PART 36

22.3K 359 11
                                    

Nahihiyang napakamot sa ulo si Yohann at tumingin sa kanya. "I'm sorry baby. It should be romantic but you give me no choice. I got panic and scared, so I thought giving you that ring will change your mind marrying Clinton."

"Napakaseloso mo talaga."

He kissed her lips. "Because I love you. I'm afraid to lose you again. I love you so much baby."

She cupped his face. "And I love you too." She deeply sighed. "Hindi talaga ako makapaniwala na magagawa ni Clinton 'to. To think na maayos kaming naghiwalay. He's too good to be true, napakaamo ng mukha at napakabait niyang tao tapos—"

"W-wait.... Wait baby. " Putol ni Yohann sa sinasabi niya habang nasa mukha nito ang hindi makapaniwala. "Si Clinton? Mabait?" Malakas itong tumawa. "Who told you that? Hahahaha, eto na ang nakakatawang joke na narinig ko. Pfffft."

Agad na nagsalubong ang kilay niya sa pagtawa nito. "Naging mabait siya sa'kin sa mga buwan na naging kami Yohann."

Umiiling iling lang si Yohann at parang ayaw tanggapin ang sinabi niya. "I know Clinton more than you do baby. We know each other for years. Believe me or not, even  he has this 'angelic face', there's a devil hidden behind it."

She shooked her head, can't believe what he said. "It's hard for me to believe that. Ilang buwan ko siyang naging kasintahan Yohann."

"And Clint is my friend for almost three years."

Napaisip siya sa sinabi ni Yohann. Siguro nga ay hindi pa niya lubos na kilala si Clinton. Sa ginawa nito kay Yohann ay nangangahulugan lang na iba ang pagkakakilala niya rito.

Bakit pa nga ba siya magtataka? Ang akala niyang masasaktan ito sa ginawa niyang pagtataksil ay parang wala lang dito. Pakiramdam niya pa nga ay may alam na talaga ito sa ginawa niya at hinintay lang siyang umamin sa maling nagawa niya.

Napapaisip tuloy siya na parang madaming itinatagong sekreto ito na hindi niya pa nalalaman.

Malayo sa isip niya, o ni hindi niya naisip na magagawa ito ni Clinton kay Yohann, sa kanilang dalawa. Kinasabwat pa talaga si Angelo!

Nawala ang paglalakbay ng isip niya ng may biglang kumatok sa bintana ng sasakyan ni Yohann. Agad namang ibinaba ng binata ang bintana ng driver seat.

Napangiwi siya ng makita ang traffic enforcer na may hawak na ticket.

"May violation po kayo sir. Illegal parking. Lagpas 30 minutes na po kayong nakatigil dito. Hindi po pwede iyon dahil highway po ito."

"Okay." Tipid na ani Yohann at tinanggap ang violation ticket nito. Nang makaalis na ang traffic enforcer ay pinaandar na ni Yohann ang sasakyan.

"Yohann, pahiram ako ng cellphone mo." Sabi niya ng maalalang kailangan niya palang tawagan si Angelo.

Ilang segundo niya itong hinintay magsalita pero patuloy parin ito sa pagmamaneho.

Agad na sinamaan niya ito ng tingin dahil hindi siya pinansin. Tutok na tutok parin ito sa pagmamaneho.

"So ayaw mo? Siguro may tinatago ka sa cellphone mo no?" Sabi nalang niya kahit ramdam naman niyang wala  itong itinatago. Nagtataka lang kung bakit hindi siya pinapansin.

Nakita naman niya ang pagsimangot nito. "Why you're still calling me by my name?" Nasa boses naman ni yohann ang pagtatampo tsaka ibinigay sa kanya ang cellphone nito. "Here's my cellphone. Halungkatin mo yan kung may itinatago ako. God, Alam mong mahal na mahal kita."

Para naman siyang kiniliti sa sinabi nito kaya ngiting ngiti na nilapitan niya ang binata at hinalikan ito sa pisngi. "Thank you baby, and thank you for loving me so much. I love you too kahit sobrang seloso mo." Sabi niya saka umayos ng pagkakaupo.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Where stories live. Discover now