PART 18

22.8K 389 12
                                    

Nakailang buntong hininga na si Samantha habang nakaharap sa salamin. Dumating na ang araw ng punta nila ng kanyang nobyo sa batangas. Nag-aalangan siyang pumunta sa Batangas ng mag-isa dahil hindi niya makakasama ang nobyo.

Tumawag kasi si Clinton kagabi at sinabing mauna na siyang pumunta dahil aasikasuhin lang nito saglit ang bago na namang pinapatayo nitong resto bar sa Makati. Magiging dalawa na ang branch nito sa Makati, pero sumatotal ay pitong branch na ang bar nito sa buong Metro Manila, bukod pa iyon sa branch nito sa iba't ibang karatig probinsiya at dahil doon ay masaya siya para sa nobyo.

Napabuntong hininga ulit siya dahil kinakabahan siya sa muli nilang pagkakita ni Yohann makalipas ng ilang taon.

"Si Yohann lang yan Samantha! Alalahanin mo ang mga salitang sinabi niya sayo noon!"

"May Clinton ka na Samantha. Ipakita mo sakanya na nakamove-on ka na. Umakto kang normal." Pagkausap niya sa sarili habang nakatingin parin sa salamin.

Pinasadahan niya ng tingin ang suot niya at iiling iling na pinalitan ang suot niyang pants at simpleng t-shirt. Kinuha niya tattered denim short at sexy tank top at isinuot iyon.
Mabilis na kinuha niya ang kanyang backpack tsaka umalis sa kanyang condo.

MAGTATANGHALIAN na bg makarating siya ng Batangas na sakto namang tumawag ang kanyang ina.

"Anak, nasaan ka na?"

"Nandito na ako ma. Mag-aarkila ba ng bangka o may susundo sakin papunta diyan?"

Nangunot ang noo niya nang hindi agad nagsalita ang ina niya.

"Ma?"

"Yohann! Sunduin mo nga si Bunso. Walang siyang mahanap na bangka na pwedeng arkilahin papunta dito. Okay lang ba hijo?"

Halos lumuwa ang mata niya at lumakas bigla ang kabog ng puso niya ng marinig ang sinabi ng kanyang ina.

Parang bigla siyang nataranta at kulang nalang ay tumakbo siya pabalik sa kanyang sasakyan at bumalik nalang sa syudad. "Ma! Ano ba yung sinabi niyo? Wala naman akong sinabing wala akong makitang bangka dito! Ma naman!" Inis na wika niya sa ina. Agad siyang napahawak sa kanyang noo at pilit na pinapagana ang utak. Dumadagundong ang puso niya sa kaba at walang matinong pumapasok sa isip niya.

"Hayaan mo na anak. Mas mabilis kung sa jetski ka sumakay. Wala pang bayad."

"Bakit si Yohann pa? Bakit hindi nalang si Kuya?"

"Hay naku!" rinig niyang bumuntong hininga ito. "Isa pa yang kuya mo. Hindi daw makakapunta. Tiyak na nagpapakabusy na naman iyon! O kaya puro pambababae ang ginagawa!"

"Ma—"

"Sige na bunso, paalis na si Yohann. Hintayin mo nalang siya diyan ha?  Wag ka ng umangal anak, si Yohann lang."

"Ma naman—" Hindi na siya nakapagsalita pa dahil pinatay agad nito ang tawag.

Pagkapatay ng tawag ng kanyang ina ay mas lalo siyang hindi mapakali.
Hindi niya maintindihan ang sarili dahil kinakabahan siya sa muling pagkikita nila ni Yohann, samantalang iyon din naman ang mangyayari at mangyayari. Bawat segundo at minutong nagdadaan ay mas lalong tumindi ang kabang nararamdaman niya hanggang sa mamawis narin ang palad niya.

She inhaled deeply. "Calm down Samantha. He's just your EX. Just Act normal as if you've moved on."

"I moved on!" Apela naman ng isang bahagi ng isip niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ng makita niyang paparating na si Yohann sakay ng jetski. Agad na sumikdo ang puso niya pagkakita sa binata. Wala itong suot na pang itaas kaya kitang kita niya ang magandang katawan nito kahit malayo.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora