PART 6

31.8K 522 13
                                    

WARNING!

WARNING!

WARNING!

"Talaga? Talagang talaga?" Gulat na nakangiting tanong niya dito. Hindi kasi siya makapaniwalang ito pa mismo ang mag-aayang makasama siya.

Tumango naman ito kaya mabilis niya itong niyakap sa sobrang tuwa.

May himala!

Dahil sa ginawa niya ay naramdaman niya ang init ng katawan nito. Manipis na sando lang kasi ang suot ni Yohann habang siya ay nakatwo-piece swimsuit lang at medyo basa pa iyon. Dahil doon ay nag-init ang mukha niya at parang napapasong bumitaw siya dito.
Pakiramdam niya parang nag-init ang paligid.

Pasimpleng huminga siya ng malalim.
"Tara?" Normal na ngumiti siya dito para pagtakpan ang kabang nararamdaman. Akmang bubuksan na niya ang pinto ng pinigilan siya nito.

"Samantha."

Napansin niyang dumaan ang pag-aalangan sa mukha nito.

At dumaan nga ang ilang sandali ay wala naman itong sinabi.

"Tara na." Wika nalang nito sabay nauna ng umalis.

Nagkibit balikat nalang siya at sumunod dito.

Habang pababa sila ng hagdan ay nabungaran pa nila si Isiah.

"Oh, nakausap mo na si papa?" Bungad niya dito.

Ngumiti naman ito pagkakita sa kanya pero bago pa ito makapagsalita ay humarang na naman sa pagitan nila si Yohann.

Nakaharap si Yohann sa kanya at kinuha nito ang hawak niyang cover ups. Namula bigla ang mukha niya nang ito pa mismo ang nagsuot niyon sa kanya.

Tuwang tuwa din ang puso niya sa ginawa nito. Napatitig siya sa gwapong mukha nito habang abala ito sa pagtatali ng cover ups niya.

Wala sa sariling hinaplos niya ang pisngi ni Yohann, buti nalang hindi nito inalis ang palad niya sa pisngi nito, kung hindi, baka mapahiya pa siya sa harap ni Isiah. "Chansing ka na naman!" Bulong ng isip niya.

"Aheeerm. Bat ang daming langgam dito? Aheeeem..."

Napalingon siya sa kunwaring inubong si Isiah. Tapos narin itali ni Yohann ang cover ups niya.

"Nakausap mo na ba si papa?" Ulit na tanong nalang niya sa kaibigan.

"Kanina pa daw sila umalis. Namasyal daw."

"Akala ko ba kakausapin ka ni papa?"

Nakakalokong tumingin naman ito kay Yohann pagkatapos ay bumaling ulit sa kanya. "So, halika na?" Pag iiba nito. " Diba tuturuan pa kita magsurf ?"

"Hindi mo na siya kailangan turuan pa." Si Yohann ang nagsalita sabay hawak sa kanya. "Sige dude, mauna na kami."

Hinila na siya ni Yohann kaya naman nangingiting nagpatangay siya rito.

Nangingiting sumaludo nalang si Isiah sa kanila.

 



Napapikit na ninamnam ni Samantha ang pagkakayap kay Yohann habang sakay siya sa jetski nito. Hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman dahil magkasama sila ngayon ng binata.

Yakap yakap pa niya ito sa likuran.

Napangiti siya..... Heaven....

Ngunit napaayos siya sa pagkakaupo nang pagmulat niya ay napansin niyang papalayo na sila sa mga tao.

"Yohann saan tayo pupunta?" Malakas na tanong niya dito pero hindi siya nito sinagot.

Habang napapalayo sila ay may natatanawan siyang Isla.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon