PART 35

19.7K 376 16
                                    


"Pasalamat ka kaibigan kita. You know I have plans for today." Biro ni Samantha kay Angelo and her friend just chuckled. Kakahinto lang ng sasakyan ni Angelo sa tapat ng isang kilalang wedding boutique.

"And that is—?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"I planned to surprise Yohann today after my working hours, but because you're my friend and you dragged me here, I'll just do it tomorrow."

Gustong niyang matawa ng makita ang itsura ni Angelo dahil sa sinabi niya.

He looks a bit annoyed. "So, should I say thank you? That you chose me, than fixing and making up with Yohann? Thank you." He sarcastically said.

Mahinang tinawanan niya lang ito. "You're welcome my friend."

Angelo suddenly took a sigh. "Kakabalik mo lang sa trabaho tapos aalis ka na? Wow, kawawa naman ako. Malapit na yung kasal ko tapos aalis ka na maman." Paawa effect pa ang mukha nito.

"OA mo gurl. Isang araw lang naman ako mawawala. I just want to surprise Yohann and tell him that I love him. Hindi ko yun nasabi sa kanya noong nasa Isla kami dahil sinabi ko na sayo ang dahilan diba?"

"Pwede mo naman kasi siyang tawagan nalang. Kung hindi mo alam ang number, madaming paraan. Ask her mother, or your mother."

"I want to tell him that personally."

"Tapos?"

"Anong tapos?"

"Pagkatapos nun? Babalik ka na dito?"

Nginisihan niya ito ng nakakaloko. "Ganun ganun nalang ba yun? Syempre hindi." Makahulugang nginisihan niya ito, ang dalawang kilay niya ay nagtataas-baba at ang kanyang mata ay pilyang nakatitig dito, nagpapahiwatig ng pilyang kaisipan.

Sa gulat niya ay umiwas ito ng tingin.
"Just be careful. Mamaya malunod ka."

"Marunong akong lumangoy."

Muli itong tumingin sa kanya. "Baka malunod ka sa sobrang pagmamahal sa kanya."

Ngumuso siya. "Mahal na mahal  ako ni Yohann."

"I know."

"Wow. Kilalang kilala mo siya?"

"You sure isang araw ka lang dun?" Sa halip ay tanong nito na ipinagkibit balikat niya.

"Oo nga."

Mukhang hindi ito naniniwala na isang araw lang siya doon.

"Ano bang meron kay Yohann at bumalik na naman ang pagkabaliw mo sa kanya?"

Ngumisi siya ng nakakaloko. Umandar na naman ang kapilyahan niya.

"Malaki."

"What?"

"Mataba."

"Huh?"

"Nakakatakot at nanunugod."

"Ano bang pinagsasabi mo?"

Agad na tumikwas ang kilay niya at pinamaywangan ito. "Ba't ba hindi mo gets? Angela!" She said while rolling her eyes. "Yan oh." Nguso niya sa pagitan nito. "Yan ang tinutukoy ko bruha! Slow mo naman my friend."

He averted his gaze on her and  muttered something but she did not hear it.

"Uy Angela!"

Muli itong lumingon sa kanya at sa pagtataka ay biglang nagtakip ito ng bibig.  " lOh, what's his size?" Bulong nito sabay nguso sa pagitan ng hita niya.

Nginisihan niya ito. "Kahit na late reaction ka kahit medyo oa pa, I know you're eager to know but I'm zipping my mouth." ngingisi ngising sabi niya. "Anyway, isang araw lang talaga ako doon and  I'm sure na kapag bumalik ako rito, sasama naman sa'kin si Yohann, so don't worry." Malakas ang loob na sabi niya.

LOVE ME BACK (COMPLETED)Where stories live. Discover now