko ng pumasok si Caiden sa room nila.


"Tangina naman Haley! Bingi ka ba? Tawag ako sa'yo ng tawag wala kang naririnig" hingal na hingal niyang sabi.


Hindi na lamang ako nagsalita. Habang naglalakad kami papunta sa room ay panay ang daldal sa akin ni Mika.


"Parang ang tahimik mo ata ngayon? May problema ba Haley?" tanong niya.


"Wala naman" wala sa sarili kong sagot.


Hindi na nagsalita si Mika sa aking sagot hanggang sa pumasok nalang kami sa room. Wala pa rin si Elaine, syempre expected na naman 'yun kase lagi naman 'yung late. Kung may award sana ang mga late, madami na 'yung award. Hanggang sa natapos na ang klase namin ng pang-umaga.


"Hoy! Saan tayo magla-lunch?" si Elaine.


"Aba! Ewan ko sa inyo, ikaw ba Haley saan tayo?" si Mika.


"Bahala kayo, kung saan n'yo gusto"


Wala sa sarili akong sumama kina Mika at Elaine. Hindi ko alam kung anong meron sa akin pero nawawala ako sa mood. Ewan ko ba sa sarili ko, ano bang meron Haley?


Pumasok na kami sa kainan, kakaunti naman ang tao kaya naka-hanap na kami ng upuan. Um-order nalang ako ng honey garlic at ang inorder naman ng dalawa ay wings. Nag-umpisa na naman magdaldalan ang dalawa, hindi na talaga nahiya ang mga ito.


"Hoy! nakita mo ba 'yung tweet ni Caiden" pag-kwento ni Mika kay Elaine.


"Oo! Kaya siguro busangot ang mukha ng ating bebe Haley e!" pang-aasar sa akin ni Elaine.


"Gaga! hindi ko pa nga nakikita e!"


"Ohh, tignan mo!" pinakita sa akin ni Mika iyun, ang daming comments and retweets isama na ang likes.


@caidenalmanzor

Ganda ng crush ko.


"Alam mo feeling ko talaga, si Gianna yan" sabi ko sa dalawa.


"Pano nga magiging si Gianna e may boyfriend na nga" si Mika.


"Hindi ako naniniwala"


Hanggang Kailan (Barkada Series #1)Where stories live. Discover now