BONUS

20.2K 323 8
                                    

Yohann

"Stand up Samantha, and let's go home."

Nang mag-angat ng mukha si Samantha ay nakita niyang sunod sunod ang pagtulo ng luha nito, sa ibang direksyon ito tumingin pagkatapos ay yumukyok ulit ito sa tuhod nito. Nakikita din niya ang pagnginig ng katawan nito sa takot dahilan para kumulo ang dugo niya sa galit. Sa

"Bakit ka umiiyak?" kunwaring tanong niya kahit alam na niya ang dahilan.

"Wala." Anito habang nakayukyok parin ang ulo sa tuhod.

"Tell me, why are you crying? Nanginginig ka pa sa takot."

"Umiiyak ako, oo. Pero hindi ako nanginginig sa takot, kundi sa galit!"

Napangiti siya sa sinabi nito. "Ba't ka galit? May nang-away ba sa'yo?"

"Dahil nagulat ako at hindi agad nakaganti sa tipaklong na 'yon!"

"Pero naiganti na kita." Aniya sa isip. "Sinong tipaklong ba 'yon?"

Sa wakas ay nag-angat na ito ng mukha at tiningala siya. Sunod sunod lang na umiling ito habang nakatitig sa mukha niya. "Hindi ko kilala. Bakit dumudugo yang labi mo? At bakit may dugo dugo diyan sa damit mo? Sino may gawa niyan sa'yo? Nakipag-away ka? Hindi ka naman palaaway ah! Kailan ka pa naging palaaway?" Sunod sunod na tanong nito, parang nawala bigla ang pag-iyak at panginginig nito at napalitan ng pag-aalala habang nakatingin ito sa mukha niya.

Napasinghap siya ng bigla itong tumayo, ang malambot na kamay nito ay dumako agad sa may dugo niyang labi.

Napaatras siya dahil sa ginawa ni Samantha, hindi dahil ayaw niya, kundi dahil biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Natatakot siya baka marinig nito ang sobrang lakas ng pagtibok ng puso niya.

Hindi niya pinansin ang pag-aalala nito at kinuha ang tali ng aso nito tsaka naglakad na. Pero napatigil siya sa paglalakad ng hawakan nito ang kamay niya.

He swallowed hard. He felt some kind of electricity run through his body.
"Bitawan mo ang kamay ko Samantha."

"Gamutin natin yan." Itinuro pa nito ang gilid ng labi niyang dumudugo at hindi nito pinansin ang sinabi niya.

"Marunong ka bang maglinis ng sugat?"

Napakagat ito sa labi at namula.

Tinalikuran niya ito para itago ang pagngiti niya. Wala itong kamalay malay kung gaano ito kacute sa mga oras na iyon.

Pero hinila ulit siya ni Samantha kaya naman wala siyang nagawa kundi umupo nalang.

Makulit talaga..

"Masakit ba Yohann?" Malambing na tanong ni Samantha habang hinahaplos haplos ang labi niya na may sugat. Parang awang awang ito sa kanya na akala mo napakalaki ng sugat niya.

Sunod sunod siyang napalunok habang nakatingin sa magandang mukha nito, hanggang sa dumako ang tingin niya sa mapupulang labi ni Samantha, kaya naman mabilis niyang iniwas ang mukha pero dahil makulit si Samantha, hinuli ulit nito ang mukha niya at pinakatitigan siya.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon